IMITATION OF LIFE

dear unkyel batjay,

ano po ang maipapayo ninyo sa mga taong ngayon lang sasapit sa tamang edad? yung anak ko kasi ay magiging 13 years old na ngayong december at gusto kong malaman kung ano ang mga pwede kong sabihin sa kanya.

marami pong salamat.
gentle reader


dear gentle reader,

kung kapupulutan ng aral ang buhay ko eh ito ang mga pwede kong ipayo sa mga taong tutungtong pa lang sa pagiging teen ager.

  1. huwag mag-aaral mag sigarillo. it looks cool but it’s not really cool and you’ll die from it someday if you don’t stop. mayron din akong mga nakita na mga babaeng nagsisigarillo sa pekpek nung araw but that’s another story.
  2. alagaan ang ngipin. di magandang makipag lips o lips sa bungal, lalo na pag nakikipag lips to lips ng labas ang dila.
  3. ok lang makipag sex basta safe – ie, walang tulo ang partner, hindi HIV positive, walang herpes, magaling sa muscle control, etc.
  4. huwag mambubuntis at huwag magpapabuntis. gumamit ng condom o kung anong nararapat na birth control device. mas mortal sin ang pagsilang sa sanggol na lalabas sa mundong walang direksyon ang buhay.
  5. finish school. huwag gagayahin yung mga tambay na walang ginagawa. mas masarap buhay nila ngayon pero pag tagal, ikaw na nakatapos ang magiging mas maginhawa sa buhay.
  6. get a job after you finish school and move out of the house as soon as you can. pag parati kang nasa ilalim ng family tree, di ka maaarawan.
  7. mag trabaho overseas dahil mas malaki ang sweldo. but work for a few years in the philippines to pay your dues and get experience. tapos mag-ipon agad para may pambili ng bahay.
  8. alagaan ang sarili. mag exercise at kumain ng tama. pag di mo inalagaan ang sarili mo (ie, kain ng kain, jakol ng jakol, tulog ng tulog), sisingilin ka ng katawan mo pag dating mo ng 40.
  9. don’t get into a serious relationship until you’re in your mid 20’s.
  10. huwag mag-aasawa ng maaga. magpakasawa muna sa buhay binata para pag ready ka nang magpakasal ay hindi ka na maghahanap ng ibang aasawahin.

yan na muna top 10 ko. pag nakaisip pa ako ay idadagdag ko na lang dito.

ingat at good luck,
unkyel batjay

23 thoughts on “IMITATION OF LIFE

  1. Words of wisdom Batjay!!! Wag kalimutan sa mga 13-years old na naglolock sa banyo at walang tubig na dumadaloy….wag…kalimutang…punasan ang toilet bowl….at ang sahig…at baka madulas si mommy…

    sa mga babae…mas masarap kapag hindi patago….at hindi nagmamadali…so…kapag 18 ka na magpadonselya…or pag 24 na….or pag kasal na….basta multiples of 6 hahhaa. nakalagpas na ang 12…so …

  2. Tama ang mga advice mo, Mr. Batjay. Words of wisdom, indeed. Dagdag ko lang sa #5 na talagang mag-aral nang mabuti. Mahalaga ay maintindihan nang maigi ang pinag-aaralan, hindi lamang minememorya. There are students kasi who make it through school and get good grades, but all were achieved through rote learning/memorization. Hindi effective iyan and the practice catches up to them eventually once they’re in the real world.

  3. ang gaganda ng tips!
    nakarelate akesh… konting kwento 🙂

    nagstart ako magyosi nung elementary ako kasi may tindahan kami at ako palagi inuutusan ng mga pinsan ko na bumili ng yosi sa tindahan. girls ang mga pinsan ko patago din magyosi sa tatay nila. josko, bad influence talaga.

    at syempre wag mag-asawa ng maaga lalo na kung hindi handa emotionally at financially.

    yung ibang tips mo, like moving out and working overseas, nasa to-do list ko na yan.

    merry christmas to you and jetski!

  4. thank you mari. merry christmas din sa iyo at sa mga bata. maaga rin akong nag start mag sigarillo. grade 6 ata or 5 ako natuto. first year high school ay regular smokern na ako. i regret that.

    thank you sir. merry christmas tito rolly.

  5. Merry Christmas and a Happy and Blessed New Year to you and Jet. I apologize na I inadvertently left it out of the message I posted earlier. Take care.

  6. Hi Jay,

    sayang at wala pa itong advice column mo nung bata pa ako pero palagay ko applicable pa rin sa akin ang ilan sa iyong mga payo.

    Merry Christmas to you and Jet. Kelan ba ulit kayo papasyal dito sa Vegas?

  7. BOSSING!!!

    merry christmas sa inyong pamilya. malamig na sigurong todo-todo ngayon sa desyerto ano? balak ko ngang dalhin si jet sa birthday niya sa 15th ng january. di ko pa sigurado kung vegas or big bear. may pupuntahan bang may snow sa inyo?

    ingat sir!
    jay

  8. merry christmas !!!!!o hayan pareng jay….pinabasa ko sa anak ko ang iyong mga payo at pinagusapan namin…..mag 13 years old na rin siya…..mabuti na rin maging open ang line of communication namin….salamat

  9. ang galing mo naman pare.

    sana lahat ng mga tatay ay kapareho mo. iba na talaga pagpapalaki ng anak ngayon – congratulations. i’m sure maganda kakalabasan ng open communications.

  10. “…mayron din akong mga nakita na mga babaeng nagsisigarillo sa pekpek nung araw…”

    – meron pa rin doon sa isan bar sa may ******,***** ****… 😉 pero nanganganib na sila sahil nga doon sa XXX na show ng ABS-CBN…

    “…pag parati kang nasa ilalim ng family tree, di ka maaarawan.”

    – it’s nice the way you put it. 😀

    “alagaan ang sarili. mag exercise at kumain ng tama. pag di mo inalagaan ang sarili mo (ie, kain ng kain, jakol ng jakol, tulog ng tulog), sisingilin ka ng katawan mo pag dating mo ng 40.”

    – hindi pala counted as exercise ang pagma-maryang palad… XD

    dagdag ko lang ang aking advice para kay Gentle Reader:

    12. huwag kang gagawa ng kahit anong katangahan para lamang sa kadahilanang bigyan ng sakit ng ulo ang iyong mga magulang. hindi naman kasi ang magulang mo ang mabubuntis ng wala sa oras, maba-bate* ang utak kapag nag-shabu, … you get the idea.

    * – ‘di ba ang Tagalog ng salitang “scrambled” ay “bate”, as in, “binateng itlog”?

  11. It gives me a great feeling to find out that other Filipinos are finally opening up to the topic of sex.

    3 out of ten po sa pinayo ninyo ay related sa sex and relationships. And that’s good to hear! Importanteng importanteng topic ito at hwag na lang dapat ipagsawalang bahala.

    Kasi, napapansin ko nung bata ako sa Pilipinas, para bang naaaa-paka taboo nung topic na yun.

    Ayun, tuloy, ang taas ng incidence ng teen pregnancy, teen STD, at mga kabataan na na-uuto ng mga masasamang loob – kaya tuloy kalat ang pedophile at date rapist. Napaka dami ding born out of wedlock and shotgun weddings.

    Instead na kausapin ng magulang ang anak, sinu-supress na lang.
    “Hoy! Wag kang mag-iisip ng ganyan!” ang palagi kong nadidinig. Or maybe “Masama yon!” or baka naman “Naku, bata kapa at kalimutan mo muna yang boypren gelpren na yan”.

    Sa aking obserbasyon, mas masama yung i-suppress. Parang utot ba.

  12. medyo liberal up-bringing sa akin at hindi naman nagkamali ang parents ko. dapat talaga open ang pag discuss sa mga bata ng mga importanteng bagay na makaka apekto sa buhay nila in a bad way pag hindi na explain maigi – sex, drugs, food, lifestyle.

  13. im 19 yrs old now and 8 months pregnant with my first child its a boy! my dad died when i was 9 yrs old..so my mom went abroad to work until now… im so happy and very excited to meet my lil bundle of joy… im living with my partner though were not yet married… the only thing that i regret most is i havnt finish school…(i stopped when i was 2nd yr nursing student) see, im not financially and emotionally stable… there are lot of things i get insecure to…

  14. good luck with your child. i hope it turns out ok for the both of you. i’ve known a lot of people who’ve finished school after having kids. all it takes is focus.

    take care and i wish you all the best.

  15. #12. Always keep lines of communication open with your parents and don’t hide anything from them because your parents love you so much that there is nothing that they cannot do or understand for you.

    #13. Always remember that your parents are your heroes and they’re there to help you and always look out for your best interest.

    #14. Refer to #12 and #13.

    #15. Refer to #1 thru #14.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.