bok choy with garlic na sinamahan ng tokwa na may sawsawang suka at toyo. simple lang itong lutuin at magaan sa tiyan dahil walang karne. bagay na bagay bilang hapunan, lalo na kung nagpapapayat, high blood o kaya ay para sa tulad kong pogi pero diabetic.
nakakatuwa kasi sikat na rin ang gulay na ito rito sa california. who would have thought na magkakaroon ng appeal sa mga amerikano ang isang gulay na bok choy ang pangalan. i bet in most cases, malamang ay hindi nila ito ma-pronounce ng tama.
una kong nakilala ang bok choy sa singapore. pag tinatanong ko sa suki kong hawker kung ano ang masarap na gulay appetizer, ang parati niyang sinasabi sa akin ay “treibokchoygudlah”.
matagal bago ko naintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin.
wow, my kind of food. adik ako sa tokwa, unkyel batjay. adik, i tell you.
ako rin adik sa tokwa, minsan nga gusto ko itong singhutin sa ilong.
yeeeees, mehn!
ayos….di ko natikman yang “bok choy” nung nasa SG pa ako..mukhang masarap dahil ba sa luto mo pre?…joke……anyways pag nagkita tayo patikim ng mga luto….
sarap pre. pag nagkita kita tayo sa bahay, puro gulay na lang papakain ko sa inyo.
sir,napadaan lang po,interesting po yung mga notes nyo at yung pag detalye ng bawat sinusulat nyo..nakakagutom!,este nakakatuwa pala.
Pareho pala tayong pogi. Naks! Hahaha (Oops! Kumikidlat na dito.)
pogi is relative.
ayos ang mga pagkaing nilagagay mo dito… simpleng i-prepare pero masarap!! hmmm… naglalaway ako sa tokwang sawsaw sa toyong may suka.
yung hinanda ni jet o si anna ba? na tokwa’t baboy sa bahay nyo sa antipolo 2-3 yrs ago, naubos ko lahat ng tokwa. ang natira puro baboy. nilagay kasi sa harap ko yung bowl eh. ang sarap ng tokwa!
ang bok choy ay pechay di ba?
chinese pechay, mari. si anna banana ang naghanda ng tokwa. nasa US si jet nung nagkita kita tayo sa antipolo. sarap ano? pag umoorder nga ako sa restaurant, tokwa’t tokwa imbis na tokwa’t baboy.
hi rho. karamihan ng mga luto ko ay dinner meals na hinahanda ng taong kakagaling lang sa opisina na medyo pagod na at ayaw maghand ng mabusising pagkain.
hi sir! hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero napakagaling nyo po kayo kumuha ng picture ng mga pagkain! It seems that whenever you post an entry with any food in it, para syang pagkaing nakikita sa mga cookbook at food magazines! Mukha talagang masarap ang mga pagkain, i think this is what they call food art in photography. They’re amazing pics!
sarap,ipagluto mo kami nyan pre pag pasyal namin , merry x’mas,hapi new yr.s inyo ni Jet,ingat
pareng eder. pag nagawi kayo rito, pagluto mo kami ng kare-kare mo. miss ko na ang mga luto mo sir. miss ko na rin ang mga pasyal natin. kailan ba kayo dadalaw?
hi melay. maraming salamat sa papuri mo. magaling din akong kumain ng pagkain. sana, isang araw ay makagawa rin ako ng libro sa pilipino na tungkol sa pagkain. hindi cookbook but about food.
kasali na ba lahat ng nasa picture, bosing? Wala nang saling ket?
Sarap talaga nyan.
oo sir, walang salingket at kasali lahat pati pamato’t panabla.
last time na niluto ko yung ‘toge recipe’ mo kuya, ay sobrang nagustuhan ng itang ko. (na matamis din ang dugo)
sana ma try ko din po ‘tong lutuin para sa kanya.
piktyur pa lang, katakam takam na.
oo masarap din ang bok choy. parehas din ng luto sa toge at spinach.
mmmmmm, mukang masarap nga!, naglalaway na ‘ko! buka na bukas din, yan ang lulutuin ko! salamat sa idea!
oo masarap talaga at simple lang lutuin. samadaling salita – pagkaing OFW.
Hello po! Kanina pa ko tawa ng tawa sa pagbabasa dito…nagbloghopping lang ang napadpad dito hehe. Umabot na ko dito sa page na to ng di nagcocomment pero ok po itong blog nyo =D Salamat sa pagpapatawa =) Alam ko di po kayo comedian pero nakakatawa talga hihi. Ciao!
maraming salamat sa pagtawa. sana di ka nautot.
ingat,