If you see her, say hello

dear mommy,

kanina lang, naisip ko na naman kayo at bigla akong nalungkot. isang taong mahigit na kasi tayong hindi nagkikita at matatagalan pa bago kami makauwi. pasensya na lang po kayo sa amin dahil di tayo magkasama ngayong pasko. minsan, hindi ko na nga alam kung ano ang tamang gagawin – gagastos ba ako para makauwi at makita kayo, o ipapadala ko na lang yung pera para masaya ang pasko ninyo.

ngayong taon, pinili ko na merry christmas sa pilipinas without me. pero next year hindi na pwedeng hindi kami uuwi. ngayon pa lang nga ay hindi na ako makapaghintay. kamusta na lang po sa lahat.

with so much love,
jay

18 thoughts on “If you see her, say hello

  1. Merry Christmas, Jay! Merry Christmas din sa Mama mo.

    Perennial problem ito ng lahat ng mga kababayan natin na hindi makakauwi ngayong Pasko. Sana magkaroon ng madaming budget airlines na long-haul para madali-dali na sa bulsa ang mag-roundtrip. Higit sa lahat, sana gumanda na dito sa atin ng wala ng masyadong umalis.

  2. Miss ko rin ang Mommy ko and sister ko around this time of the year. Though I agree with the wisdom of your decision, I know that it must hurt a lot not to be able to fly home. Hang in there, Jay.

  3. ako naman gustong umuwi sa march dahil uuwi ang sister ko saka nanay ko sa pinas 😦 time sana na magkasama-sama kami pero di pwede 😦 hirap magpareserve ng ticket para sa march …sayang 😦 my next chance to me see my family e sa 2010 pa 😦 hirap ano?

    good luck next year sana makauwi ka na.

  4. matagal ko nang gusto nung napapanood sa mga science fiction shows gaya ng star trek, nung transporter. tatapat ka lang, tapos nung molecules mo mata-transfer dun sa destination. voila! in a few seconds, andun ka na.

    walang binatbat ang pasko dito sa isteyts sa pasko natin sa pilipinas. what i wouldn’t do para makipagsiksikan sa last minute christmas shopping sa megamall.

  5. nalungkot naman ako dito, bosing. Make sure you will come back home on Christmas day next year. This is one of the happiest occasions that we have fond memories of kaya napaka meaningful nito satin.

    Now, thinking how many OFW’s are out of the country today, I can just imagine how many shall be lonely this Christmas. Minsan nakakalongkot ding isipin. Sana maganda economy natin at self-sufficient tayo. hindi na sana tayo nagkakahiwa-hiwalay. Bwisit kasi ang mga lider natin eh.

  6. uuwi ako ng pasko at balik sa a-uno para lang kunin ang clearance ko at huling sahod. nagtitingin kasi ako last week sa web ng open pa na before 25th Dec, nakita ko isang budget airlines pero SGD900+ and hinayupak. pero ayun ibinook ko pa rin. tsk!

  7. merry christmas kuya and kay ate jet na rin! yaan mo… sa next year pala e uuwi naman kayo! talagang ganyan yata ang buhay OFW noh? di bale… idaan mo na lang sa tawag!! šŸ™‚

  8. nakakalungkot naman. kami din ganyan dilemma since the hubs recently joined a new company, so ipon bakasyon muna. hopefully next year sa pinas din ang pasko namin.

  9. Nakow…parang gay-an yung drama ko last year nang mamatay ang tatay ko. Chose not to go home and instead just sent the money which could have been my airfare dahil kulang ang panggastos. Kumbaga’y naroon nga ako, wala namang pambayad sa kabaong. 😦

    Pero nakauwi yung kapatid ko at yung pamilya nya galing sa States. Ang mga hinalipak, the next day, pagkalibing ng Tatay ko, nag-outing na kasi summer at reunion na rin nga naman, eh. Kuu, ang inggit ko! šŸ™‚

  10. nalungkot naman ako at naalala ko yung Dad and Bro ko na nasa Canada ngayon. hindi ko rin sila makakapiling ngayong Pasko at Bagong Taon kasi mahal ang pamasahe nila pauwi at mahal din naman kung ano ang pupunta dun.

    pramis, mag-iipon ako ng todo-todo para sa next Pasko at Bagong Taon, makapiling ko naman sila. hay. kung meron lang akong bilao na lumilipad, sus, nakarating na ako sa Canada.

  11. Hi Jay,

    Like u, I was an Overseas Filipino Worker stationed in Saudi Arabia for 10 years. Unlike in the US, I cannot just buy a plane ticket and go to the airport to fly home. I need an exit visa to go out of that country and a re-entry visa if I wanna go back. If you are already an american citizen, you can always buy a plane ticket, go to the airport and board your plane to Manila anytime you like or even if you are not an american citizen you can also do that . What I am trying to say is that there is no happiness a mother feels than seeing her children and apos while she still can.
    Jay, this Christmas might be too late ’cause I’m pretty sure no plane has available seat now but do your very best next year to be with your mum.
    I lost my mum in 2002 and I feel happy that when dear Lord took her I was here and was able to take care of her until her dying days. My two brothers are in New York. One was able to come for the wake while the other was not. He just cried. Our mum did see that.
    Merry Christmas Jay and to your family. May all of us have a peaceful and prosperous New Year ahead of us.

    Warm regards…….Bong

  12. Hi Batjay,

    I would do anything just to be with my Mom again, even just for a brief moment this blessed season of love. I lost my Mom in 2005. I took care of her until the very end but it was never enough, I feel. I miss her so much.

    Please go home and be with your Mom at the next opportunity, maybe next Christmas. For you just never know.

    Sincerely, Eugene

    PS. I just had a good cry reading these posts. Can’t help it.

  13. first time ko magpapasko na wala sa pinas. i terribly miss my nieces and nephews and brothers. I miss my mama too. grabe, tatlong taon na kaming nagpapasko na wala siya. dalawang taon na rin ako nagluluto ng noche buena namin. at ngaun na wala na ako sa pinas, inaalala ko yung mga naiwan ko kung gaano sila kalungkot at kung sino pa ang makaka-share nila sa noche buena.

    humahapdi tuloy ilong ko…
    hay… Merry. and somehow not-so-merry Christmas sa ating mga OFW’s.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.