Pay me my money down

ang baba ng palit ng dollar ngayon, bwakanginangyan. 41 pesos to a dollar na lang nung nagpadala kami last week. malamang eh bababa pa ito once pumasok na sa pilipinas lahat ng pera galing sa mga ofw. nakakainis nga kasi kailangan magdagdag ka ng pera para makabuo ng equivalent ng dati mong ipinapadala.

nung 55=1 ang exchange, ang 100 dollars ay 5500 pesos. ngayong 41=1, 4100 pesos na lang. malaking bagay din yung 1,400 na difference, lalo na kung malaki ang pinapadala mong pera.

kino-compute ko nga, marami nang mabibili sa pilipinas ang halagang 1,400 pesos (eg, isang pares na stone washed na maong, isa’t kalahating ladies drink, lunch sa jollibee kasama ang gelpren at yung nanay niya, isang blowjob, pasta at linis ng ngipin sa dentista ko sa talipapa na nasa loob ng beauty parlor ang clinic, etc.).

sigurado ako, maraming mga pinoy ngayong taon ang hindi makakatanggap ng mga aguinaldo galing sa mga ninong at ninong nilang mga OFW. kung mayroon man, malamang hindi kasing laki ng natanggap nila last year.

kaya patawad na lang sa mga inaanak ko sa pilipinas. pasensya na kung wala kayong makuha sa akin ngayong pasko. pag nagkita kita tayo, magpapapitik na lang ako sa inyo.

26 thoughts on “Pay me my money down

  1. Ayon po sa binabasa ko ngayong libro ni G. Rey Angeles na “The Philippine Economy: Do Our Leaders Have A Clue?”, gaguhan lang raw tuwing sinasabi ng Mahal na Pangulo na “gumaganda ang ekonomiya sa pag-taas ng halaga ng piso laban sa dolyar” dahil nga ang totoo’y bumabagsak ang halaga ng dolyar habang ang piso ay, well, walang pinagbago. ayos.

    To quote:

    “…Trade deficits are international transactions of goods and services that are given to us on credit. When we buy more than what we can pay, we incur DEBT!

    Somebody pays for that debt. Do you know who it is?

    Yes, our OFWs, with their remittances of more than $12.8 billion per year and increasing.

    These are people who are getting poorer with their dollar remittances converted to less Pesos because the Peso is getting stronger!” (emphasis mine)

    aray.

  2. well…..that is reality…..it is only foreign exchange rate that has change..but doing business in the phils did not….. so mahal pa rin ang basic needs ng mga pinoy…chain reacton…. mahal pa rin ang gasolina, pagkain, lahat ng bilihin mataas pa din….si Ate Glo na lang ang hindi tumataas… siguro kung lumiit siya bakasakaling bumaba ang blihin..he he he

  3. pareng jay…sad to know…..may survey kasi na dollar earners tend to spend more if it is spend in local currency….siguro sa panahong ito…kailangan maghigpit ng sinturon….ang pamilya ng mga bagong bayani…

  4. “…ngayong pasko. pag nagkita kita tayo, magpapapitik na lang ako sa inyo.”

    Pitik sa yagbols. Masakit yata yon.

    Ramdam din namin dito dahil mababa na yung value nung supporta namin na pinapadala.

    Tsaka dito rin sa Amerika, pansin namin na lahat ng imported na bilihin ay tumaas na ang presyo dahil mas mataas na ang cost ng pag-import, cost ng oil, at cost ng giyera sa Iraq.

  5. oo nga, ang expectation ng marami ay dahil mas maganda ang peso sa exchange rate ay mararamdaman agad ito ng mga pinoy. siguro yung mga importers ay ramdam nila agad. ang hiling ko nga ay sana mag translate ito sa mas magaan na buhay para sa mga nasa pilipinas para naman may kaunting kunswelo yung mga nasa abroad na apektado ng mababang dollar.

    pwedeng pitik sa bayag, pareng nano. nagpadala ka na rin ba ng pamasko? baba ng palit ano? kainis.

    ate glo, yung katukayo mo ang pipitikin ko pag nagkita kami. hehehe.

    mas magastos ba ang mga dollar earners sa pilipinas, pareng jun? sa experience ko ay medyo tutuo, lalo na pag pasko kasi maraming mga tao ang naka abang sa iyo – security guard, taga linis, taga kuha ng kuryente, simbahan, inaanak, pulis, etc.

    OFWs are getting poorer? oo nga, lalo na para doon sa mga contract workers na nagbabayad ng mga utang nila sa mga recruiters. hindi parehas yung value ng inutang nila ay yung binabayaran.

  6. “…pareng nano. nagpadala ka na rin ba ng pamasko? baba ng palit ano? kainis.”

    Padala si misis on a regular basis para sa charities na support namin at sa nanay niya.

    Uwi si misis sa January pero yung budgeted allowance niya ay paliit ng paliit. Kaya hindi na siya pwedeng mag-shopping sa Pilipinas.

  7. hi sir batjay..oo nga, grabe yung baba ng dollar. pati po dito sa singapore. 28 pesos to a dollar ang palitan sa LP. malaki rin talaga ang loss nating mga ofw pag ganyan ang palitan..
    gusto ko sanang matuwa na lumalakas ang peso, kaso hindi naman nagbabago yung prices ng bilihin sa pinas..so parang nalulugi tayo.

  8. 28 to 1 na pala ang SG to peso. mababa nga. hirap niyan pag umuwi dahil kaunti lang mabibili mo. sana makapag enjoy pa rin kayo.

    baka mas mura pa rin mag shopping sa pilipinas, pare. mga damit siguro eh mura pa rin kaysa rito.

  9. sabi sa commercial sa tv, ramdam ng madaming pilipino ang pag-asenso. tae sila. baka mga binayaran lang ng gobyerno para magsinungaling. ang totoo lang marami pa rin ang naghihirap. sana natuloy yung bakbakan nila trillanes sa manila pen, malamang bumaba ulit ang halaga ng piso kung nagka-riot ang magdalo at sundalo ng gobyerno.

  10. hindi po sir batjay. Kahit importers hirap kasi hindi rin naman po nagbabago ang “rates” ng mga lagay, kotong at etc ng mga tao dito.

    If anything, lalo pa tumataas and “singil” this month kasi sa kanila kumukuha ng mga pampamasko ang ilang mga local politicians at mga taga-customs. I’ve got relatives na importers na nagpa-plano mag out of town muna para di ma-contact ng mga “namamasko.”

  11. pag pasko nga lumalabas yung mga kaibigan na hindi mo alam ay kaibigan mo pala. hindi lang naman sa mga importers ito nangyayari. sana mabago ang sistema in the future, yan ang isang dahilan kung bakit ako umalis ng pilipinas.

  12. linis ng ipin sa dentista sa talipapa…hahahahah. kasama ba sa sa 1400 pesos ang pasahe sa traysikel? loob o libis? sa loob ho. off-topic…baket walang traysikel sa amerika?

  13. korek ka dyan kuya… sobrang baba na talaga ng palit ngayon. bawas din ang mga aguinaldo para sa mga inaanak! ako rin yata… patawad muna sa mga inaanak! yaaaay! naku naman… kailan kaya mangyayari yung P50 ulit?

    merry christmas and happy new year sa inyo ni te jet! ingatz po lagi en God bless!

  14. Sana nga kung ang pagbaba ng palit ng dolyar e dahil sa lumakas ang piso,ang problema e hindi. Ganun pa rin naman ang purchasing power ng peso eh. Halos walang power.

  15. kili-kili power na lang. nakakainis naman. talo both ways. marami rin kasing problema ang US$ kaya medyo mababa ang exchange compared sa mga currencies. mas mataas na nga ata ngayon ang canadian dollar.

    hi rho. payag na ako sa $1=50pesos. malayo na rin mararating nito. sana next year. merry christmas din sa iyo.

    hey bob. naalala mo pa yung loob at libis? hehehe. yung dentista ko ay nasa harap mismo ng pila ng mga tricycle sa kanto ng talipapa.

  16. sa aking opinyon ay nararamdaman naman ng mga pilipino ang lakas ng piso. kung hindi malakas ang piso ngayon, tyak na mataas ang inflation. tyak mataas ang ooil price increase. this was eased by our strong peso. domino effect na rin yan… salamat po pala sa inyong mga ofw kasi kayo ang dahilan ng pagtaas ng piso. kung ayaw nyo tumaas ang piso, uwi kayo. joke! hehe

  17. wala naman po sanang kaso kung bumagsak ang dollar dahil yun naman ang totoong nagyayari sa pera ni uncle Sam, nga lang, pag bumaba ang dollar, dapat bumaba din ang bilihin sa Pilipinas, dahil mas marami na tayong mabibiling krudo base sa bagong exchange rate

    example kung dati ang oil barrel ay USD 1 (wari lang) at dati ay 50 peos ang USD 1, now na almost 40 na lang ang USD 1 dapat eh isang barrel at isang long neck ng krudo ang kaya na nating bilhin,resulta, pagbaba dapat ng basic goods.

    kaso, sabi nila, madami daw kasi tayong stock ng oil na nabili sa dating presyo, parang narinig ko na yang palusot na yan sa tindahan ni mag kulas sa kanto.

    kaya after ko magpadala sa pinas, ang ipon ko, sa dirham ko muna tatago.
    bwakang you!!!

  18. hmmm… mababa nga ang palit ngayon. pero di ko ramdam yan dahil walang direktang epekto sa ekonomiya ko at dollar play money pa lang naman ang nahahawakan kong in hundreds.

    pero. question! di ba bumababa ang palitan pag mejo palapit na ang pasko dahil maraming nagpapadala? may diperensya ba kung magpadala na lang ng around uhhhh… april? tapos ilagay sa bangko at wishing na lumaki naman kapag dating ng December?

  19. Nagpadala rin ako sa Inay ng Oz $ nang umuwi sya galing dine para nga sa mga pamangkin at inaanak ko. P37 ang palitan nung pagdating nya. Kow, eh, hindi agad nagpapalit. P33 na lang daw kahapon at mukhang bababa pa lalo. Sows…kailangang ire-budget ang amount ng mga papasko! 😦

  20. I-quote ko lang po uli ang libro ni G. Rey Angeles:

    “No, the increasing remittances from OFWs is not an indication of good academic performance.

    Yes, we who are purposefully opportunistic can continue with our purposefully opportunistic businesses and take advantage of the OFW remittances and indeed do well under this regime.

    But, on the whole, sending our best source of competitive advantage to work for our competitors abroad will remain the strongest proof of the mismanagement of the economy.”

    at

    “It gladdens the heart that our skilled people continue to find greater opportunities in foreign lands.

    However, it saddens the heart that local industries can’t give them work.

    It saddens the heart that their departure will further impair the already devastated local industries.

    It is saddening that the government is looking only at dollar remittances and has totally ignored the loss of skilled workers and managers in our factories, offices, and institutions.

    [b]It is even more gravely saddening that the government has no plans on how the OFWs can be won back to return and work in our economy.[/b]

    It is almost like hearing parents say to their children: ‘[i]Mag-Japayuki muna kayo, mga anak, at wala kaming mapakain sa inyo dito sa bahay. Bahala na ang Diyos, kung anong mangyari sa atin![/i]'”

    In short, sanga-sanga lang po talaga ang lahat ng iyan. 😦

  21. salamat sa quote, DH.

    oo historically, talagang bumababa ang exchange rate every christmas time dahil sa dami ng padala ng dollars but this year has been extra low dahil sa problema ng dollar itself. so much so that it has really affected our pockets.

    $33 to 1 ang AU$. medyo mababa nga. di bale, maganda naman ang economy down under kaya ok lang sa inyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.