nasa vegas ako hanggang wednesday para bumisita sa customer, isa sa pinakamalaki at pinakamagandang hotel sa strip. ang sarap pag customer ang nag arrange ng hotel room dahil parating may libreng upgrade sa mas magara at malaking accomodation. muntik na nga akong maligaw sa loob ng kwarto ko dahil parang bahay. sa sobrang laki nga ay mayroon itong dalawang toilet at tatlong TV.
ang nakakainis lang ay dahil trabaho ang pinunta ko rito, pag dating ko sa kwarto ay late na. pagod na ako at gusto ko nang matulog. tapos maaga gigising kinabukasan kaya hindi ko ito masyadong ma enjoy. alam ko na ngayon kung ano ang pakiramdam ng isang gutom na lalaking binigyan ng isang lata ng masarap na corned beef pero wala naman siyang can opener.






