pakiramdam mo ay parang may isang milyong hinulugang taktak sa tabi mo pag nakasilip ka sa gilid ng niagara falls. dumalaw kami rito last week nung nasa canada ako dahil kasali ito sa trabaho ko. oo virginia, walang personalan. trabaho lang talaga. late afternoon na kami nakarating at tamang tama sa paglubog ng araw at pagsikat ng buwan. buti nga nakahabol kami. balita ko kasi eh pinapatay na raw ang niagara falls sa gabi kasi nagtitipid na sa tubig ang gobyerno.
Sumakay ka ba sa Lady of Mist? Sarap no? Pagdating sa gitna ng horseshoe, hihinto at parang magba-bow? Natalo ko ng malaki sa casino dyan. Yun lang ang nakakainis, hehe
ayus yung dry Niagara Falls, kelan kaya yun? sobrang pagtitipid naman hahaha…si spidey nakita ko na rin – nasa Niagara Falls pala siya!
1969 ata nung may ginawa silang project and they had to stop the falls – weird tingnan ano, pag walang tubig.
at oo, nagpunta rin sa niagara si spiderman.
walang oras bossing dahil trabaho yung pinunta namin sa niagara falls. pakita ko sa iyo ang video pag natapos na. gusto ko sanang sumakay sa barrel at mag plunge sa falls.
bwakanginang mga casino sa tabi ng falls – nakakasira ng ambiance. mahal pa naman yon.
yu mr batjay.nice job u got hre s blog mo. maraming salamat napapatawa mo ako.
nways sana pahintulutan mo akong magamit ang iba mong mga images sa blog ko. tulad n lamang nung super titi 33. siguro kng meron nyan dito s pinas patok yan.
sige, pero sa susunod huwag ka namang mag-comment na parang texter. hrp ksng bshn snslt mo ksi, pkrmdm ko, pra akng may kausp na ngo-ngo.
😀
hindi ko magets bakit pinapatay yung tubig dahil nagtitipid na ang government.Gumagamit ba sila ng electricity?
malakas kasi ang konsumo ng tubig ng niagara falls – ang laki tuloy ng water bill ng gobyerno ng USA at canada.
hahahhahahha.that was funny…..
thank you. dapat lang na maintindihan ng isang taga toronto ang humor.
vindicated..i am selfish..i am wrong! i am right..i swear i’m right
hello, napakagandang tignan talaga ang Niagara Falls. Baka yung ilaw lang pinapatay nila. Di ba sa gabi, iba ibang ilaw nasa paligid ng falls. Nanjan din ako nung 2002, tumira ako sa Marriott Hotel, sa harap ng nakuha kong kwarto ang view ng falls.
di ko na inabot yung light show. malaki nga yung marriott sa kabilang kalye na malapit sa mga casino.
malaki matitipid nila sa tubig pag pinatay nila ang niagara falls sa gabi.
hindi ko masyadong nagets yung joke about pagpatay ng tubig sa gabi hindi kasi taga canada hehehe(or slow lang talaga ako)
akshuli nireregulate nga nila ang daloy ng falls well,hindi naman totally pinapatay… pinahihina lang, ayon sa wikipedia….
“During the summer months, 100,000 cubic feet per second (2,832 m³/s) of water actually traverses the Falls, some 90% of which goes over the Horseshoe Falls, while the balance is diverted to hydroelectric facilities. This is accomplished by employing a weir with movable gates upstream from the Horseshoe Falls. The Falls flow is further halved at night, and during the low tourist season in the winter”…..
simpleng trivia pero nakakamangha.. ang galing..
oo nga, they do slow it down at night and use it for the hydro plant. nood ka ng video ng niagara falls
It’s like a totally different world with you there and me here. I miss you.
uwi ka na rito mylab. miss na rin kita.
Jet and Jay, tamang tama ang tugtog sa background ko “Wish You Were Here” ni Ryan Adams. 🙂 Sana magkasama na kayo noh…
ganda nga yang kay ryan adams. naalala ko rin ang wish you were here ng pink floyd kaya nase-senti tuloy ako ngayon.
How about Wish You Were Here by Fleetwood Mac.
Paborito kong kanta ni Christine McVie
From the Mirage album, kung saan kinuha ang pangalan ng pinakamagaling na banda sa musical extravaganza. Pangatlong pinakamagaling lang pala.
ah, classic rin yan. bwakangina, nakakasenti rin ang version na yan.
si guitar man ang first prize. oo nga, third place kayo. naalala ko pa.
Thats so nice 🙂
why thank you.