I wonder as I wander out under the sky

isa sa mga benefit ng walang anak ang mobility. para sa amin ni jet, madaling makalipat from one place to another. kaya nga etong nakaraang 6 years, parati na lang kaming lipat ng lipat: from novaliches to antipolo, singapore to california. bawat lipat ay palaki ng palaki ang hakbang namin, palayo ng palayo sa pinanggalingan. siyempre, pangarap din naman namin na magkaroon ng final dwelling place one day. iba kasi ang may sariling tahanan – takbuhan mo ito pag gusto mong magpahinga. pag wala kang permanenteng address, vagabond pinoy ka na lang habang buhay, cursed to roam the earth for all eternity. uy, madramang salita yon.

vagabond” – isa sa pinaka unang salita sa english na natutunan ko. binabasa ko kasi yung story ni cain at abel nung 5 years old ako at isa ito sa mga salitang hindi ko agad naintindihan. alam nyo naman kung ano ang nangyari kay cain di ba? pinatay niya yung utol niya kaya pinalayas siya ng diyos at naging “vagabond” siya, according to the translation ng bible namin sa bahay at that time.

BATJAY: daddy, what’s a “vagabond”?

DADDY: it’s a person who wanders and roams.

BATJAY: why is cain a vagabond?

DADDY: kasi, god got mad at him because he killed his brother. so he was cast out and made to wander the world.

BATJAY: daddy, di ba si adam at eve at sina cain and abel ang unang mga tao?

DADDY: oo anak.

BATJAY: eh sabi kasi sa bible, nagkaroon ng asawa si cain pagkatapos siyang palayasin ng diyos. nagtataka kasi ako: kung sila ang unang tao sa mundo eh sino ang napangasawa ni cain?

DADDY: heh, masyado kang maraming tanong. o heto, kung talagang matalino kang bata ka, ilang hayup ang nilagay ni moses sa ark?

ang bible story na ito ay inihandog sa inyo ng “ruby blade pomade”, ang pomada ng mga nag-aahit.

20 thoughts on “I wonder as I wander out under the sky

  1. ewan ko ate ruth.

    i was kinda hoping it will be my beloved davao, or auckland or sydney. or perhaps even a small house in san francisco or monterey or carmel.

    but eventually, we will have to choose because, yes, we do want to settle down.

  2. Ano’ng sinabi ni Moses nung matanggap niya yung 10 utos?

    What about Singapore ulit? I wouldn’t mind SF or Auckland. Ayoko ata sa Sydney… malangaw masyado pag summer hehehe.

    You know what my best place these days is? In bed, snuggled up against you, for that extra 15 minutes in the morning before I really, really have to get up and get ready for work. That’s where and when I’m happiest.

    Labyu!

  3. hi batjay,

    malamang ang napangasawa ni cain isa sa mga kapatid niya. tama ba yun jet? 🙂

    anyway, ayan na naman kayo, ang sweet ninyong dalawa, bagay sa inyo sa san francisco tumira. kita-kita tayo don 🙂

  4. Jet wrote: “Ano’ng sinabi ni Moses nung matanggap niya yung 10 utos?”

    I believe Moses replied, “Anak ng tokwa naman, ang dami naman”.

  5. may hawak si moses na 3 tablets at sabi niya sa harap ng congregation: “I NOW GIVE YOU THE FIF… (biglang nahulog yung isang tablet sa sahig at nabasag) …THE TEN COMMANDMENTS”

    yung ang gustong sabihin ni jet.

    hi rho – good for you. sana magustuhan mo ang libro pag natanggap mo na ito. salamat.

    MISISPI. na miss ka namin. sana hindi masyadong naka apekto ang bagyo sa inyo. kailan ka ba namin makikita ni jet dito sa orange county?

    salamat mylabopmayn. mas magugustuhan mo pag mag 15 minutes in bed tayo sa isang maliit na cottage sa auckland. sarap ano?

  6. Kumusta ba o Kamusta?,

    Tatlo na anak ko. Pero may panahon na minsan may panahon para magawa ibang bagay na gusto kong gawin pero hindi magawa dahil sa panahon sa pamilya. Don’t get me wrong, I love my family and having a ball raising my kids as well as my wife, raising that is…..Nakakainggit ka…..Yung pa biyahe-biyahe at palipat-lipat sa iba ibang sulok ng munda ang isa sa kinaiingitan kong nagagawa mo. Salamat sa mga kuwento mo.

    Jojo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.