ALIVE

dear kuya,

naalala mo ba nung bata ako, parati mo akong kinukwentuhan tungkol sa mga iba-ibang animals? nung nasa novaliches tayo, parati mo akong pinapasyal sa ilog para tingnan yung wildlife doon. kahapon kasi, nagpunta kami sa dana point para mag whale watching. ang layo na ng narating ko ano? thirty years ago, magkasama tayo sa tullahan river para panoorin yung mga gurami at isdang kanal na lumangoy doon. ngayon, eto na ako, nakasakay sa isang malaking bangka (‘dapor’ ang tawag natin dito nung araw. naalala mo ba?) para panoorin ang mga blue whale sa california coast. migration season nila ngayon at sinuwerte kami kahapon dahil naka ilang sighting kami.

Continue reading

DEATH BY POWERPOINT

halos isang linggo na akong nakakulong dito sa isang hotel sa southern california. annual company conference at mahigit limandaan kami ritong galing sa iba’t ibang parte ng mundo ang parang mga gagong nakikinig sa iba’t ibang mga presentation simula 7:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon. habang lumilipas ang mga araw, nakakaramdam na ako unti-unti ng pagod. ito ata ang tinatawag nilang death by powerpoint. pero ok lang, bilang kunsuelo de bobo kasi, binigyan kaming lahat ng bagong iPod nano. ok na sales tool ano? lahat ng mga recording ng mga topic ay nakaload sa iPod para pag uwi mo sa kung saang parte ng mundo ka man galing eh pwede mong balikan ang mga presentation na narinig mo during the conference.
Continue reading

OCCAM’S RAZOR

happy 15th anniversary mylabopmayn! yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.

Continue reading

And if I should fall behind

ang topic namin ngayon sa “The Rebels Without Because” ay tungkol sa poverty at ito ang contribution ko. this isn’t really a poverty post but it’s very close. this is about our struggling years as husband and wife. i’m sure you know the story by now, but i’ll tell it again because it’s a great story. i met jet when i was just out of college, oh maybe 18 years or so ago. i didn’t have any job at that time but i was confident (or maybe even stupid or naive to believe) that i’d immediately get work. our family also didn’t have much and was struggling. i didn’t have any money myself – all i had was my education and a lot of bullshit. well, i did get a job a month after graduating and it paid big: 2,000 pesos. just enough to give my mom some money and expenses to get to and from work.

Continue reading

Only the beginning of what I want to feel forever

Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

Continue reading

MARY PALMER IN TAGALOG IS MARIANG PALAD

TANONG: dear unkyel batjay, bagong kasal po ako. dahil po sa hirap ng buhay ay nag decide akong mag abroad. kailangan po namin ng pera pambili ng bahay at para rin po sa kinabukasan ng aming magiging anak. sinubukan ko po talagang lahat ng dapat gawin para mabuhay sa pilipinas ngunit di po talaga namin mapagkasya ang maliit kong kita. nagkanda utang na nga kami dahil parating short. aalis na po ako bukas at ang masakit po niyan ay maiiwan po sa pilipinas ang misis ko. ano po ang mabuti kong gawin?

SAGOT: “magbaon ka ng maraming lotion para hindi kalyuhin yang kamay mo.”

AND THE PAINTED PONIES GO UP AND DOWN

yesterday’s title is today’s song. nag record ako ng kanta kagabi. kung di ninyo alam, yung title ng previous entry ay galing sa kantang “circle game” ni joni mitchell. it’s a personal favorite for a lot of reasons. pakinggan nyo na lang:

The Circle Game, the “winalanghiya ni batjay” version. narito yung lines of the title of my previous blog entry – “words like, when you’re older, must appease him, and promises of someday make his dreams”. ay naku, such great lyrics at ang sarap kantahin

The Circle Game, Take 1. this is my first take of the joni mitchell song. ok na sana kaya lang nag text si mari kay jet in the middle of the song kaya napasigaw ako in the end. hehe. pakinggan nyo – pati yung ring tone ng text ay kuhang kuha. bwahaha.

Continue reading

UNDER THE BLUDGEONINGS OF CHANCE

ginagaya ko ang boses ng daddy ko kahapon. wala lang. naalala ko lang kasi siya. gusto nyong marining? eto click here. hehehe. ay mali. yan pala ang magiging boses ko kapag natanggal ang aking betlog. eto ang aking tutuong impression sa boses ng daddy ko. di ko nga lang talaga magaya, kahit anong gawin ko. di ko makuha ang kanyang timbre. di ko kaya ang booming deepnes na parang pinaghalong james earl jones at james coburn.

Continue reading

WISH I DIDN’T KNOW NOW WHAT I DIDN’T KNOW THEN

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.