pag naririnig ko ngayon ang “circle game“, naalala ko ang daddy ko. matagal na siyang namatay pero naiisip ko pa rin siya parati. alam ko, iba ang pinapakahulugan ni joni mitchel nung ginawa niya ito pero everytime na naririnig ko ang kanta, parang gusto kong i-urong ang oras para maibalik yung panahon na magkasama pa kami. i could have done more for my dad now that i have a steady job but i can’t because he’s gone forever.
pakinggan ang batjay’s twisted pinoy version ng “circle game” na handog pa rin sa inyo ng “Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal” – subukan ang bagong pakbet flavor na gawa sa kupal ng supot na ilokano.
sagad naman sa pagka-angkop ang song/post mo sa anniv ng edsa rev, bossing, circle game, parang pulitika sa pinas, paikot-ikot paikot-ikot paikot-ikot paikot-ikot lang (ayan: n,e,s,w ang signipikante nyan, captive in the carousel of time).
ganda boses mo. pwede mag-request?
pwede. basta huwag lang mga kanta ni victor wood.
Ganyan din nararamdaman ko minsan. Laging perfect vision ang hindsight. Kaya nga I think we must really care and look after our loved ones while they’re still here. Basahin mo sir yung new book ni Mitch Albom — For One More Day.
oo nga, on hindsight. kaya pag may nagrereklamo sa akin ngayon about their parents sinasabihan ko na intindihin na lang dahil mas mabuti na yung may topak pero buhay naman.
a day will come when you won’t see them anymore.
hi mr. jay david. bumili ako ng libro mo kahapon sa national bookstore cubao. š
maraming maraming salamat. sana magustuhan mo ang nga kwento.
Ang ganda Papa! Bagay na bagay sa boses mo ang kanta.
Siguro Pa halos cliche na para sabihin ko ito pero I know for sure, from where Daddy is right now, he sees you with a smile on his face and pride in his heart saying, ‘That’s my boy!’
thank you mylab. ikaw naman number 1 fan ko. buti nagustuhan mo. lab U!
galing galing! Narinig mo na ba Tito BJ yung kanta ni Pareng Paul Mccartney? Here Today? Check it out:
This song reminds me of my Dad (RIP) too š¦
“here today” – yes. i used to play that a lot in the past. that and george harrison’s “all those years ago”, which i personally like better than paul’s tribute.
thanks for the link, it’a a great version.