sabi ni kuya bong, mayroon daw buyer na interesadong bumili sa bahay namin sa antipolo. binigyan ko ng price na medyo on the high side in the hope na hindi kakagatin. kinagat pa rin. from the looks of it, mukhang maipagbibili na ito. matagal na akong nagdadalawang isip kung ibibenta nga siya dahil ito ang una naming bahay ni jet. pero parang dumating na yung oras para talagang bitawan na siya.
heto na naman ako, unti-unti na namang nakakaramdam na nawawala ang kapit ng pilipinas. isa-isa na kasing inaalis yung mga bagay na nagdudugtong sa akin sa kanya. it’s as if mayroong deconstruction na nangyayari. we build new lives here in california habang nagiging ala-ala na lang ang naiwang tahanan. yeah baby, turn, turn, turn.

