isang umaga, habang tumatakbo ako sa isang park sa southern california…
BATJAY: hello!
GROUP OF SENIOR CITIZENS: (with a thick pinoy accent) gud morning!
BATJAY: magandang umaga!
SENIOR CITIZEN#1: magandang uma… UY, PILIPINO!
SENIOR CITIZEN#2: oo nga. sa unang tingin, akala ko meksikanong intsik.
BATJAY: (pabulong) meksikanong intsik? WTF.
ang chance encounter na ito ng mga pinoy sa park ay handog sa inyo ng “MAGGI-SALOMPAS BULALO, ang instant noodle para sa may mga rayuma”.
hahaha jay, ok yan a. meksikano na, intsik pa. parang “never the twain shall meet”. anong konek? wala, parang yung hirit nina lolo. hehehe
teka, uutot muna ako. sa tawa.
hi sr.
meksikanong intsik – parang oxymoron. siguro dahil dark skinned singkit ako, lalo na pag bagong gising.
Singkit na nognog… o di ba walang katulad? Kaya nga special ka saken e. π
Labyu!
ahihi intsik daw ba?hehe infairness ha ang laki ng pinayat mo =) galing!
payat na intsik. galing no?
hahaha thats funny π
naku kung ganyang napagkakamalan ka palang meksikano e wag kang pupunta sa mga lugar na may gangwar at baka mapagkamalan ka ulit.
iniisip ko nga bossing, mag drive down kami ni jet at tumawid sa tijuana. balak ko kasing mag apply sa mariachi band. ang magiging pangalan ng band ko ay…
“batjay, ang meksikanong singkit and the jakolites”
hi psyche.
special extra crispy ako mylab.
unkle b., natawa ako dito kase by the “looks” of it, mukhang pareho kayo ng ethnic origin ni markie. π
ngyehehe…. hi petite. oo nga, singkit din si mark na kutis b. pareho ko. kaya lang baka mas dark ang skin tone ko.
musta na diha?
Hindi kaya naka-inom si tatang nung sinabi yun?
hindi siguro. alas 7 ng umaga kasi nung nangyari. at saka manang ang nagsabi, hindi manong. dalawang manang ang nag-uusap, kasama ang isang manong.
baka may drinking problem si manang, then…. talagang isisingit ‘no?
hindi lasing si manang. talagang singkit ako na kutis betlog.
Mexicano = mestisuhin
Intsik = Asian
That’s the way I look at it. π
asian-south american. naalala ko tuloy yung doctor ni jet sa mata – bumbay na lumaki sa south america.