Wounded flowers were dangling from the vine

may bago kaming suking tindahan ni jet. mga dalawang kilometro lang ito sa bahay namin – nagbebenta sila rito ng mga organic na gulay at prutas. sariwang sariwa ang produce dito dahil yung taniman ay nasa likod lang ng tindahan. mura lang ang presyo kaya maraming nagpupunta rito.


ang pinaka gusto ko ay yung small town feel ng tindahang ito. kahit medyo ultra modern ang city of irvine, mayroon pa ring pockets of what life probably looked like when orange county was still one big orchard. naisip ko nga: kung ang kinakain mo ay organic, pwede mo bang gawing fertilizer ang ebs mo para talagang masabi mong kasama ka sa circle of life?

18 thoughts on “Wounded flowers were dangling from the vine

  1. gusto ko din yung feel ng mamalengke sa hindi naka-aircon na palengke Pa. miss ko na yung palengke natin sa Antipolo at lalong miss ko nang tumawad… hehe.

  2. Regarding your question, sa tingin ko puwede naman talaga tayong maging bahagi ng circle of life. Hindi ko nga lang alam kung legal kasi baka may ordinansa ang siyudad ng Irvine laban doon.

    Puwede kasi nating gayahin iyong mga ‘Kano na naglalakad ng mga aso nila at dinadampot ang mga dumi nito using a plastic bag. Baka puwede rin nating gawin iyon at ibato sa mga garden o vegetable patches ng kapitbahay para maging fertilizer.

  3. tol,

    remember when we were in elementary grades? di ba meron tayong gardening? and what did we use as fertilizers? di ba ebak ng kalabaw o kabayo? synthetic/chemical fertilizers were not in fashion during that time kaya very fresh ang mga produce at bihira ang mga sakit sa tao. anyways, meron pa naman places dito sa pinas na meron ganoon, sa mga malalayong probinsya. sana maibalik those times di ba?

    all the best (always)….bong

  4. Actually, why not? kung tutuusin pwede namang talaga diba. Hindi nga lang natin maisip na ang kakainin natin e gumamit ng human feces para maging fertilizer.

  5. Pwede nga siguro…biodegradable din naman ang ebs ng tao. Kaso baka mangamoy ang garden pag ebs ng tao ang kasama sa compost. 🙂

    Sa Irvine pala kayo…I visited a client there a couple of years ago. Di ko alam na may train pala from LA. Nag-bus ako…it was the longest bus ride I ever had. Parang nasaulo ko lahat ng intersections bago makarating sa Irvine…hilo na rin ako sa gutom.:)

  6. in fact, yung train station is very near our home and is very convenient to use if you want to go in and out of orange county.

    kaya nga sinasabi parati ng mga health authorities na hugasang maigi ang mga gulay. yung ibang fertilizer ay talagang gawa sa organic materials that include you know what.

  7. ako, yun din ang gusto ko sa baguio.. yung city feel nya, pero may mga areas pa rin na alam mong untouched by the city.. kahit nasa city sila mismo..

    ayaw ko kasi ng toxicity ng city, although andun lage yung “kabuhayan” mo, so its always nice to get away from the city.. kahit andun ka alng.. ah! basta hirap iexplain. ehehe

  8. my husband and I compost…pero kitchen peelings lang. Being in the province, i told my husband na I notice wala masyadang ebs ng kalabaw o kabayo akong nakikitang nakakalat. Sabi nga ni mister ay ginagawang fertilizer. One day, we saw a dried ebs ng kalabaw. Sabi ng asawa ko, o pagkakataon mo na para magka-tru blue fertilizer tayo! Sabi ko, ikaw nga ang dumampot! So…hanggang ngayon puro kitchen peelings ang fertilizer namin. The end.

  9. mga composters pala kayo. hehe. that’s really good.

    i love our part of irvine, it has a small city feel even if it one of the largest in orange county.

  10. Pare diba uso non ang Systo na sakit? cysto ba yon ewan ano ispiling basta magkatunog lang yan.. pero di kaya tayo magkasakit nyan pag Ebak ng tao gawing fertilizer?

  11. ako ang babae at ina na pag nagsawa o nasasakal sa buhay siyudad, retreat ako sa aking farm (palay lang at konting gulay ang tanim) medyo malayo ang farm ko pero sulit naman dhil sa sariwang hangin, sariwang pagkain gulay at isda, at enjoy ako sa company ng mga simple pero totoong tao and best of all enjoy ko ang aking bahay kubo. At pag nasa bukid ako, kumukuha ako ng 1/2 sack ng ebak ng cow at carabao at hinahaluan ko ng lupa at dayami at …. dinadala ko sa manila para ihalo sa tanim kong roses.

  12. hehey CeliaK.

    oo nga, local grocery ng organic fruits and veggies. it does give our part of the city a small town feel. i love irvine. it’s like singapore in a way, malinis, walang crime at maraming asians and white guys.

    kamusta ka na?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.