two years na kami ni jet dito sa california. one year na kaming may green card. di na magtatagal, pwede nang mag apply para maging amerikano. pag wala nga akong magawa, imbis na magjakol ay iniisip ko ang advantages ng kulay asul ang passport.
Category Archives: BUHAY OFW
Starts with an earthquake, birds and snakes
Young and pretty on the mean streets of the city
ang hirap pala ng nag-iisa ano? ngayon lang ako walang kasama ulit ng medyo matagal at hindi na ako sanay. hindi naman ako hiniwalayan ng asawa ko. umuwi lang siya sa pilipinas ng dalawang linggo. kaya eto, naiwan ako rito na parang trumpong kanggarot, parang manok na walang ulo, parang saranggolang may kilya, parang langaw na tinanggalan ng pakpak, parang titing walang betlog at kung ano-ano pang descriptive na salita na nagpapahiwatig na walang direksiyon ang iyong buhay dahil hindi mo kasama ang iyong minamahal.
Girl, ain’t no kindness in the face of strangers
habang patagal ng patagal kang nakatira sa amerika, unti unti kang nagiging immersed sa kanyang kultura at way of life. natural tendency ito dahil pag hindi ka nag conform, mahihirapan ka. kaya nga halos lahat ng mga pumupunta rito ay nagiging assimilated and resistance is futile. it starts the moment you step off the plane.
If your head explodes with dark forebodings too
pagka gising sa umaga during weekends, kadalasan ay gumagawa ako ng brewed coffee to start our day. pag nakasalang na yung kape sa coffee maker, lalabas muna ako para kunin ang mail at magbasa ng LA times. babalik lang ako pag tapos na yung pag brew at amoy na amoy na yung kape sa loob ng bahay. quirky, i know, but the smell of coffee makes me happy.
sira ulo ba ako para ma enjoy ang simple pleasure na ito?
Ev’ry stranger’s face I see reminds me
nung nasa singapore pa kami nakatira, isa sa mga paborito kong gawin ay magpunta sa lucky plaza pag linggo. day off kasi ng mga OFW at lahat ng mga pinoy ay dito nagpupunta para tumambay, bumili ng mga kapinoyan na gamit tulad ng toyo, suka, manggang hilaw, chocnut at pelikula ni judy ann santos.
pero para sa karamihan ng mga tulad kong sabik na may makausap na kabayan, excuse lang yung may bibilhin na gamit. ang talagang puntirya mo para magpunta sa lucky plaza ay para may maka kwentuhan, kahit na sandali. ang paborito kong gawin pag narooon ako ay makipag landian sa mga sales lady habang bumibili ng patis.
The flowers in the vase that you bought today
pag bibili ka ng bahay dito sa america, kadalasan ay uutang ka ng pera. bihira lang naman kasi ang mga tao rito na tulad ng mga ibang government officials natin sa pilipinas na nagbabayad ng cash pag bumibili ng property dito sa california. but i digress.
para makautang ka ng perang pambili ng bahay, dapat ay may dati ka nang utang. weird logic, ‘no? gusto kasing makita ng mga nagpapautang dito na una, mayroon kang utang, at ikalawa, ibidinsya (bisaya kasi ako) na kaya mo itong bayaran.
eh pano pag wala kang utang?
good question, gentle reader. pag wala kang utang, walang magpapautang kaya ang advice ko ay pumunta ka na lang sa grocery at bumili ng bahay ng posporo.
Lifts away the blues when I rise
six years na akong OFW this week. six years nang wala sa pilipinas. naalala kong bigla yung huling linggo ko bago umalis, nagpunta kami sa simbahan ng antipolo para humingi ng kaunting swerte sa magiging byahe ko papuntang singapore. nakasabay pa namin si president arroyo sa simbahan. nagdarasal dahil papunta ata siya sa malaysia during the same week. muntik ko pa ngang natapakan dahil hindi ko agad nakita. malayo kasi ang agwat ng age at height namin.
Before the lightning fades and you surrender
two years ago, umalis kami sa singapore for good para pumunta rito sa amerika. on the way ay nag side trip kami sa pilipinas para magpaalam sa pamilya namin. umakyat din kami ng mount apo para tapusin ang isang project. di nagtagal ay bumiyahe na kami papunta rito sa california to start our new life. july 31st – eksaktong two years na kami ni jet dito sa california ngayon.
tinanong ako ng kaopisina ko kanina kung ano ang nami-miss ko simula nang tumira kami rito sa amerika. sabi ko, nalulungkot ako kapag nakakarinig ako ng tunog ng kulog at patak ng ulan sa TV. minsan kasi yung pagkawala ng mga simple pleasures ang pinakamasakit sa lahat.

