pagka gising sa umaga during weekends, kadalasan ay gumagawa ako ng brewed coffee to start our day. pag nakasalang na yung kape sa coffee maker, lalabas muna ako para kunin ang mail at magbasa ng LA times. babalik lang ako pag tapos na yung pag brew at amoy na amoy na yung kape sa loob ng bahay. quirky, i know, but the smell of coffee makes me happy.
sira ulo ba ako para ma enjoy ang simple pleasure na ito?
sa tingin ko sobra ka sa kape unkel, kasi masyado kang masayahin.
una hotdog, tapos ngayon kape, pandesal na lang may agahan na tayo!! Anung peyborit mong brand ng kape unkyel?
Maaga palang nadedeliver ang mail sa inyo. We never get ours till after lunch.
kung sira ulo ka, kita na lang tayo sa mental…kasi ganun din ako dito…
bwehehe… dalawa na tayong mental case. actually si jet din. kaya pag alam kong uuwi siya galing sa graveyard shift, magtitimpla na ako ng kape bago ako umalis papuntang office.
mail from previous day ang binabasa ko.
favorite brand? blend 45. hehehe. kahit anong costa rican coffee.
bihira na nga akong mag kape ngayon ever since huminto ako sa pag yosi.
Nothing beats the aroma of coffee brewing in the morning. I don’t know but of all things I remember Canada by, it is the smell of ground coffee permeating the air. Love it!
high din ako sa amoy ng kape. š
ako naman high sa amoy ng pintura.
vancouver at seattle – daming kape doon sir.
Hi jay,
Ganyan talaga kapag tumatanda at nasa overseas ka,
halos lahat ng simple, na-eenjoy mo… ang tawag yata
yata nila dun ay ‘mababaw ang kaligayahan’ …
pero ok lang ‘yun… at least, masaya ….
Kumusta ka na?Nakakagutom ang hotdog at kape…
Ano kaya ang kasunod???
Ingat…
oo, babaw kaligayahan ko kaibigan. ok lang kami rito – medyo mainit lately kaya nakahubad ako parati.
I will miss you mylab. Please take care of yourself while I’m gone.
Thank you for all the support. I treasure you so much. I love you.
i will take care of myself. ingat ka riyan mylab. miss na kita.
lab U,
pareho tayo! gustong gusto ko din pag ang buong bahay eh amoy kape… minsan pa, binibagay ko sa mood ko ang kapeng ibre-brew ko.. like today, i felt how sweet life is, so i brewed a french vanilla coffee.. minsan naman, pag stressed out ako eh irish coffee-flavored naman ang nibebrew ko… pero kadalasan eh ordinaryong folgers lang ang gusto ko….
nakakatuwa kasi ngayon, i am having brewed coffee while listening to the CD that you made for me before you left for CA… remember that? swak na swak sa personality ko itong mga kantang pinili mo!
miss na namin kayo… sana ok lang si mother jet don sa pinas.. pinagdadasal ko sya!
JENNYPENG!
coincidentally, kakatapos ko lang mag kape na may halong sugar free na french vanilla creamer. sarap.
dinner mag-isa ako ngayon dahil nasa pilipinas na nga si jet. nagluto ako ng pork adobo. my first time ever, believe it or not. masarap naman. sinamahan ko siya ng kamatis na may kasamang hard boiled egg. ganito siguro buhay ko for the next ten days.
oo naalala ko pa yung binigay kong CD sa inyo ni amor. pinag-iba ko sila para pwede kayong mag share. miss na namin kayo diyan. minsan nga, iniisip ko, sana di na lang kami umalis.
sweet naman nila hislab and herlab *kilig*
Sarap talaga ng amoy ng kape sa umaga lalo na’t may bagong lutong pandesal at may margarine at pritong itlog tapos may dyaryong Abante.
Kumpleto ang umaga! š
drew, magtapat ka — pag hawak mo ang abante, center pages una mong binabasa noh? lol…