Starts with an earthquake, birds and snakes

My1stAdobo-04

kung biglang tinopak ang diyos at sinabi niyang bukas na ang end of the world (as we know it enay feel fine), pupunta agad ako sa kusina para maghanda ng pagkain. ang magigigng last meal ko ay pork adobo, longganisa, steaming rice, kamatis at hard boiled eggs.

niluto ko ito nung wala si jet. my very 1st adobo, ever. simple lang pala itong gawin. di ko nga ma imagine how simple to prepare food could taste so good. pasensya na kayo for my sense of wonder on such a mundane dish, spoiled na bunso kasi ako. all my life, mayroon parating nagluluto para sa akin whether i like it or not.

pero hindi na ngayon. ang isa sa mga perks ng OFW – ikaw lahat ang gagawa. i love this part of my life when i’m old enough to be a grandfather… ok, teka muna. taympers. “grandfather” is over dramatic, i must admit. pero nung 42 ang daddy ko, mayroon na siyang apo. but i digress. what i wanted to say is that i love the fact that at this late stage in my life, mayroon pa rin akong natututunan na bago sa mga bagay na, in a different time and place, i would have taken for granted.

and if i must say so myself, my first adobo tasted so fucking good.

37 thoughts on “Starts with an earthquake, birds and snakes

  1. gusto ko ngang magluto na lang araw-araw. siguro pag marami na akong pera at pwede na akong mag retire.

    oo pare, masarap talaga ang aking adobo. not bad para sa isang virgin cook na tulad ko.

  2. huuuummmmm…

    yummy….

    ako din natutong mag-luto simula ng mag board ako dito sa Manila..
    at adobo din una kong natutuhan..
    grabe… sarap….,

    ganun pala yun.. pag gutom ka na kusa ka ng gagawa ng paraan para may makain..

    hahahahaha…

    nice photo ah….

    kagutom…

  3. Eto nanaman ako batjay parating napapadaan para kasing ADOBO you can’t resist to taste… sa tutoo lang yan din ang una kong niluto sa KSA unfortunately sabi ng mga nakatikim masarap daw pala ang chiken steak kasi pnaibabawan ko ng fresh onion ring yummy!

  4. oo batjay walang baboy sa KSA pero binaboy marami, nandyan ang binaboy na luto! dahil nga mga hindi sanay na magsipagluto. sabagay sabi nga “walang hindi masarap sa taong tamad”

    Kaya pala naimbento ang DINAKDAKAN (dinakdakan ng asawa dahil makikipag-inuman sa barkada) ang DINUGUAN (nagsaksakan at napunta sa pulutan nilang DINAKDAKAN) at ang huli KINILAW (dahil sa takot ng ibang kainuman namutla!)

  5. Ah talo ako ng adobo nung nag-s-South Beach Phase 1 ako… Torture! How can you eat adobo with just green salad? Nakaka-praning. I even have to cook the adobo! So I eat alone in front of the telly while my family devours the “proper” meal on the kitchen table.

  6. Earthquake, Birds & Snakes? I’m sure the first letters of these words were the result of mere coincidence when you thought of a title for this entry. And then i saw the pic…omg. It is either you are a truly peculiar person or i have a really vivid imagination or maybe it is both. Do not get me wrong, I enjoy your blog immensely and look forward to every posting you make. I guess i just got caught off guard this time…keep up the great work.

  7. you just have a vivid imagination and maybe you’re a little bit sick

    ako rin. nung first time kong nagluto ng kanin. lasang sunog na lugaw.

    adobo at hot pandesal, auee. pero pwede rin with raw spinach.

    one of my favorite songs. sabi sa wiki, REM was inspired by dylan’s “Subterranean Homesick Blues“, another favorite song.

  8. congrachuleyshens, unkyel batjay! ganyan na ganyan din ang feeling ko nung una akong nakaluto ng masarap na nilagang spare ribs. isang eureka moment ito para sa akin. 🙂

  9. Hello Jay! Long time no visit! Congrats on your successful foray into cooking! Practice only makes you better, and you can eat your mistakes, hehehe.

    Kumusta na nga pala ang house-hunting? I’m not sure right now how’s the market in OC, but here in Lakewood prices have fallen. Sa katunayan, yung bahay sa kanan namin (3 bdrm, 2 bath), remodeled recently, with hardwood floors, is going for 579K. It’s been on the market since the owners left for Houston a month and a half ago (and it’s one of many properties here that have been sitting idly for a while). Lakewood may not be as posh as Newport Beach(?!), and commuting may be an issue, but if you wanna take a look-see, let me know…

  10. hey classmate daisy.

    siguro mayroon akong “green thumb” sa pagluto. madali kong natutunan ang mga measurements kaya lumabas na masarap. maraming salamat sa offer tungkol sa bahay diyan sa LB. medyo mahal lang. hindi namin kaya ang 579K. and i probably won’t live in LB dahil masyadong malayo para kay jet at para na rin sa akin. hindi na ako sanay sa traffic.

    i love Virgin Cook. in fact, pag gumawa ako ng food blog, Virgin Cook ang gagamitin ko.

  11. Hi unkyel, mukhang katakam-takam ang adobo mo!! Speaking of learning new things, I was able to buy venison meat about 2 weeks ago at one of the bigger supermarkets here in NZ. Ang ginawa ko sa kanya ay bistek or maybe the more correct term would be “deerstek”. Ok din ang kinalabasan, mas malinamnam pa kaysa beef. Masubukan nga kung pwede din sa adobo.

  12. sige, pwede kabit basta sa blog lang.

    oo, specialty ng mommy ko ang adobong puti. pinagsasama niya ang manok at baboy. matagal ko na nga itong hindi natitikman. iniisip ko pa lang ngayon, nagutom na ako.

    ano na nga ba ang tawag ng adobo sa cebu?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.