christmas day 2002

bisperas ng pasko, sama-sama kami ng mga kapit-bahay dito sa antipolo upang salubungin ang kaarawan ni jesus. sinara namin ang kalye at apat na pamilya ang nagtipon-tipon upang pagsaluhan ang noche buena.kanya-kanyang luto siyempre. mayron kaming fried dumplings, hamon, cake at ang aming contribusyon… makabagbag damdaming spaghetti! marami ring red wine, san mig light at soft drinks para panulak.

Continue reading

senti-MENTAL

isang linggo na ako dito sa pilipinas… bawat araw na nagdaan, isang paalala kung ano ang nawala sa buhay ko simula ng umalis ako rito at nangibang bansa.

bawat araw ko rito ay mahalaga… sinasamsam ko at binibigyang kahulugan, isinisilid sa puso para muling gunitain ng paulit-ulit. ano bang meron dito na wala sa singapore? marami! hindi ko naman sinasabi na pangit doon. mas okay lang talaga dito sa pilipinas. una, nandito ang aming pamilya. pangalawa nandito ang mga kaibigan. ikatlo, nandito ang mga kapitbahay.

pamilya, kaibigan, kapit-bahay – halos lahat sa kanila, walang pakialam kung ano ang estado mo sa buhay, walang pakialam kung gaano kalaki ang kita mo, kung may kotse o condo ka. walang intriga pag nakatalikod ka. sa madaling salita, dito sa munting mundong ginagalawan namin sa pilipinas ay nararamdaman ko ang “belonging”. ano ba ito as salitang pilipino? belonging – “kaisa”, “kasama”, “kabayan”, “katoto”, “kabilang”. lahat ito’y napapatungkol sa akin bilang kabahagi… kabahagi ng isang pamilya, kabahagi ng isang barkada, kabahagi ng isang komyunidad.

sa singapore, si jet lang ang pamilya ko.

Continue reading

ANTIPOLO BLUES

miyerkoles ng umaga
nakahiga pa rin sa kama
nakabukas ang bintana
pasok, hanging sariwa
sarap ng bakasyonista

ahhh, pwede na akong pumalit kay aprils boy! lahat ng kanta ko eh, nagtatapos sa “A”. hehehe.

Continue reading

TINDERO NG BIBINGKA

lunes, december 16 2002 – anong ginawa ko ngayong araw na ito? una gumising ako ng tanghali! hehehe… a far cry from my normal routine. araw araw ay gumigising na normal sa umaga (tuwing lunes). force of habit siguro. sa akin kasi, lunes ang pinaka-importanteng araw sa empleyado at dito nakikita ang dedication. kadalasan kasi eh ay gimmick tuwing sabado at linggo at ang typical reaction ng isang empleyadong tamad is to call in sick during mondays. kaya ako, nung boss pa ako – pag may empleyado na nagkaroon ng LBM (loose bowel movement) ng lunes eh sinasabon ko ng husto. minsan nga eh may sinibak pa nga ako.

Continue reading

KAPE AT YOSI

linggo. 2 araw pagkatapos namin dumating sa pilipinas ang una kong kumpletong araw dito sa bahay namin sa antipolo. malamig na’t masarap ang simoy ng hangin dito sa kabundukan ng rizal. animo’y dinuduyan kang pirmi at pinaghehele ng hanging pumipito pa sa bintana. masarap talaga sa sariling bahay, heto akong nagpuputol ng mga damo at halaman, nag-aayos ng hardin. dahan dahan lang ang pag-galaw pare ko, bakasyonista ka, namnamin mo ang bawat oras sa hardin. hehehe…may iced tea (with ice siyempre). minsan nama’y kape. minsan nama’y may kasamang yosi.

Continue reading

WHERE YOUR HEART IS

Picture of my Tahanan with Jet and Datu

miss ko na ang bahay ko…miss ko na ang aso kong si datu…miss ko na ang garden ko….miss ko na ang pilipinas

gusto ko nang umuwi…gusto ko nang matulog sa sarili kong bahay…gusto ko nang kumain ng adobo at kanin sa dahon ng saging na nakakamay…gusto ko nang magsalita ng tagalog…gusto ko ng kumain ng pansit bihon guisado na hindi maanghang.

gardemet kasing mga tao rito eh, nilalagyan ng chili sauce ang pansit. pag walang chili, walang lasa. pag may chili, maanghang… where will i place myself? in tagalog, saan ko naman ilulugar ang sarili ko pag ganyan ang pagkain?

Continue reading

LADY CHATTERLY’S LOVER

i want to be a gardener. that’s my calling… well, maybe a part-time engineer on the side (for the extra cash). this is my dream job – but i cannot apply for it now because i am not qualified. to qualify for the position of gardener, one must have a sustainable retirement fund. this is only possible if i save up while i’m here in singapore. and it could take me 5 to 10 years.

let’s do the math… 5 to 10 years in singapore will guarantee me a good enough amount of cash for an early retirement. that will put my age to around 40-45 years old. i don’t think i’ll live to be 70 or 80. so, 45 plus 20 years is 65… a good enough age to permanently call it quits. it will give me 20 or so years to enjoy my retirement. not bad…