linggo. 2 araw pagkatapos namin dumating sa pilipinas ang una kong kumpletong araw dito sa bahay namin sa antipolo. malamig na’t masarap ang simoy ng hangin dito sa kabundukan ng rizal. animo’y dinuduyan kang pirmi at pinaghehele ng hanging pumipito pa sa bintana. masarap talaga sa sariling bahay, heto akong nagpuputol ng mga damo at halaman, nag-aayos ng hardin. dahan dahan lang ang pag-galaw pare ko, bakasyonista ka, namnamin mo ang bawat oras sa hardin. hehehe…may iced tea (with ice siyempre). minsan nama’y kape. minsan nama’y may kasamang yosi.
na-miss ko talagang bahay ko. sa singapore kasi, nakatira kami sa flat – mga building na high rise. ok lang naman ito, kaya lang eh iba ang ambiance (uy mahal yon) dito. wala ang homey feeling na naibibigay ng isang tahanang pinoy. si jet nga natulog na sa hapon, inaantok pa rin sa gabi. at home na at home kasi kami rito. hehehe…siyempre.
nakita ko na rin ang mga kapit-bahay ko… ito rin ang kagandahan sa atin. yung mga kapit-bahay, talagang kaibigan. sa singapore, “hello, good morning lang” sa umaga pag nakasabay mo sila sa elevator. minsan sisimangutan ka pa. eh dito sa atin, iba talaga. kanina nga, tumulong kami sa pagluto ng bibingka na negosyo ng kapit-bahay ko. simbang gabi na kasi, panahon na naman ng bibingka at puto bungbong. anyway, habang gumagawa ng bibingka eh siyempre tsismisan, bidahan at katakut-takot na tawanan at alaskahan. naisip ko – iba talaga sa atin. lahat nagtutulungan para makagawa ng bibingka. hehehe… ano ba naman ang makukuha rito? (parating angulo ng mga singaporeans: what’s in it for me?) wala lang di ko naman hangad ang porsyento ng kikitain ng pagtinda ng bibingka. ang maka-ututang dila ang mga kapitbahhay na matagal mo nang di nakikita, ok na iyon. solved na ako roon. kuntento na ako rito.
bumili pa nga kami ng 4 na piraso bilang tulong sa benta. masarap naman ang bibinkang galapong – may itlog na maalat at keso, mainit na mainit, budburan ng niyog at sabayan ng malamig na pop cola. talagang mapapamura ka sa sarap! pakingsheet pare, mahal ko siya!
swerte talaga kami ni jet – magandang munti naming bahay at mababait ang aming kapit-bahay (well, at least karamihan sa kanila ay mababait, hehehe).