christmas day 2002

bisperas ng pasko, sama-sama kami ng mga kapit-bahay dito sa antipolo upang salubungin ang kaarawan ni jesus. sinara namin ang kalye at apat na pamilya ang nagtipon-tipon upang pagsaluhan ang noche buena.kanya-kanyang luto siyempre. mayron kaming fried dumplings, hamon, cake at ang aming contribusyon… makabagbag damdaming spaghetti! marami ring red wine, san mig light at soft drinks para panulak.

nagsimula kaming mag-tipon ng mga 10:30 pm, kumain ng mga 12:00 am. at nagkwentuhan hanggang 3:30 am. nagpalitan din kami ng mga regalo at take home na pagkain. masaya. tunay na paskong pinoy. espesyal, lalo na sa amin ni jet na mga OFW galing ng singapore na nasanay na sa mga kapit-bahay na di nagpapansinan at mas mainam pang magkulong sa loob ng mga tahanan.

ang diwa ng pasko – pagsasalo ng mga kapit bahay. pagsasalo ng pagkain at kwento. higit sa lahat pag-iisang loob ng mga taong nakatira sa isang komyunidad. talagang isda best at walang katulad kahit saang bansa sa mundo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.