TINDERO NG BIBINGKA

lunes, december 16 2002 – anong ginawa ko ngayong araw na ito? una gumising ako ng tanghali! hehehe… a far cry from my normal routine. araw araw ay gumigising na normal sa umaga (tuwing lunes). force of habit siguro. sa akin kasi, lunes ang pinaka-importanteng araw sa empleyado at dito nakikita ang dedication. kadalasan kasi eh ay gimmick tuwing sabado at linggo at ang typical reaction ng isang empleyadong tamad is to call in sick during mondays. kaya ako, nung boss pa ako – pag may empleyado na nagkaroon ng LBM (loose bowel movement) ng lunes eh sinasabon ko ng husto. minsan nga eh may sinibak pa nga ako.

anyway lunes ng umaga, napuwing ang kaliwang mata ko. masakit. sobrang sakit. halos di ako nakapag maneho dito sa maynila. alam nyo naman dito ang driving habits, parang Formula 1. dala ko ang puwing mula antipolo hanggang megamall, hanggang sa dumalaw sa dati kong mga ka-opisina.

sa gabi, as usual, ako’y miron sa mga nagtitinda ng bibingka dito sa subdivision namin. hehehe… ang role ko ngayon ay taga sigaw ng produkto sa mga unsuspecting pedestrians. ang sinisigaw ko?

KABAYAN, bili na kayo ng BIBINGKA!
Pangtanggal sa PROBLEMA!

ayos ba… nagsimula kaming magtinda simula 6 pm, natapos kami ng 1 am. ang nabenta? 2 kilong timpla ng bibingka ay naubos.kulang pa nga at marami kaming pinauwing customer na may luha sa mata.. “ubos na po, sir/maam, balik na lang kayo bukas”

bukas…. bukas ay luluwas ako sa maynila upang makipagpulong sa iba’t ibang cliente… yes, dear brothers and sisters. kahit bakasyon nako ay may konting halong trabaho. di ko naman matanggihan dahil sila ang tumatawag. isa pa, customer na ngang lumalapit sa iyo – aayaw ka pa ba. ito oang dahilan kung bakit gising pa ako.

ako’y naghahanda para sa meeting ko bukas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.