19 thoughts on “Kapangitan Series #1: Alay kay Bong A. Alon

  1. kuya batjay,
    si bong a. alon po ay dad ko po. ako po ang nag-introduce sa kanya sa site niyo. tuwang-tuwa po siya sa inyo. he even bought your first book and lagi niyang inaabangan ang inyong new blog entries. he passed away today, feb.11 – 10:00am Philippine time. the comment he gave above is his last. i will treasure it. i’ll be goin home for his wake. please pray for him. thank you for making him smile through your blogs.

    rhea alon-laqui

  2. hi rhea.

    nakikiramay ako. pasensya na’t hindi ko agad ito nasagot.kasama ko kasi ang mommy ko ngayong sa florida para bisitahin ang ate ko. all the more poignant dahil kasama ko ang nanay ko nang mabalitaan ko ang pagpanaw ng tatay mo.

    parang napakabilis naman. mamimiss ko tuloy ang mga comment niya. parati siyang natutuwa ako sa kanya kasi parati siyang may naka abang na sasabihin sa bawat post ko, pagtapos, tinatawag pa niya akong “tol”. sana nga, naaliw siya kahit papaano.

    ingat at ibigay mo na lang ang aking pakikiramay sa iyong pamilya.

    jay

    PS – pag ok ka na, kwentuhan mo ako tungkol sa kanya.

  3. kuya batjay,
    salamat po ng marami. hayaan niyo po. kukuwentuhan ko po kayo. masakit po mawalan ng magulang na malayo sa kanila. buti na lang po nag-bond kami bago po ako pumunta dito sa baltimore last nov at naka-chat ko pa siya last week. maraming-maraming salamat po ulit sa pakikiramay.

    rhea

  4. hi rhea.

    salamat sa kwento mo. alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng ama. nawala rin ang daddy ko bigla nung 1991. kahit gago ang daddy ko, mahal ko siya at masakit din na nawala siya. hindi ko na hahabaan ang kwento ko – gusto ko lang iabot sa iyo ang pakikiramay namin.

    hindi ko alam na mas matanda pala ang daddy mo sa akin. akala ko, kasing age ko lang siya. pilit ko ngang sinasagot parati ang mga nagpapadala ng comment sa akin. yung dad mo ang isa sa mga regular at as much as possible, pinapadalhan ko siya ng personal na email every time na may comment siya.

    ingat sa pag uwi.

  5. kuya batjay,

    all the personal emails you sent him, pinapabasa niya at pinagmamalaki po niya sa akin. reading your site became part of his daily routine. nagpapasalamat po ako sa site niyo kasi pag inis siya about something, nagbabasa po siya kahit sa archives tapos nawawala ang inis niya just like me. pangtanggal stress po ba.

    ipagpatuloy niyo pa po ang pagsulat,kuya. marami po kayong napapasaya at napasaya tulad ni dad.

    salamat po sa pag-dedicate nitong blog entry po na ito kay dad. i’m sure po, nababasa niya ito at pumapalakpak po ang tenga niya. maraming-maraming salamat po sa pakikiramay.

    rhea

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.