muntik na akong ma late kaninang umaga. panay raw kasi ang tingin ko sa bagong wall clock namin, sabi ni jet. bumili ako ng bago kagabi, kasi paatras na yung andar ng luma naming orasan. ang ganda nga ng nakuha ko – seiko. hindi siya pitaka. malaki ang face kaya ang sarap pagmasdan. tapos yung second hand ay continuous movement na parang automatic watch. mesmerizing.
JET: “papa, umalis ka na. baka ma late ka!”
BATJAY: “oo mylab, alam ko yung oras”
JET: “umalis ka na 7:45 na!”
BATJAY: “alam ko, kanina pa akong 7:35 and 42 seconds nakatingin sa relo. ang ganda kasi. di ko mailalis ang mata ko”
JET: “ang cute mo talaga. sarap mong kurutin!”
naalala ko tuloy nung 1st time kong magka relo. i was 6 years old. dahil bagong bili eh di siyempre tingin ako ng tingin every so often. napansin ito ng kapitbahay namin na si mrs. p (patay na siya ngayon). sabi niya sa akin: “hoy batjay, huwag kang tingin ng tingin sa relo mo, baka magkaron yan ng number 13“.
Continue reading →