muntik na akong ma late kaninang umaga. panay raw kasi ang tingin ko sa bagong wall clock namin, sabi ni jet. bumili ako ng bago kagabi, kasi paatras na yung andar ng luma naming orasan. ang ganda nga ng nakuha ko – seiko. hindi siya pitaka. malaki ang face kaya ang sarap pagmasdan. tapos yung second hand ay continuous movement na parang automatic watch. mesmerizing.
JET: “papa, umalis ka na. baka ma late ka!”
BATJAY: “oo mylab, alam ko yung oras”
JET: “umalis ka na 7:45 na!”
BATJAY: “alam ko, kanina pa akong 7:35 and 42 seconds nakatingin sa relo. ang ganda kasi. di ko mailalis ang mata ko”
JET: “ang cute mo talaga. sarap mong kurutin!”
naalala ko tuloy nung 1st time kong magka relo. i was 6 years old. dahil bagong bili eh di siyempre tingin ako ng tingin every so often. napansin ito ng kapitbahay namin na si mrs. p (patay na siya ngayon). sabi niya sa akin: “hoy batjay, huwag kang tingin ng tingin sa relo mo, baka magkaron yan ng number 13“.
kaya kailangan kong maaga sa opisina ay dahil medyo busy ngayon kasi naghahanda ako ng training para sa mga customer namin. oo virginia, magtuturo na naman ako starting tomorrow. sana naman walang ngongo this time. ang sabi sa akin ay dalawang thai at apat na malaysian chinese. ayos na naman ito. sigurado puro sign language at lost in translation booboos. na meet ko na yung mga taga thailand last year. they were here in singapore for a conference. nahirapan ako sa kanila dahil hindi talaga marunong magsalita.
BATJAY: “so, is the conference ok so far?”
THAIMAN: “YES!”
BATJAY: “do you like the food?”
THAIMAN: “YES!”
BATJAY: “when are you going back?”
THAIMAN: “YES!”
BATJAY: “eat my shorts, mother fucker”
THAIMAN: “YES!”
pero seriously, we can make fun of their english all we like pero don’t underestimate them. malayo nang narating ng mga thai. di naman kasi ibig sabihin na matalino ka purke marunong kang mag english. the japanese, germans and koreans can attest to this.
Marunong naman magsalita, kaw talaga. Puro yes nga lang. Ok na din yun, puro positive ang sinasabi. Hehehe. Siguro ang una mong dapat gawin, magbigay ng primer sa English. Hehehe. 🙂
hahahhahahhaha…… nde ko kayang ipaliwanag ay aya dito bwhahahahahahha. gimmick ko din ang ganyang style hahahha….. Like : Dzune : are you a faggot . My Korean Visor : Yes I do. bwhahahahhahahahaha kakatesting ko lang bwhahahahahahaha epektib… hahahahhahhaha
nung nag aral ako sa Taiwan, may classmates ako na mga Thais, one time nagkaayaan ng inuman, katabi ko yung isang Thai tapos nung nalasing hinimas ng mga daliri nya yung siko ko, tapos kumanta sya ng “i love my wife, i love my wife, i love my wife, i love my wife (tune: lateral tone key of “C”), sinenyasan ko yung pinoy na ksama ko, nagets naman nya yung pagiging uncomfy ko kaya tumayo sya at sabay siko sa Thai na humihimas ng siko ko.. nagulat si Thai at nag sisigaw, tawanan yung mga kasamahan nyang Thais.. later we learned pinagmumura pala nya yung pinoy na kasama ko kase nasira yung concentration nya sa paghimas sa siko ko.. gulo noh? ewan ko ba bakit nya naalala wife nya sa siko ko eh sa totoo lang muka namang yagbols ang siko ko… siguro mukang bayag yung asawa nya at napagtripan yung siko ko… :-0
uhm… pag-uwi mo, since cute ka pa din, pakurot ka ulit ke mama jet ha? :p
di ba may gold na ang thailand sa olympics compared to zero medals of the philippines??? lol
i remember my first watch. i also checked the time often. then i took my eyes off and promptly lost the watch. di na namin natagpuan. i got a proper scolding from my mother. now, i don’t wear a wristwatch. 😛
siguro kung may quiz bee sa olympic baka may gold medal na rin tau bwehihihihi…..
doc emer.
puro hand signals na lang siguro at grunts para maintindihan. technically sound naman sila kaya madali lang magturo – just show a diagram and a manual makakaintindi na.
hi dzune. hi bongk.
hi mec.
parati naman akong kinukurot ni jet kasi nanggigigil sa akin yon. hehe.
hi gail.
2 na ang gold ng thailand. parehong women’s weightlifting. dapat siguro mag concentrate na rin tayo sa weighlifting kasi sanay tayong magpasan ng mabigat na burdens.
so, yung napagalitan ka ng mommy mo sa nawalang relo ang dahilan mo kaya di na nagrerelo? interesting.
Buti nang magkaroon ka ng relo for the first time marunong ka ng bumasa ng oras. Ako talagang di ko matutunan yung minute hand. KAilangan bibilangin ko ng husto at sisimulan sa 5, 10, 15… tapos litong-lito ako, di ko madecide kung 9 o 10 na kasi nasa gitna yung hour hand. kaya nang may teacher na nagtanong sa kin kung anong oras na, sabi ko “ma’am sira po relos ko.” Bat kasi di nauso digital nong grade 5 ako e. 🙂
hi tito rolly.
parang ganito kalito:
tanong: anong oras na?
sagot: quarter to five thirty.
hay nako naiinggit ako sayo.sa lahat ata ng bahay kami lang ang walang wallclock kakainis pa’no ba naman tong inuupahan naming unit bawal ang maglagay ng pako sa dingding,gusto ko mang bumili ng wallclock kung di ko naman maisasabit para que at bumili pa ko di’ba?:(
hi Jay,
here’s a story to watch…or a watch story..whatever.
i was looking at an old russian army watch being sold on the sidewalk in berlin and i asked my russian colleague if they are of good quality.. he said it’s the best.
i asked him “why?” and he said “buy that watch and you’ll never be late…it’s the fastest watch in the world”
sayang nga at hindi ko nabili yun… but it came true when my friend did bring home an electric radio alarm clock from germany…yabang pa niya at Grundig daw ang tatak… till he found out that it’s running faster than normal (hehehe… it’s the russian watch!!)…and he has to reset it everyday.
nung tiningnan namin… the clock is rated at 50 hz line frequency… not suitable sa 60 hz natin sa pinas.. that’s why it’s running like mad.
there are also some clocks and watches there that runs on radio frequency sent from a central transmitter, they really look nice , but if you bring them home… they will stop as soon they are out of range from the transmitter.
watch out…
roland
On not speaking english fluently… Big deal lang naman yan sa ating mga Filipino. Most pinoys feel they’re better than everyone when they see someone struggling with the language.
There are raised eyebrows when contestants asks for translators… but does it really matter? Japanese are not bothered, so are most Europeans.
Talagang matindi kasi ang clout ng colonial mentality natin. Kasama na ko dun.
hi apading.
eh kung isabit mo kaya yung orasan sa leeg ng landlord mo. baka mag bago ang isip niya.
seriously: pwede mong gamitin yung 3M na adhesive hook para walang butas ang dingding at pwede mong ikabit at tanggalin at any time.
hi auee.
oo nga auee. dito rin sa singapore ay issue yan a few weeks ago in one of the newspapers. may mentality rin kasi ang mga taga rito na mas matalino ang mga puti kaysa sa mga asians.
the article basically says – hindi lahat ng puti ay matalino. hindi purket ok silang mag english ay superior sila.
agree ako doon – ang superior lang na alam ko rito ay superior sharks fin soup.
SIR ROLAND!
ang galing naman ng coincidence. kausap ko lang si charwin kanina sa phone at napag usapan ka namin. may tinanong kasi ako tungkol sa ethernet connection ng HMI at ng S5 na PLC. ikaw sana ang aabalahin ko kaya lang baka busy ka.
miss ko na ang mga kwento mo tungkol sa germany sir. ang sarap mo kasing mag story telling tungkol sa buhay mo roon. naalala ko na naman dahil diyan sa watch story mo. hehehe. nakakatawa nga. teka, isa pang medyo amusing ay yung hilig ng mga kasama natin dati na bumili ng cookoo clock sa germany. bakit ba?
ingat sir!
“di naman kasi ibig sabihin na matalino ka purke marunong kang mag english”. exactly. madami akong communications dito na nababasa na halos hindi maitawid tawid yung english pero pag nabasa mo ang CV nung nagsusulat, di mo kayang abutin ang achievements nila and ang mga naiisip nilang ideas sa mga publications they made.
but i just cant help sharing this joke.
friend ko: ok, give me examples of stuff you think are bad for our health.
korean: cock is bad for the health.
friend ko: no, it’s not. (loka loka din kasi yun)
korean: ows? cock is really bad for the health! (kumukumpas pa ang kamay nyan:)) the one you drink always.
hehe. coke pala.
mabuti na lang at hindi mo ako tinanong tungkol sa S5, hindi ko na alam ngayon ito… nagkalimutan na.
ewan ko rin kung bakit gusto nila nung cookoo clock galing germany..made in china naman yun…hehehe
hi ann.
oo nga, yung mga koreanong kilala ko, magagaling pero di makasalita ng isang tuwid na word sa english. pag conference din namin sa asia-pacific mas maraming di marunong mag english kaysa english speaking. nagkakaintindihan lahat as pidgin english na puro hand gestures.
sir roland. hehe. nakalimutan mo na ba ang s5. ako rin, nabobo na ako sa mga siemens products. ngayon nga, pag may nagtatanong sa akin, napapatigil ako. ang tagal ng response. hehe.
Batjay! I know what you mean with the Thais, pero I’m sure you’d agree that they are such sweet people. Hey, thanks for the post. Oo, magiging malapit na ako sa inyo ni Jet. Baka gusto din ninyong magpunta ng BKK. Muntik na nga na sa Singapore gawin ang interview pero I’m sure magkikita din tayo soon! And btw, mas idol kita! Yung Seiko na relo ba ay maswerte din? 🙂
hi yasmin.
i love the thai people. i love going to bangkok. i love everything about them – the friendliness and the gentleness. almost pinoy in a nice kind of way.