Marlon Brando, Pocahontas and me

nakikinig ako ngayon sa “rust never sleeps” ni neil young. all of a sudden i’m 13 years old and its 1979 again. music is a fucking time machine. it’s funny how memory works – naalala ko pa rin ang mga lyrics ng kanta, even if i haven’t heard it in 29 years. huli ko itong pinakinggan, first year high school ako at malapit nang maghiwalay ang mga parents ko. sanay na sanay na rin akong magjakol nung panahong ‘yon at nagsisimula nang magkaroon ng interest ang opposite sex sa akin. i remember everything.

Continue reading

It’s rainin’ inside of the city

mga kailangan para maging successful na OFW:

simplicity
humility
loyalty
authenticity
courtesy
industry
at saka sense of humority.

self explanatory naman lahat pero kung mayroon kayong hindi naiintindihan diyan, sabihin niyo lang sa akin at magbibigay ako ng paliwanag na sobrang simple, kahit ako maiintindihan ko.

Try and wash the palette clean

yung cultural assimilation ang pinakamalaking dahilan siguro kung bakit iba ang mga OFW sa america kaysa doon sa ibang bansa. in most cases, receptive kasi ang amerika sa pag tanggap ng mga immigrants and in return, tinatanggap naman ng mga immigrants ang lahat ng ibinibigay ng amerika sa kanya. sa mga bansang tulad ng singapore, kahit siguro pumuti na ang buhok mo sa singit sa tagal ng stay mo roon, hindi mo mararamdaman that you truly belong.

hindi ko masabi kung ano ang mas maganda. sa amerika, immigrants get absorbed after a while and if you don’t watch out, makakalimutan mo kung saan ka galing. sa mga bansang tulad ng singapore, you are reminded everyday na pinoy ka kahit matagal ka na roon nakatira.

Don’t Think Twice, It’s All Right

naubusan ako ng bawang kanina kaya bumili ako sa suki naming korean grocery sa tapat. ayokong ayoko pa namang magpunta sa grocery para lang sa isang item dahil napipilitan ako parati na magdagdag ng bibilhin. siguro unconsciously, gusto mong sulitin ang pagbyahe mo papunta sa tindahan and one item is never ever adequate. sure enough, napabili pa ako ng tofu, green tea at kimchi.

Continue reading

Just to let my soul free

OC REGISTER. For the fourth straight year, Irvine has retained its position as the safest big city in the country, local leaders announced today, with less violent crime per capita than any other American community with more than 100,000 residents.

how does it feel to live in the safest city in america? it feels great. walang papasok na magnanakaw kahit iwanan mong nakabukas ang pintuan sa gabi. kahit maglakad sa kalye ng madaling araw ay ok lang, basta huwag lang maglakad ng nakahubo.

ang nakakabwisit lang ay ang mataas na cost of living. nagpa gas nga ako kahapon, inabot na ng $4.50 ang isang gallon. bwakanginangyan. kaya kanina, kahit late na ako gumising ay nagbisikleta pa rin ako papasok sa opisina.

Rust Never Sleeps

birthday ng daddy ko ngayon. kung buhay pa siya, he would have been 86 years old. pero maaga rin siyang kinuha ni lord. even then, i knew he wasn’t meant to live a long life. he and dante are so much alike. para sa kanila, “it’s better to burn out than to fade away“. mga bulalakaw na pagkaganda-ganda, sandali lang mag papakita tapos bigla na lang maglalaho.

saan na kaya sila ngayon? ewan ko. siguro may ka table na silang mga sexy babe saan mang lupalop sila naroon. iniisip ko nga kung ano ang magandang mensaheng ibibigay ko sa kanila na medyo makahulugan? siguro – lagi niyo lang tandaan ang safe sex at huwag kalimutang mag heavenly condom.

Putangina, nakatakbo ako ng marathon


sinong mag-aakala na kakayanin kong tapusin ang 26.2 miles? bwahaha. kung may nagtanong sa akin last year kung tatakbo ako ng marathon, baka natawa lang ako ng malakas at biglang nag ingles ng “you gotta be fucking kidding me”. pero last year was an eternity ago. maraming nangyari na nag udyok sa akin na tumakbo and i did. last sunday, around 12:10 PM, tinawid ko ang finish line ng san diego rock and roll marathon in 5 hours and 17 minutes.

Continue reading

The circle’s been complete

seventeen years na kami ni jet ngayon. iniisip ko nga kanina kung ano ang magiging takbo ng buhay ko kung hindi kami nagkakilala. wala akong ma-imagine na scenario. para kasing sinulat sa isang action packed na storya kung ano ang magiging direksyon ng buhay naming dalawa. we were meant to be – bwahaha, what a fucking cliche.

lahat ng magandang nangyari sa akin ay hindi ko hinanap, kasali na rito ang pag krus ng landas namin ni jet. basta, dumating na lang siya sa buhay ko sa takdang panahon and my world changed from then on. dylan probably said it best.

Ever since you walked right in,
the circle’s been complete,
I’ve said goodbye to haunted rooms
and faces in the street.

yung pagkakilala namin ay nangyari sa punto ng buhay namin na tamang tama para sa isang relationship. if it had come sooner, malamang ay hindi kami nagkatuluyan. if it would have come later, malamang ay para lang kaming dalawang barko na nagkasalubong sa dagat. suwerte lang siguro ako na sa dinami rami ng mga pwedeng mangyari sa buhay ko ay nagkakilala kami ni jet.

ngayon ay seventeen years na kaming kasal. seventeen fucking years. who would have thought?

mylab, kung nababasa mo ito, para sa iyo ang kantang ito. a reaffirmation of sorts, gusto ko lang sabihin, mahal pa rin kita kahit ulyanin na ako ngayon at puno na ng puting buhok. maraming salamat sa labimpitong taon.

with all my love.
jay