sinong mag-aakala na kakayanin kong tapusin ang 26.2 miles? bwahaha. kung may nagtanong sa akin last year kung tatakbo ako ng marathon, baka natawa lang ako ng malakas at biglang nag ingles ng “you gotta be fucking kidding me”. pero last year was an eternity ago. maraming nangyari na nag udyok sa akin na tumakbo and i did. last sunday, around 12:10 PM, tinawid ko ang finish line ng san diego rock and roll marathon in 5 hours and 17 minutes.
medyo nahirapan lang ako nung mile 18 dahil bigla akong nag cramps sa magkabilang paa. makakatawa nga pag iniisip ko ngayon kung ano ang nangyari sa akin, pero nung tumatakbo ako, akala ko ay hihimatayin ako sa sakit. tumigas kasi bigla yung kaliwang binti ko, tapos after a while yung kanang paa ko naman.
pahinga. lakad, takbo. hindi nagtagal, yung kanang binti ko naman ang tumigas na sinabayan din ng pagtigas ng lahat ng daliri ko sa kaliwang paa. naisip ko nga, ang hindi lang ata tumigas nung tumatakbo ako ay yung titi ko.
pero seriously, gusto ko na ngang tumigas ang titi ko para magjajakol na lang ako. ang sakit kasi – ngayon lang ako nakaranas ng pulikat na almost paralyzing ang hapdi.
pero nailakad takbo ko pa rin. alam mo ba yung pakiramdam pag may nasimulan ka na at nung nasa kalagitnaan ay nagkaroon ka ng matinding problema na iniisip mo na tuloy kung itutuloy mo pa rin yung binabalak mo dahil hirap na hirap ka na? ganon yung naramdaman ko. iniisip ko na lang na hindi ako pwedeng mag give up dahil napakahirap ipaliwanag kay jet kung bakit hindi ako tumawid ng finish line. kaya nga minabuti ko na lang na tapusin ang marathon kahit tumawid pa ako ng finish line ng sakang.
isa pa, pinangako ko sa sarili ko na tatapusin ko ang marathon dahil dedicated ang pagtakbo ko kay jet na halos malapnos ang batok dahil sa sunburn gawa ng matagal na paghintay akin sa finish line. 17 year anniversary namin nung 25th ng may.
dedicated din ang pagtakbo ko sa mommy ko na nag celebrate ng birthday niya nung may 31st. she turned 83 years old, or is it 84? i am not sure – but who the fuck cares, malusog pa rin siya at in good health and that’s all that matters.
inalay ko rin ang pagtakbo ko sa kuya kong si howlin’ dave who passed away last week. during the race, iniisip ko siya. especially during the last mile. i needed to finish strong kaya binulong ko na lang – “putangina, dante. ngayon ko kailangan ang tulong mo”. miraculously, nawala yung cramps ko and i was able to cross the finish line in style.
congrats idol batjay!……………you made it again.
thank you. looks like i made it.
congrats kuya jay! wow 26.2 miles??? malayo layo rin yun.. ako nga e 13kms lang (di ko kayang iconvert) e hirap na hirap na ko. hahhaah
congrats po! at good thing nacross pa rin yung finish line kahit nagcramps kayo π congrats ulet
salamat. isang congrats lang ay tama na.
5:17:16! ha..ha…E di abot langit ang saya mo (below 6h e). Mabuti at hindi ka nang hagilap nang “2nd wind”.
oo masaya pero hindi kuntento.
ang ultimate goal ko sana ay below 5. i was hoping to finish at 4:45 pero nung nag cramps ako, i knew it was going to be hard.
di bale, next time i’ll do better.
congrats sir batjay!
salamat.
Saludo ako sayo, Bossing! Ang galing! Natural yung cramps sa layo ba naman noong tinakbo mo. 26.2 miles = 42.16 kilometres, halos 4 times na balikan from Manila to Makati.
Sabi sa website ng marathon mo, the temps ranged from 60-70ΒΊF and the skies were overcast skies. Mabuti naman at medyo malamig ng konti. Ang mga nanalo ay puro taga-Africa, and that’s not really surprising because perennial fast runners naman talaga sila.
Meron ka pa bang ibang Pinoy na nakitang kasali? Palagay ko kasi, Filipinos are not too interested in running. Sayang, because its an awesome way to get fit.
Congratulations ulit! Congrats din kay Jet for inspiring you. Belated happy birthday to your mom.
Congrats! I finished at 5:35:48, still feeling achy, pero ayos lang at nakaraos! Tinanong ko ang ate Daisy ko if she saw you and Jet, eh, hindi daw. Di bale, hopefully magkita tayo sa next marathon… whenever that is, pero for now, seseryosohin ko muna ang magpahinga!
Eto pala ang “Finish Line Cam On Demand” site. Check out how you looked crossing the finish line. Congrats again!
Ooops… eto ang site…
http://www.nbcsandiego.com/finishlinecam/index.html
huwaw! 26 miles! para mong tinakbo ang length ng singapore mula pasir ris hanggang boon lay! astig!!!
at kahit nasa grandstand lang ako watching the whole thing, ang sarap pa rin ng feeling just being there and playing a part in it. ang saya!
thank you for crossing the finish line Pa. I’m so proud of you! but you know, sakali’t hindi mo na-cross ang finish line, ok lang naman saken e. alam ko naman na susuko ka lang pag hindi mo na talaga kaya. mas gusto ko namang hindi ka maka-cross ng finish line kesa mag-collapse ka gaya nung iba, umuwi pa ng naka-oxygen. you are far more important to me than any race or any medal.
labyu!
thank you for all the support, mylab.
ikaw lang naroon to cheer me on and that was enough for me. iniisip ko nga na medyo nahirapan ka sa paghintay doon sa stands habang tumatakbo ako. na sunburn ka tuloy.
but i really did enjoy it and i want to do it again.
lab U!
jay
tol,
you did it again!!! congrats bro!
all the best…….bong
hi jay,
ngayon lang ako nakasabat sa matagal tagal ko na ring pagtambay dito sa iyong blog (pinaiksing betlog). bago kase ako makasagot at masakit na ang tiyan ko sa katatawa kaya’ t ubos na ang modyo ko para makasulat.
si dante ay matagal ko ng tinitingala dehins lang dahil matangkad siya kundi isa siyang institusyon ng pinoy rock at nagpalago nito. bilang isang pag-alaala kay howlin dave, gumawa ako ng isang kapirasong slideshow o pautot ng mga larawan ni dante. hanapin lang ang salitang “trumpongkangkarot” sa youtube at andito ito.
(…some are born to sweet delight, some are born to endless nights…)
unkyel!!! so proud of you! keep on running! i hope next year uli.
congrats!! ang layo nun ha… iba talaga kapag may inspiration! pahinga kang mabuti para sa susunod na marathon. π
Hanep…. Way to Go! Inggit ako. By the way, dahil sa blog mo, tumatakbo na rin ako. (sa utang, hehehehe). Nakakaasar lang kasi hindi ko pa matapos ang one mile hinihika na ako. Ang goal ko is 3 miles in 30 minutes by October.
Congrats.
Congrats! Your finishing was a tribute to both your physical conditioning and “can do” spirit! All the hard work you put in paid off.
Btw, maraming salamat sa death threat, este, dedication na sinulat mo para sa akin. π Naibigay na sa akin ang libro mo last week. Hindi ko nga lang nabasa noong nasa ‘Pinas pa ako dahil masyado akong naging busy. Hehe π
Congratulations!
What an accomplishment! Keep up the great work.
Keep on runnin’ and writin’.. Everyone is so proud of you!
boss, di ba mas lalo kang pupulikatin kung tumigas ang titi mo at nagjakol? hahaha pero astig kasi nairaos mo pa rin ang takbo kahit nagcramps ka na. ang hirap kaya non. anyway, congratuleyshens! =D
Congratulations! What a great milestone in life!
The discipline it took to train for a marathon is the cake, finishing the race itself is icing.
If you had the discipline to change a lifetime of eating habits I knew you can do this marathon.
But then again, you have Jet to nudge and inspire you so kudos to her as well!
Congrats on your triumphant finish, Jay! (And another congrats also to my brother RichY for toughing out the last 2 miles!) Sorry at hindi namin kayo nakita; bukod sa maraming tao, napakaingay, at namatay yung cell phone kong palpak (pati na yung backup!) kaya hindi kita natawagan!
Sige, pahinga ka na. Props to you, my bro, and all who crossed the finish line. You’re all made of stronger stuff.
daisy: hey classmate. maraming salamat at congratulations din kay richie. one of these days, magkukwentuhan kami tungkol sa pagtakbo. ayaw mo lang ata talagang magpakita sa amin. sinabi ko pa naman kay jet na nasa san diego kayo. sayang.
PJ2: thank you. during the race, i was thinking this was going to be my first and last because it is very hard to prepare and the prospect of doing one more frightened me. but i have decided that i want to do another one again. hopefully soon.
RJ: oo mahirap tumakbo ng may pulikat. parang mag asuwang na humihila sa paa mo pababa.
ROBH: yes, a major accomplishement and a big deal for me.
C Baker: ok lang – buti naman ang natanggap mo na ang libro. sabi ko sa nagbigay sa iyo ng libro, oombagin ka namin pag sinaktan mo siya.
SONNY BOY: hehey sonny boy the lover boy. pare, si nano rin ay tumatakbo na rin ata dahil hinahabol rin siya ng misis niya ng tsinelas. di ko alam kung natuloy na niya yung 1/2 marathon na plano niya.simulan mo muna ng lakad – tapos pag ready ka na, lakad na may kasamang takbo. pag tagal, kaya mo na ng 3 mile runs. patingin ka muna sa doctor bago mag start na tumakbo, para sigurado na kaya.
Rho: salamat – oo inspired ako dahil kasama ko si jet papuntang san diego.
mye: hey hey, mye mye. thank you. oo, i promised myself that i’d do another one.
Bong: and hopefully again. salamat.
RUTH: oo nga ano. kung tinakbo ko ang pasir ris to boon lay, baka mamatay ako sa exhaustion. di ko kaya ang humidity. musta na baby mo?
RICHY: congratulations. hinanap ko nga ang pangalan mo agad – 5:35 is not bad. in fact, good job on your part. nahirapan ka ba sa stretch? nag cramps ako nung mile 18 at napilitang mag slow down. it was a tough race lalo na towards the end dahil medyo uminit. buti na lang na regain ko ang pag takbo towards the last mile and a half. oo napanood ko na ang sarili kong tumawid sa finish line kagabi. hopefully, may mga official race pictures para masaya.
Doc Emer: thank you. gusto ko lang patunayan na kahit may diabetes ay pwedeng tumakbo ng marathon. maraming mga filipino na tumakbo sa marathon, in fact, may nakasama ako sa corral during the start of the race. may mga kakilala rin ako who ran pero di ko sila nakita. ang dami kasing tao – over 20,000 people ran the race.
congratulations kuya batjay (and ate jet, supportive misis)! last year ba yung tumakbo ka ng half-marathon? tapos ngayon, full marathon na! ibang klaseng success yan! congrats.
salamat. nung february ako tumakbo ng half sa huntington beach. this r&r at san diego is my first full one and what an experience it was for jet and i. san diego is just fucking great.
wow!! galeng nagawa mo un?? ini imagine ko lang kung paano ung takbong pasakang, natatawa na ako eh…congrats kabayan!!!
lahat ginawa ko – takbong sakang, takbong pike, takbong paatras, takbong paabante, lakad takbo at marami pang iba.
Salamat din, Jay! Sayang nga at hindi tayo nagkita-kita. I was really looking forward meeting you and Jet.
I’m actually thinking of doing another one before the year ends. There’s SF (Aug 3), Long Beach & Pasadena (both in October). I wanna keep training para hindi masayang ang nasimulan…
Congrats KB!!!!!!
My sister ran the same race and also got a bad case of cramps — pero nakatapos rin. I wish I had been there to see you both at the finish line but I was freezing my ass off in SF.
PS: I got goosebumps with your last paragraph. Your brother was watching out for you again. π What’s that about success being 1% inspiration and 99% perspiration? Maybe in your case, you were inspired a bit more than usual, ‘no?
I’m so proud of you. π
Congratulations!!!!! i had no doubts you’ll make it…o di ba addicting ang pagtakbo ng marathon ano? parang pringles yan – once you pop, you can’t stop…so papano, kita-kits sa San Antonio Rock N’ Roll? nyahahaha…enjoy nga din pala yung half ko nung saturday…feels good to cross the finish at the 50-yard line of notre dame!
keep on runnin’…
congrats sir batjay! i knew you’d do it!
unkyel batjay! pasir ris to boon lay nga ang layo ng takbo mo and you did it! ang galing galing! sana ako din makabalik sa running form para makasali sa marathon ng december. good luck sa future runs and looking forward to more crazy ofw stories from you!
echo: may marathon ba sa singapore sa december? malamang madaling araw ang start noon kasi sobrang init sa tanghali.
apollo: i knew i do it too. kaya lang i could have done better. fucking cramps.
heidi: thank you. medyo addicting ngayong post race, pero not through the cramps. dami sa mga runners sa san diego hit the wall at 18 miles. in fact, tatlo kami sa opisina and all of us had the same experience. i’ll be better prepared next time.
Gigi: thank you kapitbahay. wow, it must have been the weather. i noticed that a lot of people were walking after the 18 mile mark. dami rin tinakbo sa hospital at marami ang humiga na lang sa kalsada. the sun came out mid day and it became a bit hot. how did your sister do, time wise?
richy: hindi na kami nagtagal sa finish line. nagpahinga lang ako sandali at nagyaya na akong umuwi sa hotel. gutom at pagod ang inabot ko kaya nag take out na lang kami ng chinese at natulog buong hapon sa hotel room. i’ll run again pero, baka yung OC marathon or yung huntington beach next year. kailangan maghanda ako ng husto. ayoko nang magkaroon ng cramps during the race.
oo unkyel, ung standard chartered bank marathon, wala pang details e, pero ang sabi sa akin first sunday yata ng december, at oo mukha ngang maaga ang simula, bwahahaha! malamang sa half marathon lang muna, un pa lang yata ang kaya ng powers ko e.
wahuu! congrats pre. saan ang next marathon?
Congrats bosing. What an accomplishment not only for your ego but more espedcially for your health.
oo nga sir. oh so very good for the ego of the 42 year old diabetic.
MB: hindi ko pa alam kung saan ang next marathon. perhaps the orange county marathon or the surf city next winter.
echo: standard chartered sa singapore – 5:30 AM december 7. mahirap itakbo yan kung hindi ka acclimatized dahil s ahumidity at init.
congrats fafajay! 5 hours of running, grabe. ang galing!
I checked out the OC Marathon website, looks promising. Have you thought about LA in March? Training-wise, medyo may kalamigan nga lang ang mga months leading up to it. Anyway, let me know what marathon you’ll be participating in the future para mapaghandaan ko din…
either the OC marathon or the Surf City at Huntington Beach. ayokong tumakbo pag mainit na ang panahon – minsan pag minalas, mainit ang LA marathon.
hi mari – that’s 5 hours of running and some walking dahil sa cramps.
Congrats. Buti ka pa natuloy. Ako nahinto. Matanda na raw tuhod ko kaya sabi ng doctor ay tigil muna pagtakbo. Kaya switch na lang ako sa bike uli.
ayos – mag bike tour na lang tayo ng seattle to san diego. sama ako!
Galing-galing! (insert Batman theme dito).
Correction lang, Pards. Siya ang nananakit sa akin. π
Hello Sir Jay,
It’s not surprising na makatapos ka ng 1 marathon
dahil noon pa man, you always give your best shot
lalo na kapag sineryoso mo ang isang bagay…
Your brother Dante will always be proud of you
wherever he is right now…
Congratulations… regards to Jet and to your mom…
Ingat po…
salamat kaibigan. sana hindi lang isang marathon ang maitakbo ko.
Ilongga: ta-na-na-na-na-na-na-na-na-na-na-na-na-na-na BATMAN!
Wow! Congrats. It makes it all the more memorable with all the special people you dedicate it too. all the best for the next run.
thank you. oo nga. it also makes the marathon a bit easier to run.
hahahah! you crack me up!
i crack me up.
pucha, naluha ako sa part na binulong mo kay howlin’ dave na kailangan mo tulong nya!
pero pocha, ang ganda ng costume mo! congrats for finishing the race. i know the high that it gives, kahit hindi pa ako nakatakbo ng full marathon, puro 10k at half lang!
btw, have you seen the movie Run, Fatboy, Run? it’s a great, uplifting film… tyak ko magugustuhan mo yun!
jennipeng!
bakit gising ka pa?
oo nga, pampalakas loob ang bulong sa isang rocker lalo na dahil rock and roll marathon ang tinakbo ko. sarap ng pakiramdam ng pagtawid ng finish line.
akala ko ayoko nang umulit pero i’ll probably do it again.
Batjay,
Matagal na ‘kong hindi bumibisita sa blog mo. anyway, congratulations sa marathon mo.
Tumakbo rin ako dun sa San Diego. 2nd marathon ko in my lifetime and for the year. Ang masasabi ko lang e: “bakit ko ba nakahumalingan ‘to?”. Fulfilling ‘yung makatapos na marathon. natapos ko ng 4:58.
If you have seen the documentary “spirit of the marathon”, you will realize how life changing participating in a marathon can be. parang ang dami mo kayang ma-achieve pag nakatapos ka. You discover a lot of things about yourself. I recommend it to everyone.
pag maypagkakataon ka, iniimbitahan kita sumali sa Phoenix Rock N Roll marathon sa January. Mas flat ‘yung course. Marami rin sexy kahit winter.
Galing ng blogsite mo pare, bilib ako sau…baguhan pa lang ako sa blogging, medyo nagkaroon ng interest nung naka basa ako ng mga blogs, lalu na itong site mo.. OFW din ako for 17 years na.. sana dalaw ka rin sa site ko and i will appreciate if you can help me to modify my profile and how to generate my site.. Thanks and more power, i wish all the best for you parekoy… goodluck.