tinanong ako ni mang boy kung gusto raw niyang madiskubre ang beatles, ano ang mga LP na pipiliin ko. sabi ko, magandang tanong yan. ang inirekumenda ko sa kanya ay ang mga sumusunod, not necessarily in order of greatness:
tinanong ako ni mang boy kung gusto raw niyang madiskubre ang beatles, ano ang mga LP na pipiliin ko. sabi ko, magandang tanong yan. ang inirekumenda ko sa kanya ay ang mga sumusunod, not necessarily in order of greatness:

sabi ni mang boy, kahit daw libre, di niya papanoorin ang son of god. kasi daw sa sobrang sama ng pelikula eh ang pakiramdam daw ng panonood nito ay para ka na ring ipinapako sa krus, kasabay ni baby jesus.
lake street dive: ang bago kong paboritong banda. yung musika ng plaka nilang “bad self portraits” ang patutugtugin mo pag mag-isa kang nagmumuni sa kwarto mo pag sabado ng umaga, medyo malamig at umuulan ng malakas.
praning-a-ling: pag hawak mo na yung cellphone mong kumiriring at may naramdaman ka pa ring nag vibrate sa bulsa mo.
Behind the scenes of a Superbowl Commercial: Coca-Cola it’s beautiful in Tagalog. Naks, napahanga ako (at medyo naluha). Bigla ko tuloy gustong uminom ng Coke kahit diabetic ako.
Bravo Coke.
mayroon sumalubong sa akin kanina nung tumatakbo ako. muntik ko nga siyang masagasaan. matandang babae na mukhang koreana, tinanong ako kung gusto ko raw magkaroon ng personal relationship kay jesus.
sabi ko, “sorry po manang pero kailangan ko munang maligo kasi it’s me they are talking about” or words to that effect. siyempre, english yung salita ko, tinagalog ko lang para kay mang boy, na siyang parating bumabasa ng mga kwento ko.
anyway, sa tutuo lang, medyo na offend ako sa kanya. hindi dahil pinipilit niya sa akin ang diyos niya, although minsan nakakainis yon. hindi rin naman dahil muntik na kaming magkapalit ng mukha dahil bigla siyang sumulpot sa harap ko na parang multo (actually nagulat nga ako at muntik nang naihi sa takot).
ang kinaiinisan ko eh hindi niya ako makilala. siguro nagkikita kami every other week pag tumatakbo ako at tuwing magkikita kami, parati niya akong tinatanong kung gusto kong makilala si baby jesus. parati kong sinasabi na ayoko. paulit ulit, paulit ulit.
next time kaming magkita, uunahan ko siya. itatanong ko sa kanya kung gusto niyang magkaroon ng personal relationship kay rolando navarrete.
isa sa kinakasuklaman ko sa lahat ng bagay sa mundo ay ang hatsing na hindi natuloy. amputangbengi, nakakainis.
ang kagandahan ng halelujah ni cohen ay akala mo tungkol ito sa diyos pero hindi. hinahantulad ko ito ng makabagong kahulugan ng pasko, kung saan pwede mo itong iugnay sa pagkapanganak ni baby jesus, sa pagdating ni rudolph at santa claus, sa nakakasukang kanta ng jackson 5, sa keso de bola, o sa mabuting pakikipagkapwa tao.
sabi nga ni cohen – “it doesn’t matter which you heard, the holy or the broken hallelujah”
maligayang pasko, mga kapatid. hiling ko’y kapayapaan, pag-ibig at kasindak-sindak na orgasm dala ng pagjajakol man o pagtatalik itong darating na bagong taon.