sabi ni mang boy, ayon daw sa prediction ni madam auring: makikita raw yung eroplano ng flight MH370 sa itaas ng mount arayat sa pampanga, katabi ng noah’s ark.
gusto ng tiyan, murang-mura
Image
ang mga do’s and don’ts sa tamang pagdarasal #1
the returned
pinanood ko ang “the returned” sa netflix ngayong weekend. naaliw ako sa kwento ng mga patay na bumabalik sa mundo kahit na French pa siya at subtitled. bibigyan ko ito ng dalawang nakataas na hinlalaking may patay na kuko na nabuhay na mag-uli.
photoBomber Moran
madam auring
MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)
mahalagang balita: tutulong na rin daw ang pilipinas sa paghanap ng nawawalang malaysian airlines flight MH370. ayon sa isang senior official sa malacanang, ipapadala raw ni presidente noynoy aquino sa kuala lumpur si madam auring ngayong linggo, pagkatapos ng matanglawin.
ang balitang ito ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas na may gata.
National PI Day!
punk rock katsupoy
pagtapos kong magsuklay kaninang umaga, nagmukha akong punk rock katsupoy. iyan ang dahilan kung bakit agad-agad akong nagpasyang magpagupit.
vagabond
vagabond – isa sa mga unang complicated na salitang ingles na natutunan ko. nabasa ko kasi sa bibliya nung 5 years old ako na pagkatapos patayin ni cain ang kanyang kapatid eh sabi sa kanya ng diyos: “a fugitive and a vagabond shalt thou be in the earth”
tinanong ko sa mommy ko kung ano ang ibig sabihin ng “vagabond”. sabi niya, ang vagabond daw ay isang hampaslupang walang permanenteng tahanan.
“NPA?” ang sabi ko. oo raw, ang sagot sa akin ng mommy ko.
mula nuon, naging paborito ko nang ingles na salita ang “vagabond”
Noah
marami raw mga eksena sa #Noah ni russel crowe ang wala sa bible dahil ginamitan daw ng direktor na si darren aronofsky ng tinatawag na “artistic license“. halimbawa, doon sa pelikula, yung ark ay huminto raw sa isang bundok sa pampanga nung humupa na ang baha.


