mayroon sumalubong sa akin kanina nung tumatakbo ako. muntik ko nga siyang masagasaan. matandang babae na mukhang koreana, tinanong ako kung gusto ko raw magkaroon ng personal relationship kay jesus.
sabi ko, “sorry po manang pero kailangan ko munang maligo kasi it’s me they are talking about” or words to that effect. siyempre, english yung salita ko, tinagalog ko lang para kay mang boy, na siyang parating bumabasa ng mga kwento ko.
anyway, sa tutuo lang, medyo na offend ako sa kanya. hindi dahil pinipilit niya sa akin ang diyos niya, although minsan nakakainis yon. hindi rin naman dahil muntik na kaming magkapalit ng mukha dahil bigla siyang sumulpot sa harap ko na parang multo (actually nagulat nga ako at muntik nang naihi sa takot).
ang kinaiinisan ko eh hindi niya ako makilala. siguro nagkikita kami every other week pag tumatakbo ako at tuwing magkikita kami, parati niya akong tinatanong kung gusto kong makilala si baby jesus. parati kong sinasabi na ayoko. paulit ulit, paulit ulit.
next time kaming magkita, uunahan ko siya. itatanong ko sa kanya kung gusto niyang magkaroon ng personal relationship kay rolando navarrete.