habang tumatakbo ako kaninang umaga papunta sa opisina, ang “deacon blues” lang ang pinapakinggan ko sa iPod ng paulit ulit. mayroon kasi siyang cadence na bagay sa bilis ng pagtakbo ko, and it’s a great song to listen to any time of day.
They got a name for the winners in the world
I want a name when I lose
They call Alabama the Crimson Tide
Call me Deacon Blues
pag nalulungkot ako, pinapakinggan ko ito. pag masaya ako, pinapakinggan ko pa rin ito. it’s a song that you can play whatever mood you’re in and there’s no other one like it. at one point, inexplain ni donald fagen at walter becker ang pagkagawa ng kanta sa VH1 pero hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan ang mga lyrics. perhaps, it is just as well. there are some things that are better off, if it’s not totally understood.


