NAKAHIGA SA ANTIPOLO

nakahiga sa kama sa isang makulimlim at medyo mahangin na umaga dito sa antipolo. ang sarap ng pakiramdam. mamaya, bababa kami para mag tanghalian sa mga mommy ko. tapos balik ulit dito sa taas mamayang late afternoon. itong hapunan naman, magluluto ako ng aking famous inihaw na pork liempo. tapos, bukas ng gabi, babalik na ako sa singapore.

UNANG ARAW SA PILIPINAS SA HULING ARAW NG MAYO

nagpakapagod kang magtrabaho sa ibang bansa. bawat araw na lumilipas ay nagdaraang mabilis, tapos gising ka na lang isang umaga, nasa pilipinas ka na. kahapon ng umaga nasa singapore ako, pagkatapos ng pananghalian, nandito na ako sa bahay sa antipolo. parang milagro. isang iglap lang biglang nagbago ang itsura ng mundo ko.

dito kami natulog sa sala ni jet, kagabi. naglatag lang kami ng kutson at nagbaba ng unan. kinaugalian na namin ito nung dito pa kami sa pilipinas nakatira. sina kuya bong, darlene at lucas ang sumundo sa amin. dito na rin sila natulog at pinagamit namin ni jet ang aming bedroom. katabi namin sa higaan si datu, ang aming alagang mini-pinscher.

dumalaw din nga pala sina jun alferez, si edwin narciso at si mon rivera, ang aking mga classmate since kinder (1971) at long time friends. uminom kami ng isang case at kalahating san mig light, ang aming drink of choice since last year. gumawa rin si anna banana ng “menstruation dish” (dinuguan), pansit at sinigang na baka na siyang dinner/pulutan namin. nagpabili rin ako ng andok’s liempo ng tatlong beses dahil na-miss ko ang lasa ng inihaw na baboy ng anim na buwan. umuulan kagabi at sa garahe kami nag-inuman.

nagpunta rin sina lolet at ang kanyang mister na si sir bong at kanilang mga anak. sila ang aming mga kapitbahay rito at siyang umaalalay sa bahay namin habang wala kami. dito na rin sila naghapunan.

masaya ang unang araw namin sa pilipinas. binisita ng mga kaibigan at kamag-anak, narito sa aming sariling tahanan at natulog ng mahimbing sa isang malamig at maulan na gabi.

An Accidental Tourist in Tokyo

Kadadating ko lang sa hotel at pagod sa buong araw na sightseeing. Hirap palang sumama sa isang tour guide na may plano kung saan pupunta. Pati na lang pasyal eh may plano ang mga hapon… una, punta kaming Tokyo Tower. Ito ang equivalent nila ng Eiffel Tower. Labas kami ng train station at lakad ng malayo papunta sa tower. Along the way ay may nadaanan kaming temple at siyempre Kodak ako.

Sa gilid ng temple ay maraming maliliit na buddah figures na parang mga batang maliliit ang mga mukha. Cute nga eh kaya kinuhanan ko tuloy. May mga nag-aalay ng bulaklak sa kanila. Akala ko nga ng una eh libingan ng mga baby.

Continue reading

ROAD TRIP PLAYLIST

mga kantang dapat patugtugin sa kotseng papuntang baguio:

baliintawak to tarlac:
1. born to be wild, steppenwolf
2. roll on down the highway, bto
3. highway star, deep purple
4. i feel fine, the beatles
5. rock and roll, led zeppelin
6. ramblin man, allman brothers band
7. the end of the world as we know it, rem
8. not fragile, bto
9. smoke on the water, deep purple
10. you ain’t seen nothin yet, bto
11. bad to the bone, george thorogood
12. the road, jackson browne
13. black mercedes benz, the breed
14. born to run, bruce springsteen
15. hoochie coochie man, eric clapton version
16. break on through, the doors
17. runaway, del shannon
18. jessica, allman brothers band

tarlac to pangasinan:
1. on the road again, willy nelson
2. still the same, bob segar
3. reklamo ng reklamo, jerks
4. probinsyana, anak bayan
5. laguna, sampaguita
6. the thrill is gone, bb king
7. mannish boy, muddy waters
8. layla, eric clapton
9. we got to get out of this place, animals
10. love is stronger than justice, sting
11. the lion sleeps tonight, the four seasons
12. walk on the wild side, lou reed
13. 500 miles, proclaimers
14. gotta serve somebody, bob dylan
15. love street, doors
16. summerfling, kd lang
17. watching the wheels, john lennon

pangasinan to baguio:
1. love needs a heart, jackson browne
2. helplessly hoping, csny
3. birds, neil young
4. damdaming nakabitin, asin
5. circle game, joni mitchell
6. tao, sampaguita
7. ain’t no mountain high enough, marvin gay
8. everybody hurts, rem
9. a day in the life, the beatles
10. kun’ di man, jerks
11. just a song before i go, csn
12. man on the moon, rem
13. after the gold rush, neil young
14. agains the wind, bob seger
15. let it grow, eric clapton
16. what a wonderful world, louis armstrong

POST VACATION DEPRESSION

kahapon nasa dyaryo rito: there is such a thing daw as “post vacation depression” especially after the christmas holidays (similar ba ito sa post-natal depression?). ayon sa mga doctor from down under (bansa ni egay maderazo na isa nang australian citizen pero kutis bayag pa ring katulad ko). it is a bad feeling na parang kulang ang bakasyon mo. it normally last two weeks upon return…

Continue reading

MANO PO

taong bahay ako ngayon. bakit? nanood ng sine sine jet kasama si anna banana ang aming alalay. kasami rin nila si elena (ang pangalan ng asawa niya ay constantino, parang flores de mayo na santa cruzan, i kid you not) at ang kapit bahay nilang si lolet. pinanood nila? “mano po” at “dekada sitenta”. back to back na sine ang papanoorin ng mga bruha, ika nga ni mang boy na kapit bahay ko.

ok lang, minsan lang naman mag girls day off ang mga bruha. hehehe… they deserve every minute of it, ika nga. kaya eto ako ngayon, home alone kasama si datu.

TAGAYTAY

next weekend pupunta kami sa rest house ng sister kong si emy sa tagaytay. overnight tapos next day punta kami sa punta fuego batangas. punta fuego is the residential area in batangas na overlooking the china sea. a really great plant. sa tagaytay naman, malaki at maganda ang bahay nina emy. it’s right at the edge of a coffee plantation at from the balcony, amoy na amoy mo ang mabangong bulaklak ng kape.

christmas day 2002, part ii

matapos ang kapit-bahayang christmas noche buena party at kahit puyat, gising kaming 2 ni jet ng maaga upang dumalaw itong araw ng kapaskuhan sa mga loved ones na kapamilya…first stop, breakfast sa bahay ng mommy ko sa talipapa, novaliches. alas-9 pa lang ng umaga ay nandoon na kami’t nambulabog. labas agad ang mommy ko ng pagkain – pritong manok na binabad sa 7-up, hamon, tinapay at mainit na kape. pagkaing angkop na angkop para sa isang kapaskuhang almusal. habang kumakain ay may running kwento galing sa mga utol ko at nanay na may kasama pang sayaw galing kay tj, ang anak ng anak ng kapatid ko… ano ko na si tj? apo na siguro ano? malamang.

Continue reading

christmas day 2002

bisperas ng pasko, sama-sama kami ng mga kapit-bahay dito sa antipolo upang salubungin ang kaarawan ni jesus. sinara namin ang kalye at apat na pamilya ang nagtipon-tipon upang pagsaluhan ang noche buena.kanya-kanyang luto siyempre. mayron kaming fried dumplings, hamon, cake at ang aming contribusyon… makabagbag damdaming spaghetti! marami ring red wine, san mig light at soft drinks para panulak.

Continue reading

senti-MENTAL

isang linggo na ako dito sa pilipinas… bawat araw na nagdaan, isang paalala kung ano ang nawala sa buhay ko simula ng umalis ako rito at nangibang bansa.

bawat araw ko rito ay mahalaga… sinasamsam ko at binibigyang kahulugan, isinisilid sa puso para muling gunitain ng paulit-ulit. ano bang meron dito na wala sa singapore? marami! hindi ko naman sinasabi na pangit doon. mas okay lang talaga dito sa pilipinas. una, nandito ang aming pamilya. pangalawa nandito ang mga kaibigan. ikatlo, nandito ang mga kapitbahay.

pamilya, kaibigan, kapit-bahay – halos lahat sa kanila, walang pakialam kung ano ang estado mo sa buhay, walang pakialam kung gaano kalaki ang kita mo, kung may kotse o condo ka. walang intriga pag nakatalikod ka. sa madaling salita, dito sa munting mundong ginagalawan namin sa pilipinas ay nararamdaman ko ang “belonging”. ano ba ito as salitang pilipino? belonging – “kaisa”, “kasama”, “kabayan”, “katoto”, “kabilang”. lahat ito’y napapatungkol sa akin bilang kabahagi… kabahagi ng isang pamilya, kabahagi ng isang barkada, kabahagi ng isang komyunidad.

sa singapore, si jet lang ang pamilya ko.

Continue reading