matapos ang kapit-bahayang christmas noche buena party at kahit puyat, gising kaming 2 ni jet ng maaga upang dumalaw itong araw ng kapaskuhan sa mga loved ones na kapamilya…first stop, breakfast sa bahay ng mommy ko sa talipapa, novaliches. alas-9 pa lang ng umaga ay nandoon na kami’t nambulabog. labas agad ang mommy ko ng pagkain – pritong manok na binabad sa 7-up, hamon, tinapay at mainit na kape. pagkaing angkop na angkop para sa isang kapaskuhang almusal. habang kumakain ay may running kwento galing sa mga utol ko at nanay na may kasama pang sayaw galing kay tj, ang anak ng anak ng kapatid ko… ano ko na si tj? apo na siguro ano? malamang.
tanghalian, lakbay na naman, this time, sa bahay ng pamilya ni jet sa damong maliit, novaliches. tradition na sa pamilya nila ang magtipon-tipon twing araw ng pasko kaya’t heto kaming dalawa na pumunta roon. oo nga pala, kasama namin si anna banana, ang aming trusted assistant sa bahay (birthday ni anna: dapat pala eh jesusa ang pangalan niya o kaya eh emmanuela…hehehe). asan na ba ako: ay oo – so dating kami ng 11 ng umaga doon at ako’y nakatulog. ayan kasi, puyat ng puyat eh. hehehe. nagising ako sa sigaw ng mga bata. bigayan na ng mga regalo – isa na namang tradisyon sa tahanan ng mga magulang ni jet. kapag tapos ng gift giving eh kumain na ako ng lunch (nahuli ako dahil di nila ako ginising nung kainan). bandang 3pm eh nasa labas na kami ng bahay kasama ng aking mga bayaw at bilas upang uminom ng kaunti. suma eh naka-3 beer lang ako ngayon bago umuwi dito sa antipolo.
masaya ba ang pasko ko? siyempre, lalo na’t kung ito’y ihahambing sa nakaraang taon nung kami’y nagpasko sa singapore.
at ngayon nga’t tapos na ang araw ng pasko, malugod ko namang hinihintay ang pagdating ng bagong taon. pahinga muna bukas – sobrang dami ng ng kain at inom. PERO, teka lang…. di ba birthday bukas ni laurence ang anak ng kapitbahay ko? PATAY, kain at inom na naman. sabi nga ni yano eh: “nakaka-inis, ang ganitong buhay”.