virgin birth

naging virgin ba si virgin mary dahil hindi siya nakipag sex kay god the father pero nabuntis pa rin siya kay jesus, o dahil lumabas sa tiyan niya si jesus pero nagmilagro si god the father at binalik niya ang pagka virgin ni mary?

compassion and acceptance in a godless world

ang isang benepisyo ng walang diyos eh hindi mo dala ang bagahe ng mahigit dalawang libong taon na paniniwala. pag may kaharap kang tao, di mo siya tinitingnan batay sa kayang paniniwala o kasarian. tapos, pwede ka pang kumain ng sisig at lechon kawali kahit na alas tres pa ng hapon ng biyernes santo.

SPF 15

new rule: the 1st runner-up to the pope will be holding the duties and responsibilities of pope if for any reason, the current pope can’t fulfill the role of pope. also, best in swim suit cardinal will get a lifetime supply of Coppertone Tanning Lotion SPF 15.

brown smoke

ang sabi ni cardinal botong, ang archbishop ng novaliches: kapag daw brown smoke ang lumabas sa chimney ng sistene chapel, ito raw ang senyales na mayroon nang filipino pope kasi patunay raw ito na nagsimula nang magluto ang kusinero ng vatican ng sisig.

slip sliding away

article sa christian science monitor: Power of the Catholic Church slipping in Philippines. dagdag pa nila – “About 80 percent of Filipinos are Catholic, and they traditionally looked to the church for political and moral guidance. Recent reforms, however, are overriding church positions.”

it’s about madapaking time. sa aking paningin, habang mas nagiging secular ang paningin sa buhay ng sanlibutang pinoy, mas magiging mabait, masipag at matagumpay ang bayang magiliw. maunlad pero hindi hambog. kritikal sa pag-iisip na may kasabay na pag-aalinlangan sa pamahiin. may paggalang sa mga ibang paniniwala at walang diskriminasyon batay sa kasarian .

banana blues

the gospel according to mang boy #004: habang mahal na araw, iniisip kong maigi ang pagkamatay ni hesus. kung nadulas pala siya sa balat ng saging, naiuntog ang ulo sa semento at namatay, lahat ng mga kristiyano sa buong mundo ay magsusuot ng kwintas na lakatan.