paminsan-minsan lang ako nakakaramdam ng racism sa amerika. nakakainis nga, kasi sa kapwa pilipino ko pa ito na experience kahapon. tinutulangan ko si jet na magbuhat ng mga bag pauwi ng pilipinas at hinarang ako ng isang taga PAL and in a very rude way na parang ako ang pinaka tangang tao sa buong mundo said, para sa mga pasahero lang ang linya sa counter (sabay finger point repeatedly sa isang maliit na sign that says “for passengers only”). to add insult to injury, pagkatapos niya kaming bastusin ay bigla siyang naging pakyut doon sa dalawang amerikano sa likod namin. sa sobrang pagkainsulto ay hindi ako nakapagsalita at naiinis ako sa sarili ko dahil ang dami kong naiisip ngayon na sabihin sa kanya na mga mabulaklak na salita na hindi ko nasabi kahapon.
doon sa matabang lalaking ticket inspector ng philippine airlines sa Los Angeles International Airport: putangina ka, ang bastos mo. sana kunin ka na ni lord. dahil sa iyo, hinding hindi ako sasakay sa philippine airlines kahit kailan at mas gugustuhin ko pang lumangoy na lang pauwi sa pilipinas kaysa sumakay sa eroplano ninyo.
– – – – – – – –
pakinggan ang audio podcast ng blog na ito sa iTunes
nakakalungkot na kababayan pa natin ang gumawa sa ‘yo nito. maganda siguro kung maiparating ito sa namamahala ng PAL para madala-dala naman sila.
i don’t think i will fly with PAL internationally kahit na maganda naman ang 1st experience ko sa kanila nung nag-Roxas City kami. sobrang marami akong bad stories na naririnig about their international operations eh.
never fly PAL on international flights especially the flights from the US. they treat the filipino passengers (who basically pay for their salaries) like shit. dahil lang brown ang kulay ng balat ko doesn’t mean that fucking overweight guy has to treat me bad. ang masama nga eh pareho lang kami ng kutis.
napansin ko rin nga ung discrimination ng mga taga PAL na yan noong nasa saudi pa ako. kung i treat nila mga kababayang OFW doon parang…. wala lang.kaya hindi na rin ako umulit pang sumakay sa hinayupak na Plane Always Late na yan eh..
ok nga sana kung late lang ang eroplano, pero yung bastusin ang mga customer nila, parang counter sa negosyo na umaasa sa goodwill at patronage ng mga tao.
Tangnang empleyado ng PAL iyan ,ayan talaga ang hassle iyon sarili pa nating kababayan ang mangbwibwisit sa iyo..at least cool ka pa rin you dont utter that f word in his damn face..ang hirap magtimpi sa ganyan mga sitwasyon..He brought down the entire PAL with his bad behavior eh kakulay naman natin siya kaya lalong bad trip…
sayang nga, gigil na gigil ako at hindi ako nakapagbitaw ng F word.
Jay, hindi lang dyan nangyayari yan. Kahit sa Pinas, lalo na sa tourism business. Para bang mas may priority ang dayuhan kaysa sa kanilang kababayan. Nakakapikon isiping “second class” citizen ka sa sariling bansa.
As for PAL, mabuti nga’t wala nang flight sila sa KSA. Kung tratohin nang mga “glorified waitresses” nayan ang mga kababayan natin sa economy class parang hindi tao.
mayroon atang reverse racism – eto yung masamang treatment ng mga pinoy sa kapareho nilang pinoy dahil it gives them a feeling of power.
siguro naging biktima rin sila ng ganitong treatment in the past and they just want to pay it forward.
sana kinuha nyo po pangalan, pwedeng sumulat o itawag sa matatas sa pal at ireport. kaya nila ginaganon ang pilipino kse madalas, kibit-balikat nalang. di pwedeng i-tolerate nalang po ang ganyan, kse kung ganon po, edi parang sinabi mo na, ‘okay lang yang ginagawa mo sa akin.’
sumulat na ako nung isang araw pa.
sinabi mo! sa 17 years ko dito sa amerika, almost every year umuuwi ako. 2 beses lang akong sumakay ng PAL (yung 2nd time only because it was an emergency) dahil sa asar. biglang nagkaka- attitude problem pag kapwa pinoy ang kaharap. para bang foreigners (esp. whites) lang ang me karapatan. smells like colonial mentality to me. never mind that OFWs are singlehandedly propping up the Philippine economy. these f’ing ingrates should be worshipping the ground OFWs walk on.
hindi naman kailangan ng worshipping the ground. katulad ng sabi ng tita aretha: tama na yung kaunting R-E-S-P-E-C-T (just a little bit).
E kahit kelan naman nakakainis yang PAL eh. Parati pang late!
Nung nasa Davao ako, akalain mong na-late sya ng 6 na oras. Bwisit! At talagang nakakainis yang mga ganyang pinoy ha. Sarap batukan.
nakakainis nga, mas nahihirapan pa ako sa pinoy na airline.
kakagaling ko lang sa canada the same day that this happened, lahat ng naka encounter ko na empleyado ng mga airline sa trip ko ay mabait.
its a blessing in disguise na rin siguro na hindi kayo nakapagreact sa sobrang gigil sir…at least hindi kayo nagstoop-down sa level nyang walang modo right there and then….
my dad being an overseas worker in saudi has experienced the same “you’re nothing but a second rate….” treatment from PAL last year nung pabalik na sya ng saudi(i think wala na syang choice kundi magbook ng flight sa PAL dahil wala nang available sit sa saudia air)yun bang tipong “ay papuntang saudi at economy class ka lang so hindi ka importante aasikasuhin ko muna yung mga foreigner”type of atittude mapapamura ka tlaga ng malutong na P*&%^ina nila…..hindi madaling magalit ang tatay ko but he said the way he was treated by that employee really got to his nerve….. what made it worse is sa sariling bayan pa nangyari sa kanya..shitty planes,shitty service,shitty employees.. no wonder hindi pinagpapala ang PAL
kailangan siguro nila ng employee re-training, specifically sa customer satisfaction at manners.
naranasan din namin yan bossing dyan sa PAL sa LAX kaya alam ko yung feeling na sinabi mo na para kang tanga. hindi rin kami nakakibo ng asawa ko siguro dahil sa gulat na ba’t ka ginanon tapos KABAYAN pa!
imagine from iowa pinilit naming mag PAL, ilang lipat ng eroplano tapos ganon lang aabutin mo? mula non di na kami nag PAL.
baka yung mga taga Los Angeles na PAL employees ay mayroon talagang attitude problem. sabi sa akin ng nag check-in kay jet, marami daw nagrereklamo doon sa matabang inspector na nambastos sa amin.
This is why I only ride Cathay Pacific.
Not only am I treated like any other passenger, I am also treated to some eye candy; their flight attendants are a lot hotter! ARF!!!
When I did the ‘tour the Philippines’ thing, I used Cebu Pacific a lot.
No PAL for me.
korean airlines at cathay na lang siguro from now on.
sos! papa batjay me mga taong ganyan talaga feeling nila mas superior xla kesa saten….nakakabastos! na exp ko na dn po yn sa Lax….kaya hnde na din kame sumasakay ng pal e`relax lng papa batJay ma hahigh blood ka lng….n e weiz mangangamusta sana ako kse tagal ko nang hnde nkakadalaw sa dito sa site kya lng mukang alm ko na sagot sa pangangamusta ko lolx!
not justified mag-asal bastos kahit sa anong race pa. bad sya. 😦
very bad.
Sabi nga ng character ni Nicole Kidman sa isang ambassador sa movie na The Invasion ‘when you say something about a person, I don’t see the person you were talking about but a reflection of yourself’. (Or something to that effect.) Nicole is a psychiatrist in the movie.
I always believe that words that comes out of a person’s mouth is a reflection of his personality. Kaya nga dapat we’re careful with the words we say kasi we’re revealing something about ourselves every time we speak.
The way I look at the airport scenario, I can imagine an insecure person trying to make himself feel good (by power tripping) dahil he obviously feels lowly about himself which was proven by his reaction to the puti. In short, there’s nothing wrong with you. Naging biktima ka lang ng power tripping niya. You should applaud yourself because it’s hard to keep your cool sa ganitong scenario.
sayang nga, hehehe. the monster in me wants to pick up a fight pero huli na nang maisip kong makipag away.
kala ko ako lang ang ayaw sumakay ng PAL, After my 2 experiences with PAL and their stewardess, di na naulit. I would rather fly with Korean Air and China airlines. Very polite ung mga stewardess at not to mention mga bata at magaganda sila (hehehe) di tulad nung sa PAL na stewardess kayo na ang ang mag judge(!!!!!!!). Keep it cool di lang ikaw ang binastos ng mga kaPALmuks.
parang may common thread ano?
siguro iba ang training guidelines at rules and regulations ng PAL kaya ganun ang mga empleyado nila… bastos,racist at mayayabang…and they excel in showing it huh?
hehehe nakita ko na rin ang mga stewardess ng PAL mga on the way to senior citizenship…wala man lang mga bata kaya puro stiff…ala Miss Tapia
ako wala pa namang bad experience sa PAL dahil almost never ko sila sinasakyan, pero yung ate ko galit na galit din when she took her 3 kids to manila some time ago… nag air canada sila from montreal to vancouver tas PAL na from vancouver to manila.. back then, the youngest was still a baby, so at one point, she changed the nappies and put it inside the barf bag and asked the flight attendant to dispose it, since my sister was also looking after her 2 toddlers apart from the baby and she can’t afford to leave her seat to dispose the nappies herself. aba, ang walangyang FA refused to do it and had the nerve to snark at my sister! e di syempre pinagalitan sya ng ate ko, saying that what she was asked to do was part of her duty, at hindi sya model para rumampa at magpa-cute lang sa “runway”. ayun, natauhan, sumunod din. napansin ko lang na quite a few numbers of pinoys in the airline industry tend to ride on their high horses!
nung nanjan ako sa amerika ilang taon na rin ang nakalipas, naka experience din ako ng racism sa kapwa Pinoy. sa LAX din yun. employee ng immigrations. akala kasi yata nila, magti- tnt lang ako, kaya kung maka sigaw sila, walang pakundangan. tinanong ko siya kung bakit galit siya, sabi niya mali daw kasi yung form na pinirmahan ko na immigrations form. kailangan daw ako sumama dun sa isang immigrations officer sa kabilang linya. sus! yung lang naman pala, di niya na kailangan magsisisigaw pa, diba? nakaka inis at nakak hiya sila. panira sa magandang pangalan ng pinoy sa ibang bansa.
nung pabalik rin kami sa california from manila, sinita kami ni jet dahil may dala kaming burong talangka para sa pinsan niya. buti na lang at mabait na pinoy yung nasa customs kaya ok lang.
Mukhang hindi lang PAL employees ang mayabang…may kaibigan akong minaltrato ng isang kahero sa Goldilocks! Eh mataray kasi ang kaibigan ko, kaya hindi pinalampasan ito; in true dramatic fashion, tinuro niya ang daliri niya sa kahero at sinigawan niya ng “You’ll never have my business again!” sabay tapon ng bayad niya sa counter.
akala ko, ang sinabi ng kaibigan mo ay “you’re nothing but a second rate, copy cat…”
meron akong 3 airlines na galit na galit….ang Korean – kung saan ipinaghiwalay kami ni Misis at binump of siya dahil free ticket daw, United (kung saan naman, 16 hrs kaming ipinagantay) at Philippine (hindi lang late, sobrang late pa kamo) – Air Lines…kapag nagsama sama, eh talagang ganyan silang 3! K – U- PAL!
16 hours? packingsheet!
ayaw ko sanang kumampi pero sa singapore airlines talaga kami ni jet loyal. minsan nagsisisi tuloy ako na lumipat kami rito kasi di na ako nakakasakay ng SQ.
so true… pag biz trip sq ang sinasakyan ko… ganda ng service nila… parating nakangiti ang mga flight attendants… sa pal me experience ako na nakasabit lng ung earpiece ng cel sa leeg ko sinita pa ko ng lalaking attendant… nakasimangot na sinabing bawal daw gumamit ng cel sa plane… buti meron ng mga budget airlines at nagkaron ng ibang options pauwi sa pinas…
baka kursunada ka lang nung flight steward.
PAL sucks anyway. Its true. They took out first class because its not very first class like. How bad can that get? And Singapore airlines is my favorite! They always gave me toys when I was a kid. I miss them!
apparently, as far as ticket checking is concerned at LAX, really bad.
Ang tagal kong naging airline employee diyan sa LAX. 14 years of which with Northwest Airlines. Marami ding mababait na mga pinoy na nagtra-trabaho diyan sa LAX kaya lang eh merong mangilan-ngilan na mga gamol at super kupal ang mga pag-uugali. Natiyempuhan mo lang ang kumag na yon Batjay. Ang PAL eh contract lang ang mga empleyado sa ticket counter diyan sa LAX. Hindi sila directa sa PAL… kung sino pa yung mga ‘wannabe airline employee’ yun pa minsan ang kung mag-a aasta eh akala mo kung sino na!
I know na it’s tough ngayon sa pamilya dahil sa pagkawala ng mga mahal natin sa buhay. Cool ka lang pare at wag kang mag pa stress sa walang kwentang hinayupak na matabang korikong na yon… maaayos din lahat yan. For the meantime… murahin natin ang buwakanang inang PAL na yan. Condolence na lang diyan pards… you got my prayers!!!!!
maraming salamat sa pakikiramay bossing.
ironic na yung unang nakaharap namin na taga Philippine Airlines ang pinakabastos sa lahat. nagtatrabaho ako sa customer support and that’s the worst that can happen.
talaga naman ang ugali ng kapwa natin.bakit ganun?..tang inumin naman o wag milo.
di dapat PALampasin yan,dapat turuan ng leksyon,para di na matularan.
nagreklamo na po ako.
tol,
i remember in my previous comment to you when you were telling us that so far almost lahat ng pinoys you encountered in your trips ay mababait but unfortunately nakatagpo ka ng UNGAS. if i were in your shoes, HINIYA ko rin ung hayop na PAL inspector na iyon by shouting at him on top of my voice (ung bang halos mapatid ang litid mo) at ipapamukha ko na sa ticket naming pasaheros nanggagaling ang suweldo niya. ang idea ay mag-iskandalo ka para makatawag ng pansin sa boss niya. this type of person don’t deserve respect kahit na pinoy pa siya. masama pa nga ung nagpigil ka ng galit, buti di ka inatake sa puso. as a seasoned traveller, i have never fly PAL because iniiwasan ko makaencounter ng gaya ng na experience mo dahil mas napakasakit kung kapwa pinoy mo ang hihiya o mangaapi sa iyo. now, you have learned your lesson. lets wait kung meron mangyari sa protest letter na ipinadala mo sa PAL management.
good luck bro!!!
as always, all the best……………bong
nagreklamo kami doon sa nag check-in ng bag ni jet. tinawag niya yung boss ng matabang bastos at sinabihan kung ano ang nangyari. sumulat din ako sa PAL after the incident at sumagot yung customer support nila. eto yung sulat:
May naranasan din akong ganyan, pinadala ako ng company ko para mag buy-off ng makina dahil urgent at sa di malamang dahilan ang ticket ko ay Business class. pagpasok ko palang sa eroplano tinuro na kaagad sa akin ang lugar papunta sa likuran (economy) at Laking pagtatatka ng mga matronang PAL stewardess dahil sa business class ako, katabi ng mga puting executives samantalang ako pinoy na pandak at hindi naka business suit. Hindi nakatiis ang isa ta tinanong ako kung ano ang gagawin ko sa pupuntahan ko at parang pinagdududahan ang pagkatao ko.
Sinagot ko na lang siya ayon sa kanyang kamang-mangan.
sumasakay din ako ng business class sa SQ ng naka shorts at tsinelas pero mabait pa rin sila sa akin.
Kainis yan ha. Ganyan din ako pag nabigla ako, di ako maka-respond tapos nagbo-boil over ang inis ko for days on end. Laging nasa isip ko “dapat ganito sinabi ko”…
Sa Pinas madalas akong ma-discriminate dahil kung magdamit ako e parang dukha, as in butas butas na pantalong, tsinelas, kupas na t-shirt… Kaya madalas yung mga sales clerk binabastos ako… Ang nakakatawa, inglesin mo lang nang kaunti nagkakandarapa na sa ‘yo. Hello?!
Anyway I’m glad you managed to get it out of your system.
it’s out but not really out. i would have loved to given that f*cking guy a piece of my belated mind.
is this is a form letter? puro motherhood statements…lalong nakakainis…pero sige na lang…at least sumulat…sana may mangyari though
oo nga, parang canned response letter from PAL. it’s been close to a week – wala pa ring response. either napabayaan na o filipino time ang ginagamit ng relos nila sa opisina.
tol,
junnie was right parang form letter lang yung pinadala sa iyo but at least natawag mo ang pansin nila. nakakalungkot ang experience mo at yung iba pa nating kababayan. in as much as you like to support pilipino goods and services eh kung ganito naman ang maeencountered mo, mas mabuti pa nga na tangkilikin na lang ang iba. SANA, magbago na ang mga kababayan natin the soonest.
regards…….bong
welll…lahat namn tayo nakakaencounter ng ganito,,,not only in other country but here as well. Kala mo kung cno cla n kong makaasta eh ganun n lang…para bang cila lang ang magaling sa mundo…
nun papunta ako dito sa us naranasan ko din ang pambabastos galing sa kapwa filipino. nakapila ko sa check in lane at ung NAIA employee sinigawan ako kasi kulang ung info. na sinulat ko sa form.nagulat lang din ako at nabigla kaya wala ako nasabi. tapos since first flight ko lang un,hindi ko alam na ung mga make up pala kailangan ilagay sa zip lock. sabi nun nagchecheck ng hand carry bag ko mamahalin daw pala ang make up na gamit ko sinabi pa nya na iwanan ko na lang daw.tapos tatawa tawa lang ung babae. sinabi ko na lang sa kanya na maghahanap ako ng zip lock.hindi ko alam bakit ganun attitude nya,ang pangit. mga make up lang naman pag iinteresan pa nya.
Nung sana Taiwan ako last year, papalabas na kami ng airport sa Taipei (nalimutan ko na yung pangalan, mahirap tandaan eh) nang may nadaadan kaming isang mahabang pila. Mga bagong dating na OFW. Lalampasan ko na sana kaso may isang matandang lalaki na nagsisisigaw dun. Sinisigawan yung mga nasa pila, parang mga batang nasa kinder na dine-direct pa kung paano pumila. Tinanong ko sa kasama namin sa group na Usec ng Tourism kung sino yung nagsisisigaw. Galing daw sa Phil. Cultural Office dun (wala kasing embassy kaya yun ang tawag di ba dahil sa one-China policy). Sabi ko bakit kailangan nya sigawan yung mga OFW eh dapat nga maging matulungin sya dahil yun yung trabaho nya. Sabi nung Usec kasi daw minsan makukulit talaga yang mga OFW. Syempre kahit ngitngit na ngitngit ka, di naman ako makagawa ng eksena dun (sabi ni Tito Rolly bago ako umalis wag daw ako makigulo dun). Pero, unforgettable yun. Pinoy government official treating fellow Filipinos like second-class human beings.
like 2nd class human beings – that’s exactly how i felt at the pal ticket counter. tanginangyan, siya pa galit kahit ako nagbayad ng ticket para mayroon siyang trabaho.
after 3 weeks, wala pa rin silang reply kaya sumulat ulit ako kanina. nakatanggap na naman ako ng canned reply:
Pustahan, akala nya “skilled worker” ha at feeling nya angat sya dahil PAL employee sya.
oo nga, ako nga manager ng sm, d me ganyan ah…
oo nga. pero even if i am, i don’t deserve that kind of treatment. 3 weeks na nakaraan, mainit pa rin dugo ko.
yung kwento mo tungkol sa experience mo sa taiwan na naninigaw, napaka typical. parati kong nakikita yung condescending, patronizing at arrogant na behaviour ng mga ibang pinoy sa mga contract workers sa singapore, manila at sa kung saan-saan.
so what kung makulit minsan. coping mechanism lang naman yon. mahirap din buhay nila – nasa middle east, hongkong or singapore for over a year at halos alipin ang turing sa kanila. coming home must be a big relief.
nakakita rin ako ng mahabang pila sa hongkong….nung minsan nag transit ako dun….ka-inis lalo na at pinoy ang mga nakapila…
sa geneva pre naranasan ko rin na interbyuhin ng immigration officer at ipakita ang ang business documents…… pag kalahi o ka-kulay nila diretso lang…packing sheet…pag kutis betlog daming tanong
sa PAL naman wala pa naman akong enkwentro…isa lang napansin ko….matatanda na ang Flight Attendants….compared to SQ
Jay, bukas sa column. Thanks for agreeing to have it published sa newspaper. Stories like this need to go beyond the blogging community.
ayoko sana pero mukha kasing lip service lang ang ginagawa ng PAL para i-adress yung reklamo ko.
pareng jun – sarap ng may brown skin na may brown passport, ‘no?
no choice pare……kung kaya ko lang mag-paputi kagaya ni michael jackson……pero di ko kinahihiya ang kutis natin……in pak, kaya nga may mga puti ang asawa ay kutis brown…kainis lang talaga pag nasa lugar ka ng mga puti…
wow, grabe ha. halos pare-pareho ng kwento ang karamihan tungkol sa PAL. nakakabwiset at nakakahiya. sariling kababayan pa naman, ganyan kung umasta. twice pa lang ako nagtake ng PAL, papuntang singapore at yung isa pa-hk. so far, wala pa (sana di talaga mangyari) naman akong nararanasang pambabastos. pero kung mangyari man, di ko ito papalampasin. hindi tama mambastos at lalong hindi tamang ituring second class ang mga pinoy.
The Filipino is his own worst enemy and I base that on the rudeness I’ve experienced at the hands of fellow Pinoys here. Bihira akong makaranas ng kabastusan sa mga puti. Pero madalas sa mga kapwa kong Pinoy. Malungkot but that’s the truth. It’s such a shame. Pinoys seem to love discriminating against their own. It’s not arrogance that drives such behavior but plain insecurity.
korek ka dyan that is the right term sa iba nating mga kapwa pinoy. mahilig man discriminate at pinaiiral ang pagka inggitero/inggitera.
kahit yung ibang mga pinay ground crew ng emirates whether sa NAIA or sa Dubai Airport mas mahigpit pa sila sa ibang lahi kung umasta akala mo kanila emirates airlines. for example tickets with offshore categoryhas allowed for 40kg baggage allowance tatanungin ka ba naman kung saan at sino nag issue ng ticket eh meron agreement ang mga oil & gas companies like Shell, Chevron, British Petroleum, Exxon Mobil with some airlines to allow their employees for 40kg on their tickets.
sarap makipag away ano? kaya lang, tulad ng sabi ng pinsan ko, i’m too much of a nice guy.
hopefully, i’ll be fucked up enough that in the future, i’ll learn how to make a scene.
unkyel batjay, kumulo ang dugo ko nang nangyari din yan sa nanay ko. hindi sa airport kundi sa sbarro. parehas na parehas sila ng order ng katabi niyang amerikano, tapos yung binigay na pagkain sa amerikano, di hamak na mas marami talaga kaysa sa binigay sa kanya. tapos todo-smile pa, todo-pa-cute. mga pakyu.
pinagalitan ni mama yung babae, pero gusto ko talaga sapakin yon. part ng insecurity ng ibang mga pinoy yan, kala nila better ang mga puti sa kanila, at sa kapwa nila pilipino.
at dahil diyan, unkyel batjay, hindi na rin ako sasakay ng PAL in the future. mga pakshet yang mga yan.
Pingback: Being a Filipino among Filipinos. | Lifelog | Live. Love. Blog.
Pingback: Reverse racism | House on a hill
Ang hindi ko maintindihan bakit parati puno and PAL ? Marami namang ibang airline patungong Maynila. Ako rin boycott ko na ang PAL international. THEY TREAT PAYING CUSTOMERS WORSE THAN SHIT !
nako! patay! PAL pa naman kami nagpabook papuntang Amerika itong Sept! Yareeeeh!! Nakakawalang gana naman yang mga yan. May mga kaibigan ako na ang kuwento minsan sa isang restaurant na pinupuntahan nila, masama talaga ang service pero masarap ang pagkain. Noong dinalanila yung bisita nilang galing canada–at sobrang BAIT daw ng mga servers and they were putting on the BEST show in town… Baket ganun? Dahil inaasahan ba nila na mas malaki ang tip? Labo.
ay naku batjay katulad ka din ni ninoy at ng libo-libong pinoys na tumangkilik sa PAL..hindi ka nagiisa! ….isama mo na din ako..sa tagal ang aking pagtrabaho sa ibang bansa bilang isang dakilang OFW (daw) ay binigyan ko ng pagkakataon na tangkilikin ang nasabing airline kahit na lahat ng naririnig ko ay puro pagpupula at di matapos tapos na istorya ng masamang karanasan..ika nga eh binigyan ko sila ng ‘benefit of the doubt’..pagkatapos ng aking kaululan ay saka ko nasabing totoo pala ang cnasabi nila..haha..same story as mentioned previously, pag brown skinned ka dapat masungit ang dating nila at di kailangang ngitian..lahat ng hingin mo ‘wala na po’ ang sagot’..pero ang nasa likuran ko ay mga puti kaya kitang kita ko ang kaibahan ng pagtrato nila..ear to ear ang ngiti with matching fake american accent, pakarga karga ng mga puting bata samantalang pang brown skinned na bata ay parang nandidiri sila..….eto pa , nang nag-serve ng drinks eh beer lang ang pilit binibigay sa pinoys, I opted for a vodka tonic pero naka limang stewardess ako na sinabihan at nagalit bago ibinigay sa kin ang hiningi ko (kaya malamang me kung anong masamang nakasama sa ininom ko)….afterwards, nasabi ko sa sarili ko na never again…..hey guys, come to think of it..PAL is a privately owned company and it just happen na phillippine airlines pangalan nya…..ang pagsakay sa PAL ay hindi nangangahulugang natulungan mo o tinangkilik mo ang bansa mo..ang mas totoo ay natulungan mo si lucio sa pangtankilik mo …we have the means kaya we have the option to choose.
to connie…ilan yata sa mga masamang katangian para maging phil. government official ay arogante at bastos..mapa airport o consulate office ay pare pareho sa aking observation..hindi nawawala ang nagpa power trip..parang nabad trip sa pag hitit o sa pag batak ng kung ano..last year isinamana ko ang aking pamangkin sa singapore ng ilang araw..sa immigration pa lamang napansin na ng bata ang di magandang pagtrato ng immigration officer sa isang kapwa pilipino ..namali lang sa pag fill up ng form nya pinagsisigawan na..tapos me mga asian looking na nakapila sa kanya na di din tama ang pinaglalagay sa form..ang ginawa ng officer ay tumuntong sa silya nya..pinagsisigawan ang mga kasama nya sa labas na ilayo ang mga yon sa pila at ayusin ang mga forms nila … hindi makapaniwala ang pamangkin ko sa nasaksihan nya, hindi daw dapat tratuhin ng ganon ang kahit sino..(kaya nga ang tawag sa bata ay walang muwang di ba?..hehe)…at napansin nya din ang nakasulat sa immigration counter…ba’t daw ganon ang officer samantalang ang nakasulat don sa harap nya ay ’..service with a smile’ hahahaha…only in the pilipins.
5 weeks na pero wala pa rin silang sagot sa akin. fucking responsive, no?
Pareng Jay, I empathized with what you have experienced at LAX ticket counter. We also had a bad encounter with an indian-descent PAL employee outside the counter going back to manila on Sept.13. Siguro PAL security officer yun. Ang dami kasi namin check in baggage mga 10 tapos kasama ko pa family ko and parents-in law. Paulit -ulit at minamadali nya kaming pinapupunta dun sa x-ray security baggage counter e wala naman kaming kasunod sa likod. Syempre di namin kaagad maligpit yun mga baggage sa trolly kasi ang dami nga kasi. Ang dating nya sa akin e para kaming stupid na hindi makainitindi ng ingles at nakita ko pang nag side comment pag alis ko. Sasagutin ko sana kaya lang pinigilan ako ng wife ko. For info, personnel manning the check in counters at LAX are employees of 3rd party agencies contracted by PAL.
Anyways all of us are entitled to our own opinion..peace. My wife works as flight attendant in PAL. Hindi naman lahat ng PAL FA ay a-holes. In defense of my wife, excellent mag trabaho ang wifey. Maraming siyang inuuwing certificates from PAL attesting to the commendations by pinoy passengers during her flights which makes me proud as a husband of course. There was one time nga na pinahiram pa ni wifey ng shirt ang isang babaeng pasahero kasi nasukahan ng anak nya during the flight. Na share ko lang po mga kababayan… peace po.
At totoo po, karamihan po ng FA sa international ay senior na kasi lahat ng new and young recruits ay sa domestic flights ang punta as training ground. Seniority kasi ang pinaiiral sa PAL. Pero madami na rin young FAs sa international kasi na-upgrade sila from domestic due to increasing international flights. Pero people kung nasakay na kayo sa quantas, super gurang na ang mga FAs, may mapuputi na nag mga buhok hehehe.
Peace sa lahat.
…you keep carrying that anger, it will eat you up inside…
for give and forget, let karma take care of the bwakananginang yon.
hi bat! I’m linking this to my blog! Just letting you know. Yoko makulam. 🙂
i have also the bad day with PAL. this is not related to your topic but i just want someone to discuss about this.
i bought the ticket at the bacolod silay airport for manila-bacolod flight. i wrote it on the piece of paper “manila-bacolod, last flight, march 31”. the ticket agent offered me the lowest fare which naturally i grabbed the chance.
she booked me on the said flight & advised to me to go on the cashier to pay for the ticket. the said ticket was not hand over to me directly. i proceed to the cashier and he get the ticket from the agent.
i admit negligence on my part, that i didnt check the ticket before i leave. i just get it and check in the airport as that day i was bound to depart from bacolod to manila.
i had noticed that the wrong ticket was issued to me when i was already in manila. i get back to the ticket agent. she refunded my ticket, of course less all the penalties.
she also explained to me that she received complains same with mine.she said passengers are normally stressed with the traffic or might busy and not to notice such thing like my complain.
but i believe it is also the SOP that before printing out the tickets the agent should do the recap to the passenger. she also said that there might be 2-way mistakes happened. it might its my fault for giving the wrong info, we misunderstood each other or i provided the correct info & she committed the mistake.however on her end, there would be no mistake as its my responsibility to check my tickets.
yes, the important details has been highlighted on the ticket however, isnt it better if she did the recap, explain to me & make me understand every important details in my flight. might reading it made me confused.as she had explained, “normally passengers are too busy or stressed to notice the erroneous datas on the ticket”. and exactly it happens to me.
i asked her if it is possible for her to refund my ticket not to deduct the penalties but she didnt grant it. if she was saying there is a 2-way misunderstanding or mistake why is it on the end its all my fault. she said i should notice the erroneous datas within the ticket office for them to make necessary corrections without charges. if i had noticed it after an hour or 2, that is already subject to penalties. is she was saying she receives complains like this isnt it she’s not effective on the said post?
my bad, i lost 2000php with this bad day transactions i made.
1. of course i want my php2000 money back
2. further investigate on the bacolod silay sales agent if there would many complains same with mine, meaning she needs more effectiveness on her post
3. emphasize to do the recap about the ticket to the customer before they leave the ticket office.
4. be approachable enough
pare, para yun sa seguridad ng mgatao kaya ka hinarang…
sa mga airport ay talagang dapat istrikto…
hindi para sa seguridad ang kabastusan.
hay lagpad ilong ang mga flight attendant ng pal, luspad pagod ang pagka puti morag pinilit cguro uminom sila ng clorox kaya ayon pumuti…dapat kunin ng pal europeans para class…taas ilong
Pingback: Reverse racism