Mister I ain’t a boy no I’m a man

kinuhanan ako ng dugo nung friday ng umaga para sa up-coming kong doctor’s appointment. i’m not looking forward to the appointment kasi ito yung annual physical ko. bwakanginangyan, iniisip ko pa lang, lumiliit na ang betlog ko. ipapasok kasi ni doctor mary ang daliri niya sa pwet ko para sa prostate exam, and i hate people poking at my asshole (even if it’s done by a nice lady with a lubricated finger).

nagpunta ako sa lab na malapit sa bahay namin. first time ko rito dahil bagong lipat nga kami. medyo minalas ako dahil hindi masyadong marunong yung kumukuha ng dugo. masakit siyang magtusok at nagmamadali pa – parang gusto ko ngang sapakin.

iniisip ko nga na bumalik na lang sa dati kong pinupuntahan na lab dahil magaan yung kamay ng medical technician na mexicano roon. kaya lang, pag naroon ako, parati niya akong tinatanong tungkol kay manny pacquiao. kung hindi naman tungkol sa boxing, panay naman ang banggit niya tungkol kay jesus. born again kasi siya.

minsan, gusto ko ngang tanungin sa kanya kung sino ang mananalo kung biglang nagsuntukan si mohammad at si jesus.

14 thoughts on “Mister I ain’t a boy no I’m a man

  1. natawa ako dun sa “minsan, gusto ko ngang tanungin sa kanya kung sino ang mananalo kung biglang nagsuntukan si mohammad at si jesus”.har har har.

  2. Pag naglaban si Jesus at si Mohammad dapat atheist ang referee para neutral. Pero the following questions beg to be answered:
    – Saan kaya ang venue pag nagkataon? (Vatican and Mecca should both be out of the running to avoid any hometown decisions.)
    – Lalaban kaya si Jesus kung Sunday ang araw ng laban?
    – Sagutin kaya ni Jesus ang mga snacks at drinks for the multitudes who are expected to attend?
    – Will Mohammad insist on separate seating sections for men and women?
    – Who will provide the security for such an event?

  3. hindi nga yata kasama sa regular physical yung hernia test, pero oo naranasan ko na gawin sa aking betlog nung minsang nagpaphysical ako nung nag-apply ako sa isang trabaho sa pinas 10 years ago. hehe

  4. Excuse me po although it’s all just a joke pero with all due respect to idol Batjay and to all, wish ko lang po that the Holy and powerful name of our Lord Jesus was not used sa joke kung ‘di rin lang Siya nabigyan ng due praise and adoration. Anyways, wish ko lang po pero di naman po ito sa kung ano pa man.

    But of course, I understand naman that it’s all a joke. Still I like my idol Batjay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.