nag register na ako para sa rock and roll marathon sa san diego itong darating na june 1st. excited ako at takot at the same time. outside of kinky sex kasi, ngayon lang ako magiging involved sa isang extreme endeavor na kakailanganin ang aking physical capabilities.
Category Archives: MYSELF
Rest In Pieces
To see you smile underneath the sky of blue
nagpunta ako sa dentista last wednesday para lagyan ng bridge yung pagitan ng ipin ko sa kaliwang bagang. hindi ko alam kung para saan ito nung una, kaya tinanong ko sa dentista ko kung ang purpose ba ng bridge ay para makatawid yung tinga ko from one tooth to another.
wala, tiningnan lang niya ako ng masama na parang sinasabi sa akin – “hoy tangina ka, ang corny mo.”
That shape is my shade
habang tumatakbo ako kaninang umaga papunta sa opisina, ang “deacon blues” lang ang pinapakinggan ko sa iPod ng paulit ulit. mayroon kasi siyang cadence na bagay sa bilis ng pagtakbo ko, and it’s a great song to listen to any time of day.
They got a name for the winners in the world
I want a name when I lose
They call Alabama the Crimson Tide
Call me Deacon Blues
pag nalulungkot ako, pinapakinggan ko ito. pag masaya ako, pinapakinggan ko pa rin ito. it’s a song that you can play whatever mood you’re in and there’s no other one like it. at one point, inexplain ni donald fagen at walter becker ang pagkagawa ng kanta sa VH1 pero hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan ang mga lyrics. perhaps, it is just as well. there are some things that are better off, if it’s not totally understood.
The Color of Summer
Your nuclear boots and your drip dry glove
tinubuan ako ng sungay during the 80s. nung pumasok ang 1980, 15 years old ako at uhugin. when the decade ended in 1990, i was 25 and irrevocably changed. kaka graduate ko lang at may trabahong maganda. in a year or so, i would be happily married.
i hated the 1980s. di ko kasi gusto ang style ng damit: baston na maong na may zipper sa laylayan, technicolor crayon shoes, spikes, ang buhok ng mga babae ay korteng pagodang di mo malaman.
i loved the 1980s. lahat ng dapat kong malaman sa buhay ay dito ko natutunan. love, loss, lifelong friendships formed, virginity lost, found god, lost god, got education, exciting job, found true love.
IT IS THE STAR TO EVERY WANDERING BARK
happy anniversary mylab.
ngayon lang ata tayo nag celebrate ng anniversary natin ng naka bakasyon. all throughout our marriage, either nagtatrabaho tayo or walang masyadong pera para makalabas. it’s about time.
I thought that I heard you sing
pag ganitong tax season lumalabas ang kademonyohan ko at hindi ko tuloy mapigilang pag-isipan na itayo yung matagal ko nang binabalak na church group (i.e., “Saksi ni Phantom”).
maganda kasing negosyo ang religion: kailangan mo lang ay mensahe na kapupulutan ng aral at siguradong maraming tao ang lalapit at maniniwala sa iyo. para magbuo ng isang successful na simbahan, kailangan mo lang ng mga essentials, tulad ng:
- magaling na music ministry
- kaunting talent sa pagdasal (pray over epeks)
- isang sistema sa pagkolekta ng pera
- gimmick na wala ang mga ibang simbahan, katulad ng speaking in tongues na kunyare ay nasasaniban ka ng santo nino (“ala ala ala ala ala eh oh – mga kapatid, ako si santo ninyow!”)
THE GYPSY SWORE OUR FUTURE WAS RIGHT
dear FutureMe,
easter sunday ngayon, april 8, 2007. nag-iisa ako rito sa apartment dahil duty si jet at walang masyadong ginagawa kaya imbis na mag jakol ay sumulat na lang ako sa iyo. i’m sure you’re suprised to receive an email coming from a much younger you. nakalimutan mo na siguro na 20 years ago, bigla kang tinopak at sinulat mo ito, hoping that somehow, it will reach in you in the future.
it’s the year 2027 and you are now 61 years old. kung binabasa mo ito, rejoice! ibig sabihin ay malinaw pa rin ang mata mo and more importantly – buhay ka pa rin. packingsheet, how were you able to pull that off? nag work siguro ang pag hinto mo ng paninigarillo at hindi ka namatay dahil sa lung cancer.
I keep a close watch on this heart of mine
ang sabi sa mga health manual na kumakalat dito ngayon, kailangan mo raw maglakad ng 10,000 steps araw-araw para siguradong makita mo ang titi mo tuwing iihi ka (kung lalaki ka, siyempre). nakakaliit daw kasi ito ng tiyan. personal experience tells me na tutuo ito pero duda ako na kayang maglakad ng mga taga rito ng 10,000 steps a day, especially dito sa california kung saan kailangan mo pang gumamit ng kotse para pumunta sa sari-sari store, pag nautusan ka ng asawa mo na bumili ng suka.


