once upon a time, i was young and had a head full of hair. those days are long gone, my friends.
so is the hair.
naglalakad ako sa montreal nung makita ko ang sign na ito. may “Jay” kasi kaya naintriga ako pero di ko agad naintindihan kung ano ang ibinebenta. mayroon kasing suggestive picture ng isang babaeng may hawak na saging kaya nung una akala ko condom o sex toy ang tinitinda. rolling paper lang pala. naalala ko tuloy nung bata ako, ang isa sa mga paborito kong libangan ay dilaan yung rolling paper na tinatago ng kuya ko sa kuwarto niya. matamis kasi. matagal pa bago ko naintindihan kung saan ang gamit nito.
isa sa mga paborito kong kanta ang “karanasan” ng maria cafra. perfect example ito ng mahusay na pag balasa ng lead guitar at drums na makikita mo paminsan minsan sa mga gawang pinoy. 1978 nung lumabas ito at kahit walang subtlety sa lyrics ay nagustuhan ko agad ang kantang ito. subtlety? yeah, right. sino ba namang 12 year old ang maghahanap ng subtlety sa isang kanta.
nakikinig ako ngayon sa “rust never sleeps” ni neil young. all of a sudden i’m 13 years old and its 1979 again. music is a fucking time machine. it’s funny how memory works – naalala ko pa rin ang mga lyrics ng kanta, even if i haven’t heard it in 29 years. huli ko itong pinakinggan, first year high school ako at malapit nang maghiwalay ang mga parents ko. sanay na sanay na rin akong magjakol nung panahong ‘yon at nagsisimula nang magkaroon ng interest ang opposite sex sa akin. i remember everything.
nagsimula akong maging OFW nung layasan ko ang pilipinas para magtrabaho sa kasalukuyan kong kumpanya nung 2001. sa singapore ako unang based at apat na taon din akong nadestino roon. nung 2005, nagkaroon ng opening sa main office sa california at kinuha nila ako para dito naman magkalat ng katarantaduhan. malapit na kaming mag tatlong taon dito ni jet at seven years nang wala sa pilipinas.
una akong tinubuan ng buhok sa kili-kili nung grade 4. yun din ang panahon na una kaming nagkaroon ng interes sa kung ano-anong mga pansariling kaligayahan. parang ang aga ano? kaya nga yata maraming malabo ang mata sa age group ko.
kanina ko pa iniisip yung pinaka unang recollection ko ng pasko. hindi na masyadong malinaw dahil 40 years na ang nakakaraan at pag ginugunita ko ngayon ay para na siyang black and white video na out of focus: 1967, sa isang bahay na bato sa pasay city, nakahiga ako sa kahoy na sahig at kinakalikot ang laruang truck na niregalo sa akin habang sa paligid ko ay masayang nag-uusap ang buong pamilya. nung panahong iyon, 42 years old na ang mommy at daddy ko. exactly my age now. imagine that.
mura lang ang bilihin nung nag-aaral pa ako. ang baon ko nga nung 1988 ay 20 pesos a day. 10 pesos para sa dinner, 10 pesos na pamasahe sa jeep from novaliches to intramuros and back. dalawang sakay ako: talipapa hanggang blumentritt, tapos blumentritt hanggang city hall ng maynila. nilalakad ko na lang from city hall hanggang sa school. ayan, bigla tuloy akong nag senti mode at napatingin sa kalendaryo. putangina, halos 20 years na pala ang nakaraan simula ng mag graduate ako ng college.
habang nanonood ng “lipad, darna, lipad” sa black and white TV ng tambayan sa talipapa, novaliches:
miron: buti na lang si narda ang nakalunok ng mahiwagang bato, no?
batjay: bakit naman?
miron: eh kung si ding ang lumulon ng bato, ang magiging pangalan niya bilang superhero ay “Ganid”
ang pagbabalik-tanaw ng kaputa-putahang corny joke na ito ay hatid sa inyo ng Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal. subukan ang bagong sayote flavor na gawa sa kupal ng supot na taga baguio.