Category Archives: FAMILY
memories in bits and pieces, part 1
memories in bits and pieces, part 2
korean kimchi memories
isang linggo na akong nakatigil dito pero ngayong gabi ko lang nalaman na mayroon pala kaming HBO sa bahay. simula kasi umaga, hanggang gabi eh pinagpatong-patong na balita at telenovela and pinapanood dito sa casa angela.
naiinis na nga sa akin ang mommy ko, kasi ginagawan ko ng sariling bastos na dialog ang mga koreanong umaarte sa telebisyon. kadalasan kasi ang plotline ko ay tungkol sa paglagay nila ng kimchi sa pwet.
dear uncle nick
birthday nga pala ni unkyel nick ngayon, ang inspirasyon ng “dear unkyel batjay“. sabi ng mommy ko, pag hinarap daw ako sa daddy ko at nagpaligsahan kami ng boses, ako raw ay mistulang boses kike.
maraming pinalaglag na panty ang boses ni uncle nick. yan ang dahilan kung bakit libo-libo ang kapatid ko sa labas. BWAHAHAHA.
mommy is 89
birthday ng mommy ko ngayon. 89 years old na siya. sana patuloy siyang biyayaan para matagal ko pa siyang makapiling. tumawag ako kagabi sa kanya, maghahanda raw siya dahil may mga bisitang darating ngayon. buti naman.
dante’s old promo
listening to the old pinoy rock and rhythm promo done by howlin’ dave brings me back to a very safe place.
“ang pinoy rock and rhythm ang musika ngayon…”
howlin’ dave
Angela, the 88 year old Angry Bird Pig
happy 88th birthday, mommy.
thank you very much for giving me baon when i was younger (so much younger than today). naalala ko tuloy nung bata ako ay tinanong ko ang mommy ko kung saan galing ang mga baby. sabi niya sa loob ng tiyan daw.
sabi ko naman – “pati ako?”.
oo, pati raw ako ay sa loob ng tiyan galing.
“eh saan ako lumabas” ang follow up question ko.
sa pwet raw niya. hehehe.
i love you so much, mom. i wish i was there celebrating with you.
jay
Auntie Nana
si auntie nana ay nakakatandang kapatid ng mommy ko. idol ko siya kasi ang buong buhay niya ay inilaan niya sa pamilya. hindi siya nakapag-asawa at wala siyang anak pero ilang henerasyon ng angkan namin ang inalaagan niya’t inaruga. hindi siya nagtataas ng boses, parating nakangiti. parating iniisip ang ibang tao, bago siya.
nung lumalaki ako, siya ang takbuhan ko pag kailangan ko ng pera. di siya nagdadalawang isip, kahit gipit siya. pag kulang ako sa pansin, siya parating umaamo sa akin. nung nasa college ako, pupunta lang ako sa bahay niya sa pasay from mapua para makitulog at makikain. pag uwi ko, may iaabot pa siya sa akin na pamasahe. mahal na mahal ko ang auntie ko.
simula ng pinanganak ako hanggang ngayon, malaking bagay siya sa buhay ko. siya ang insirasyon ko kung paano mamuhay ng simple. mahirap itong gawin pero ginawa niya itong career. ang buong buhay niya ay puno ng kabaitan, kagandahang-loob at walang pag-iimbot. isa siyang tunay na mandirigma ng kabutihan and was a class by herself.
huli kaming nagkita nung umuwi ako last september. tuwang-tuwa siya pag nakikta ako kasi parati ko siyang pinapatawa. medyo nahirapan na nga akong pasayahin siya kasi medyo bingi na
pumanaw si auntie kanina. she was 91.





