Auntie Nana

si auntie nana ay nakakatandang kapatid ng mommy ko. idol ko siya kasi ang buong buhay niya ay inilaan niya sa pamilya. hindi siya nakapag-asawa at wala siyang anak pero ilang henerasyon ng angkan namin ang inalaagan niya’t inaruga. hindi siya nagtataas ng boses, parating nakangiti. parating iniisip ang ibang tao, bago siya.

nung lumalaki ako, siya ang takbuhan ko pag kailangan ko ng pera. di siya nagdadalawang isip, kahit gipit siya. pag kulang ako sa pansin, siya parating umaamo sa akin. nung nasa college ako, pupunta lang ako sa bahay niya sa pasay from mapua para makitulog at makikain. pag uwi ko, may iaabot pa siya sa akin na pamasahe. mahal na mahal ko ang auntie ko.

simula ng pinanganak ako hanggang ngayon, malaking bagay siya sa buhay ko. siya ang insirasyon ko kung paano mamuhay ng simple. mahirap itong gawin pero ginawa niya itong career. ang buong buhay niya ay puno ng kabaitan, kagandahang-loob at walang pag-iimbot.  isa siyang tunay na mandirigma ng kabutihan and was a class by herself.

huli kaming nagkita nung umuwi ako last september. tuwang-tuwa siya pag nakikta ako kasi parati ko siyang pinapatawa. medyo nahirapan na nga akong pasayahin siya kasi medyo bingi na

pumanaw si auntie kanina. she was 91.

 

12 thoughts on “Auntie Nana

  1. medyo madami na naman yung hahabulin ko dito sa blog nyo. nasa sept. 2011 na ako, as usual napapatawa na naman ako mag-isa in front of may pc : ))

    btw, my condolences to you and your family.

  2. nasasalamin ko ang Ate ko sa ugali ng Auntie Nana mo, walang asawa, taga pag alaga ng mga pamangkin, mabait, Relihiyo at never ko pa narinig na nagmura kahit minsan o kahit isang beses.

  3. nasasalamin ko ang Ate ko sa
    ugali ng Auntie Nana mo,
    walang asawa, taga pag alaga ng
    mga pamangkin, mabait,
    Relihiyoso at never ko pa narinig
    na nagmura kahit minsan o
    kahit isang beses.

  4. My deepest condolences to you and your family for your loss. May the Lord grant her eternal rest and comfort to the bereaved.

  5. condolence po, nice story about auntie nana, ako naman lumaking walang auntie beside me..

    i love reading your blog pag hindi busy sa office….

  6. meron din akong tita na hindi nakapagasawa and yet was really like a mother to all of us. i do treasure her kindness for all of us, her pamangkins and now, her apos.
    condolence po, sir batjay

  7. Nakikiramay po Unkyel Batjay,

    Isa po ako sa masugid ninyong taga subaybay. Salamat ng marami sa inyong walang sawang pagsusulat at pagbibigay ng kasiyahan sa iyong mga taga hanga.

    Sa pahahon ng pamimighati, kami rin po ay nakikiramay sa inyong kalungkutan.

    Sumalangit nawa si Auntie Nana

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.