dear mang boy,
ibang klase talaga dito sa amerika. biro mo pati mga kalbo eh may sariling tawiran. at di lang yon, wala silang pakialam kung ang kalbo rito ay babae o lalaki – lahat sila ay pwedeng tumawid.
nagmamahal,
unkyel batjay
bahaghari, isa sa mga paborito kong salita sa wikang pinoy. bahaghari, literally the loincloth of the king. siguro nung unang panahon, nung ang bayang magiliw ay pinamumunuan pa ng mga datu eh ang mga makapangyarihan lamang ang pwedeng magsuot ng makulay na bahag.
mahirap nga namang makahanap ng telang puno ng kulay upang makagawa ng bahag kasi nung panahong iyon, hindi pa naiimbento ang divisoria.
pinoy lang siguro na ipinanganak sa pulo-pulong lupa ang makakapag-kabit ng munggo at kanin sa isla. ginisang munggo – pagkasarap sarap na pagkain. pag umuulan at medyo malamig, ito ang takbuhan ko, lalo na’t kung ako’y nasa bayang magiliw. siguro, kung sabihan ako ni baby jesus na mamamatay na ako bukas, isa ito sa kakainin ko sa aking huling hapunan.
dito sa amerika, makakabili ka ng munggo, at halos lahat ng rekado na kailangan mo para makaluto ay makukuha mo sa suking tindahan para sa mga asyano. ang isa lang na hindi ko makita ay ang pansahog na gulay. kadalasan sa pilipinas, ang ilalagay natin ay dahon ng malunggay o kaya ng ampalaya. mahirap yan hanapin dito kung kaya’t, dahil tayo ay mga eksperto sa “bahala na” eh naghahanap tayo ng alternatibo. ang ginagamit ko sa aking ginisang munggo ay spinach o kaya ay arugula.
sa mga classified ads ng mga diyaryo sa pilipinas, nakalagay pa ba ang “with pleasing personality” sa mga kwalipikasyon?
mahusay ang pagtanggap ng mga kano sa libro ni mia alvar kung kaya’t binili ko siya agad. makikita ko kaya ang sarili ko sa mga tauhan niya? sana.