pinoy lang siguro na ipinanganak sa pulo-pulong lupa ang makakapag-kabit ng munggo at kanin sa isla. ginisang munggo – pagkasarap sarap na pagkain. pag umuulan at medyo malamig, ito ang takbuhan ko, lalo na’t kung ako’y nasa bayang magiliw. siguro, kung sabihan ako ni baby jesus na mamamatay na ako bukas, isa ito sa kakainin ko sa aking huling hapunan.
dito sa amerika, makakabili ka ng munggo, at halos lahat ng rekado na kailangan mo para makaluto ay makukuha mo sa suking tindahan para sa mga asyano. ang isa lang na hindi ko makita ay ang pansahog na gulay. kadalasan sa pilipinas, ang ilalagay natin ay dahon ng malunggay o kaya ng ampalaya. mahirap yan hanapin dito kung kaya’t, dahil tayo ay mga eksperto sa “bahala na” eh naghahanap tayo ng alternatibo. ang ginagamit ko sa aking ginisang munggo ay spinach o kaya ay arugula.