0.01 of an inch of rain in los angeles. tangina, mas malakas pa ang tulo ng ihi ko rito eh.
nagpa ultrasound ako ng leeg para ma check ang carotid artery ko. pagkatapos ng procedure, tinanong ko sa technician if it’s a boy or a girl. natawa siya.
mayroon kaming kapitbahay na mga stormtrooper: ang magasawang arjun at selena.
unang nagkakilala sina arjun at selena sa buwan ng endor, nang mahuli sila ng mga ewok na nagnanakaw ng pakwan. dalawa ang naging anak nila – si hapreet at gulana. lumipat ang pamilya dito sa irvine kasi maganda ang school system at walang masyadong crime.
winagayway ni mang ben ang isang buwig na cilantro habang kumakanta ng hosana sa kaitaasan. magluluto kasi siya ng shrimp burrito at gusto niyang pangaralan si baby jesus bago siya magsimula.
Captain Sum Ting Wong
Wi Tu Lo
Ho Lee Fuk
Bang Ding Ow
any 12 yr old would know that these are not the names of the pilots of that downed asiana flight. tangina nyo, KTVU. pinatawa tuloy ninyo ako sa trahedya na ito.
ang dahilan kung bakit gusto kong maging astronaut ay para makanta ang “space oddity” ni bowie from outer space. kaya lang, nalaman ko na ako’y color blind at ang pangarap kong maging astronaut ay naunsyami.
pero salamat kay commander hadfield dahil tinutuo niya ang pangarap ko. i now live my dream vicariously through him.
nagtitimpi akong batukan yung nakasalubong kong may bonnet sa ulo na gustong magmukhang cool kahit nasa kalagitnaan ng heat wave.
kakatapos ko lang basahin ang “waging heavy peace” ni neil young. kakaiba ang pagkasulat nito dahil ang pakiramdam mo eh para ka lang nakikipagkwentuhan kay neil sa tambayan, tungkol sa kung anong topic lang ang pumasok sa kukote mo: rambling, puno ng digression at non-sequitur.
pagtapos ng libro ni neil young, bigla kong binalikan ang “harvest moon“, isa sa mga paborito kong kanta niya.