Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

Rice Island in the South Munggo Sea

Munggo Sea

pinoy lang siguro na ipinanganak sa pulo-pulong lupa ang makakapag-kabit ng munggo at kanin sa isla. ginisang munggo – pagkasarap sarap na pagkain. pag umuulan at medyo malamig, ito ang takbuhan ko, lalo na’t kung ako’y nasa bayang magiliw. siguro, kung sabihan ako ni baby jesus na mamamatay na ako bukas, isa ito sa kakainin ko sa aking huling hapunan.

dito sa amerika, makakabili ka ng munggo, at halos lahat ng rekado na kailangan mo para makaluto ay makukuha mo sa suking tindahan para sa mga asyano. ang isa lang na hindi ko makita ay ang pansahog na gulay. kadalasan sa pilipinas, ang ilalagay natin ay dahon ng malunggay o kaya ng ampalaya. mahirap yan hanapin dito kung kaya’t, dahil tayo ay mga eksperto sa “bahala na” eh naghahanap tayo ng alternatibo. ang ginagamit ko sa aking ginisang munggo ay spinach o kaya ay arugula.

mayflies enjoy every orgasm

ang buhay ay may pirming sukat. ito ang dahilan kung bakit dapat habang narito ka’t naglalakad sa mundo eh gagawin mong lahat ng magagawa mo para magkaroon ng kuntento at masayang paraan ng pamumuhay, walang atraso kahi’t kanino, matuwa sa bawat subo ng pagkain at magjakol araw-araw.

mayflies

hubad-hubad

3574638555_b3a3a423df_onung bata kami ni Dennis Dalusong, parati kaming nakahubad (oo mang boy, once upon a time, lumakad kaming hubo sa mundong ibabaw). mainit kasi sa pilipinas at sa tingin ko, gustong ipakita ng mommy ko ang katawan naming pang romansa at ang kili-kili naming may libag.

naalala ko pa nung kinuha ang larawang ito. kung di ako nagkakamali, ihinatid namin sa airport si tiyong anas, ang uncle kong matulis. pupunta siya sa barko niya.

merchant marine si tiong anas. pogi, matangkad, chick boy, nakakatawa. siya yung tipo ng lalaki na lapitin sa mga chicks at kung ika’y lalaki, gusto mong kaibiganin. malapit siya sa daddy ko at idol ko silang dalawa.

kakamatay lang ni tiong anas. kung may dako pa roon, siguro kasama niya ang daddy ko ngayon. nambababae siguro  ang mga matutulis.