bihira lang magkaroon ng bulalo sa mga american supermarket kaya nung nakakita ako nung sabado ng umaga ay bumili agad ako. ginawa kong bulalo steak para simple lang lutuin. budburan mo lang ng paminta at kaunting asin ang buto, sabay salang sa grill. first time ko lang itong ginawa sa buong buhay ko pero ok naman ang kinalabasan. sa tingin ko nga eh isa ito sa mga lutuing bobo. in other words, tanga ka na lang talaga kung niluto mo ito at palpak ang kinalabasang lasa.
Author Archives: batjay
An endless stream of cigarettes and magazines
mga bagay na nami miss ko sa pilipinas:
- san miguel beer lite – may nabibili rito sa amerika na san miguel pero iba ang lasa. iba kasi ang timpla ng export quality at mas maraming arte silang nilalagay. i know, kasi dati kong customer ang san miguel at tumulong ako sa pag gawa ng brewery nila sa polo at davao. ang joke nga namin nung araw eh kaya masarap ang san miguel beer na gawa sa polo ay dahil yung ginagamit nilang tubig ay galing sa tullahan river. in any case, isang case ng SMB lite na may maraming nakakamatay na pulutang pinoy, kasama ng barkadang masaya ang hinahanap hanap ko parati rito sa amerika.
I remember the thirty-five sweet goodbyes
mura lang ang bilihin nung nag-aaral pa ako. ang baon ko nga nung 1988 ay 20 pesos a day. 10 pesos para sa dinner, 10 pesos na pamasahe sa jeep from novaliches to intramuros and back. dalawang sakay ako: talipapa hanggang blumentritt, tapos blumentritt hanggang city hall ng maynila. nilalakad ko na lang from city hall hanggang sa school. ayan, bigla tuloy akong nag senti mode at napatingin sa kalendaryo. putangina, halos 20 years na pala ang nakaraan simula ng mag graduate ako ng college.
So I jumped on the fence and yelled at the house
ang world famous sign sa interstate 5 papuntang san diego. kinuhanan ni jet ang picture na ito nung nagpunta kami sa carlsbad. ang ibig sabihin ata nito ay “WARNING: illegal mexicans crossing“. marami kasing mga tumatawid dito sa freeway na mga galing sa kabilang bakod kaya nilagay ang sign na ito.
Laughing on the bus, playing games with the faces
four years in singapore, two years in california. yan ang summary ng buhay ko bilang OFW, so far.
maraming mga highs – nabayaran namin in full ang bahay sa antipolo, nakapag travel kung saan-saan, tumaba at pumayat, nagkaroon ng pagkakataon para mabuhay ng medyo masagana, nakakatulong kami sa pamilyang naiwan namin sa pilipinas at naging mas close ang relationship naming mag-asawa dahil kami lang ni jet ang magkasamang dumidiskarte sa kung ano-ano ang mga dapat naming gawin para mabuhay sa isang bansang umampon sa amin.
Long haired freaky people need not apply
kinuhanan ko ito habang nakasakay sa isang bangka sa china. ang gusto ata nilang sabihin dito ay “huwag kang sasakay (o bababa) sa bangka habang nasa gitna pa ito ng tubig.”
Out in the streets of a runaway American dream
nag enjoy ako ng husto sa race for the cure nung linggo sa newport beach. sumama rin si jet kahit galing sa duty kaya tuwang tuwa ako. sabi sa balita, mahigit 30,000 daw ang pumunta roon para mag raise ng cash para sa breast cancer research.
Little pink houses for you and me
two years na kami ni jet dito sa california. one year na kaming may green card. di na magtatagal, pwede nang mag apply para maging amerikano. pag wala nga akong magawa, imbis na magjakol ay iniisip ko ang advantages ng kulay asul ang passport.
Starts with an earthquake, birds and snakes
The midnight moon is on the riverside
dear unkyel batjay,
gusto ko lang pong malaman kung bakit mas matagal tumubo ang kuko sa paa kaysa sa kuko sa kamay?
nagmamahal,
gentle reader



