Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

Here comes the organ grinder

lumipat ako ng bagong pwesto rito sa opisina. tinambakan kasi ako ng mas maraming trabaho at ang regalo sa akin ng boss ko ay mas malaking working space. kunswelo de bobo, alam ko. ang kagandahan lang nito ay nilagay niya ako sa liblib na lugar sa building kaya pwede akong magpatugtog ng music. kinakabit ko lang yung ipod sa speakers pagdating ko sa umaga at ok na ako for the rest of the day.

Continue reading

The BatJay Chronicles, Part 4 of 6

Natunton na rin niya sa wakas pero hindi niya alam kung ano ang dadatnan kaya dahan-dahan siyang pumasok sa kwartong pinang gagalingan ng amoy.

4/6: Hindi niya alam kung ano ang dadatnan kaya dahan-dahan siyang pumasok sa kwartong pinang-gagalingan ng amoy na iyon

Silhouette lang ng taong may sungay ang naaninag natin sa bukana. Kung bakit naman kasi nag costume pa’t maskara ang bwakangina eh alam naman niyang napakainit sa Pilipinas.
ITUTULOY NA NAMAN

I bit into the root of forbidden fruit

ang tawag ng mga mexicano sa singkamas ay jicama. sabi sa wiki, native daw ang singkamas sa central america. ibig sabihin, yung mga kastila ang nagdala sa pilipinas nito. malamang sinakay sa galleon para mayroong pagkain na mayaman sa tubig ang mga pasahero. may kalayuan din naman kasi ang distansya ng acapulco sa maynila at magandang pantawid uhaw at gutom ang singakamas. isa pa, kung ikaw yung kapitan ng galleon ay pwede mo rin ipalo yung matigas na singkamas sa ulo ng mga may balak mag abandon ship.

Continue reading

The BatJay Chronicles, Part 3 of 6

Gamit ang kanyang matalinhagang kapangyarihan sa pang amoy ay natunton niya kung saan ito nanggagaling. Pupuntahan niya ito.

3/6: Gamit ang kanyang matalinhagang kapangyarihan sa pang amoy, tahimik niyang tinalon ang pagitan ng dalawang barong barong para di siya makita o marinig ng mga kalaban

Kaya kahit malaki ang tiyan niya ay tahimik niyang tinalon ang pagitan ng dalawang barong barong para di siya makita o marinig ng mga kalaban. Muntik na siyang madapa.
ITUTULOY ULIT

My soul checked out missing as I sat listening

ano ba sa pilipino ang “i have to make the most out of my life now”? yan kasi ang parati kong sinasabi sa sarili ko lately. kasi, isip-isip ko, when this is all over and done, wala nang next time. who knows what comes after death. it probably is, for all intents and purposes (what a fucking catch phrase), game over.

maiba ako. napanood ko na naman yung leap of faith video ni springsteen kanina. this song always inspires me.

The haunting hunted kind

dear unkyel batjay,

sinabi raw po ng mga officials ng department of health na masama raw po sa kalusugan ang ginagawang pagpapako sa krus ng mga pilipinong penitente pag biyernes santo. ano po ang masasabi ninyo rito?

nagmamahal,
gentle reader

Continue reading

A life of leisure and a pirate's treasure

buhay ng namamasukan sa amerika: you’re deepshit in work at ang una mong iniisip sa umaga ay kung ano ang gagawin mo sa opisina, kung ilang meeting ang pupuntahan, at kung ano-ano ang dapat mong ihanda. pagtapos ng trabaho, uwi ka sa bahay, kain, nood ng tv sandali, tapon ang basura, kuha ng mail at gawin ang kung ano-ano pang mga domestic na gawain. routine mo ito araw-araw ad nauseum hanggang sa hindi mo na namalayan, a lifetime has passed.

ayokong mangyari ito sa akin and as god is my witness (scarlett o’hara expression ko lang ito, wala naman talaga akong diyos eh), i am making a very serious effort to enjoy my life even if it kills me.

A life of leisure and a pirate’s treasure

buhay ng namamasukan sa amerika: you’re deepshit in work at ang una mong iniisip sa umaga ay kung ano ang gagawin mo sa opisina, kung ilang meeting ang pupuntahan, at kung ano-ano ang dapat mong ihanda. pagtapos ng trabaho, uwi ka sa bahay, kain, nood ng tv sandali, tapon ang basura, kuha ng mail at gawin ang kung ano-ano pang mga domestic na gawain. routine mo ito araw-araw ad nauseum hanggang sa hindi mo na namalayan, a lifetime has passed.

ayokong mangyari ito sa akin and as god is my witness (scarlett o’hara expression ko lang ito, wala naman talaga akong diyos eh), i am making a very serious effort to enjoy my life even if it kills me.