dear unkyel batjay,
sinabi raw po ng mga officials ng department of health na masama raw po sa kalusugan ang ginagawang pagpapako sa krus ng mga pilipinong penitente pag biyernes santo. ano po ang masasabi ninyo rito?
nagmamahal,
gentle reader
__________________
dear gentle reader,
oo naman dahil kung hindi masama sa kalusugan ang pagpapako sa krus eh di sana wala tayong biyernes santo ngayon.
ingat,
unkyel batjay
i have nothing against it..siguro dahil isa kasi yung bahagi ng kultura ng Pilipino..Although for others wala naman talaga itong basis for salvation..Do you believe in Jesus Christ tito Batjay? Why?Why not? in what way??
yung flagellation na pag penitensya is a very ancient tradition. in my mind, a physical taking away of guilt. yung mga shia muslim, may similar din na practice.
I couldn’t believe na pati mag-sunblock ay pinagadvice ng DOH! O, kaya satirical report yung nabasa ko…:-/ Baka yung nagpepenitensiya sa may beach yung tinutukoy nila?
tama naman ang DOH. if you’re going to flog yourself in the middle of the day, you might as well wear sun block. at the very least, kung mag kakaroon ka ng sugat, siguradong hindi ito dahil sa sun burn.
i love the last sentence in the AFP article:
only in the philippines could this make sense.
diyan ba sa us may easter monday holiday din? dito sa amin mayroon pang easter tuesday pero sa iskul lang yung holiday na to
wala.
good friday nga sa california ay may pasok. puro mga pagano kami rito.
They should do a research on how many people get infected or are taken ill due to the practise. Otherwise, ano effect nang reminder sa mga taong malalakas ang pananalig na di sila mapapahamak, may salvation pa.
interesting.
kung nasa medical field ako, i’d do that medical study. kung anthropologist naman ako, i’d do a study on why people do it.
waaaaaaaaah! masakit yun… pero sa totoo lang hindi naman masama dahil sinaunang paniniwala pa yun ng mga Katoliko. at tsaka pang-alis na rin ng guilt nila siguro iyon sa mga kasalanang nagawa nila. pero tama kailang na i-sterilize yung mga pakong ginagamit… mabuti na ang nag-iingat.
Kuya Batjay. Bumili na rin ako nung Dilaw na Libro mo. YOU ROCK!
salamat sa pagbili ng libro, kabayan. at oo, pag magpepenitensya ka ay ibabad mo muna sa alkohol ang pako.
kung pakiramdam nila’y guilt free na tlaga sila after maipako ok lang pero kung ang intention is for public display lang, magpapako nlang sila ng boung taon…
pahabol lang po, out of respect magpaalam lang na ilalagay kita sa blogroll ko…
waah! sakit nun ah. sino ba kasi nagpauso na magpapako rin sa krus? sino kaya ang unang pinoy na napako sa krus? pero dpat nga talaga sterilized muna pako bago ibaon. hehe
gusto ko sanang i-suggest na magpalibing din sila sa kweba ng tatlong araw pagkatapos magpapako sa krus para kaunti lang ang mga volunteers pag holy week.
maganda rin wisikan ng alcohol yun sugat nila para refreshing. at list sterilized din yun sugat hindi lang yun pako.
may the blessed holy week gives us the true meaning of Jesus Christ’s suffering on the cross so we may be saved from sins. Happy Easter!
Brod, pagans do have gods (stones, gold images and the like which they worshipped) but atheist like most americans don’t have. I hope you won’t be sucked to their ways. God bless.
Bong
kung may diyos man ang mga pagano, wala pa rin silang good friday.
Siguro tama si unkyel.Physical manifestation of guilt and sacrifice lang ang pag pepenitensya. Para naman maiba di ba?instead na spiritual flagellation, un na lang physical.Di ba an mga Puritans sa Mayflower ganon din?Nahuli lang ang Pinoy ng 3 centuries.hehe.Happy Easter uli sa mga kabayan!
hindi naman tayo nahuli – tayo lang ang isa sa mga kultura na hindi huminto sa self flagellation.
Ay oo nga pala. Mabuti nga at na-retain pa natin ang ibang tradition and practices natin. It’s part of what makes us truly Pinoy.
“tayo lang ang isa sa mga kultura na hindi huminto sa self flagellation.”
It’s either that or subconsciously there lurks a masochist inside us.
“I dreamed I met a Galilean,
A most amazing man,
He has that look,
Rarely, rarely find….”
I got an LP, the Broadway version.
pilate’s dream, my favorite JC Superstar song. panoorin mo ang version ko – http://youtube.com/watch?v=vX76sUxSq0M
jay
Wow, ala Barry White doing a ballad. You rock man!
Your rendition and outfit brings back memories. During college days, my friends and I often went to Father Moustache in Ermita after our finals to unwind. I always fell nostalgic when ever I hear those classics.
Thanks Jay
Anak ng tokwang, “feel” hindi “fell”. Sorry for the typo.
di ba patay na si barry white.