Here comes the organ grinder

lumipat ako ng bagong pwesto rito sa opisina. tinambakan kasi ako ng mas maraming trabaho at ang regalo sa akin ng boss ko ay mas malaking working space. kunswelo de bobo, alam ko. ang kagandahan lang nito ay nilagay niya ako sa liblib na lugar sa building kaya pwede akong magpatugtog ng music. kinakabit ko lang yung ipod sa speakers pagdating ko sa umaga at ok na ako for the rest of the day.

ang isang maganda sa electronic music player ay pwede mong gawing random ang playlist mo. ginagawa ko ay nilalagay ko sa random selection ang mga kanta at bahala na kung ano ang tutugtog na musika. kadalasan, yung kantang tumutogtog ay appropriate sa mood ko. hindi ko alam kung paano ito nangyayari. siguro may magic yung iPod ko.

tulad ngayon, habang nakikinig ako ay biglang tumugtog ang instrumental version ng “maalala ala mo kaya”. bigla tuloy akong napatigil sa ginagawa ko. naalala ko ang daddy ko. theme song kasi ang kantang ito sa radio show niya nung araw at tuwing isinasama niya ako sa station ay ako ang taga salang ng mga plaka.

malimit ko siyang maalala ngayon pero wala naman akong magawa kasi matagal na siyang umalis. tuwing naririnig ko nga yung mga kaibigan ko na nagrereklamo na hindi nila kinakausap ang mga tatay nila dahil sa hindi pagkakaintindihan, minsan naiinis ako. gusto kong sabihin, bwakanginangyan, buti nga buhay pa tatay ninyo. maraming atraso ang daddy ko pero aakapin ko siya kung buhay pa siya ngayon.

34 thoughts on “Here comes the organ grinder

  1. ganun talaga kuya bat jay.. hindi talaga naten ma-appreciate truly yung di pa nawawala saten..

    dont get me wrong, i love my dad. and i think he’s cool and i appreciate everything that he has done for me and for the family, pero minsan, i think, sana he was cooler, like taking us on trips or going out on family days.. but i love him.. very much at that.. hehehehe

    parang nawala yung argument ko.. toinks!

  2. thanks bro for reminding me about my dad. i’m actually not very close to him as we drifted apart through the years and even fought a lot) but i love him just the same.

  3. music talaga has a way of releasing all forms of memories. Mukhang effective worker ka , Batjay, kaya mas malaki ang opis mo ngayon. Ganyan din ang promotion ng isang kapatid ko—pinalaki yung kuwarto niya at lahat ng amenities ng isang exectuive ibinigay…puwera raise sa suweldo! Ano nga uli yung favorite expression mo?…bwakanginangyan!

    Ibinigay ko rin ang blog mo sa tatay ko…minsan pareho kayo ng humor—yung toilet humor :-D.

  4. love them while they are still alive, that’s what i always say.

    i know the Taj Mahal is a great fucking monument. i’ve seen it myself twice. but it’s no good because the queen was dead already when it was built and she wasn’t able to see the testament of the king’s love for her.

    you can say it was built after the fact.

  5. Minsan may tampo rin ako sa erpat ko pero hindi ko pinatatagal. I reach out to him to talk things over o kaya eh hindi ko na lang binabanggit na ang pinag-awayan namin. We just move on.

    Magka-iba ang aming dinaanan sa buhay at kaya naman naging magka-iba rin ang aming prinsipyo. He doesn’t know it pero I’ve unilaterally and silently agreed to disagree with him. No use na makipag-away pa because in the overall scheme of things, maliit lang naman ang mga bagay na pinag-aawayan namin. Hindi naman niya kami pinabayaan at naging tapat naman siya sa ermat ko. Thus, life’s too short for any heated and protracted arguments with him. I agree with you na mabuti pang i-enjoy ang times niyo together. That’s how I see it.

  6. oh well, matagal na rin akong nagbabasa ng blog mo sir batjay, eto nga kahit nasa liblib na lugar dito sa africa eh medyo nakukuhang maaliw dahil sa blog mo at yung mga contribution ng mga readers mo. konting excerpt ng kanta na naalala ko tungkol sa topic mo ngayon.

    I wasn’t there that morning
    When my father passed away
    I didn’t get to tell him
    All the things I had to say.
    I think I caught his spirit
    Later that same year
    I’m sure I heard his echo
    In my baby’s new born tears
    I just wish I could have told him
    In the living years

    Say it loud, say it clear
    You can listen as well as you hear
    It’s too late when we die
    To admit we don’t see eye to eye

    Mike and the Mechanics – The Living Years.

  7. THANK YOU – i love the lines of the song. very heartfelt but very intelligent lyrics and that’s a good combination.

    ingat diyan sa lungga mo, kabayan at salamat ulit sa pagdalaw mo at pag comment.

  8. oo nga. Sana nga hindi pa huli at magkasundu-sundo na sila no? MAhirap ang me regrets sa buhay. Kung bakit kasi we only learn the value of something or someone pag wala na ito.

    Anyway, sarap namang magtrabaho dyan. Para ka lang nagtatrabaho sa bahay na me background music at walang pakialam sa paligid-ligid. Sana ako din. 🙂

  9. erpats?….. na-appreciate ko talaga ang ginawa nya sa family namin ….now that i’m raising my own family…..he’s just an ordinary employee in a small company…but i’m proud to say….lahat kami ay napagtapos ng pag-aaral………mahirap pero fulfilling (peyborit term ng ating skulmeyt)…

    music?….bakit nga ba pag nagkaka-edad ang tao eh ayaw na ng malakas (full volume) music….isa na ako dito..he he he… ewan ko nga ba….

    congrats ulit….see you in manila

  10. There are just times when you’d wish you could turn back time. I was not really close to my Dad. I was even holdin’ grudges and we would argue. Then one time, he didn’t anymore wake up…

    Pero sabi mo nga, wala na tayong magagawa. Just have to move on and move forward.

  11. My kin tells me “carbon-copy” (looks and behavior) daw ako ng erpat ko. But we always differ in almost everything, from political leaning to philosophy in life. Arguments are not uncommon between the two of us.

    I’m a middle child in a brood of 3. You can’t say that my siblings are financially challenge, but as I see it, he seems to favor them more than me. His reason – “Mas nakakariwasa ako kaysa sa mga kapatid ko”. It’s his property so kahit masakit, I have to respect and abide to his decision. The funny thing is he confides to me where his savings are and to use part of it for his burial. I think he consider me an extension of himself. He knows I’ll do the right thing and be fair.

    Because of that trust, I’m honored and proud to be his son.

  12. ganun siguro talaga, di natin marerealise yung importansya ng isang tao kapag buhay pa sya.
    my papa isn’t perfect. what i do is to look past his imperfections. tao lang naman sya at nagkakamali. saka mahal ko ang papa ko kahit meron di silang pagkakaunawaan ni mama.

  13. hello bro,

    i am still lucky dahil my dad is still around. he will be 80 years old this coming october. he is still in top shape for his age and i’m very happy about it. only problem is pabling pa rin at his age. totoo talaga ang kasabihan “walang tuta na nauulol”!

    congrats sa promotion (kung promotion nga iyan na walang increase).
    looking forward to seeing you on 14 april.

    tol, please don’t forget your mom dearest (no matter how busy u will be).

    have a safe flight home!

    all the best…….bong

  14. Bat Jay,

    Wow !! Galing ng blog mo pare….i just stumbled on it and liked the humility and the honesty….Try kung makabili ng book mo pag uwi ko ng Pinas..meron kaya niyan sa mga bookstore sa Iloilo??? btw im here in Dubai…daming kabayan dito…Pinoyz are the third largest community in UAE….at dami rin kaming na mimiss na erpats sa Pinas!!

    Keep your cool pare!!!

  15. thank you kabayan.

    baka available na sa national bookstore sa ilo-ilo ang 2nd book by the time you arrive. i am confident that the 1st book is already there. kung wala, pabili ka na lang pag may lumuwas ng maynila.

    ingat at goodluck.

  16. Reminds me of the old Harry Chapin song, The Cats In the Cradle…

    “Well, he came home from college just the other day
    So much like a man I just had to say
    “Son, I’m proud of you, can you sit for a while?”
    He shook his head and said with a smile
    “What I’d really like, Dad, is to borrow the car keys
    See you later, can I have them please?”

    Ngayong it’s my turn to raise a family at tsaka pa lang kami ni misis natauhan. Almost everyday dumadaan ako kila epa (Hindi Jay, hindi dahil lang sa Nanay’s home sytle cooking…bwahahaha), you know what I mean!
    Tatay, being a merchant marine from ever since we’ve known it eh! we needed every freaking minute of the day to catch up. Right? sabi nga nung song mentioned above…from tatay’s point of view,

    I’ve long since retired, my son’s moved away
    I called him up just the other day
    I said, “I’d like to see you if you don’t mind”
    He said, “I’d love to, Dad, if I can find the time
    You see my new job’s a hassle and kids have the flu
    But it’s sure nice talking to you, Dad
    It’s been sure nice talking to you”

    Hassle sa trabaho will always be there regardless, pero as much as I hate to freaking say it, like it or not pinsan, we are almost the elders in our clan…right? nah! left bro! kahit matanda ako sayo sa dahilang mas matanda si tyang lita kay epa mas matanda ang dugo mo sa akin kaya ikaw ang elder ko. NICE!

    Ika nga eh!
    I cant remember all the times I tried to tell my myself
    To hold on to these moments as they pass…

    oppss! si amo nakatingin sa akin, hotrabs muna! shit huli ata ako (:-/

    Love ya’ cuzz
    -Imo

  17. wow, ang layo na ng narating ng pagbabasa mo pinsan. i love cats in the cradle – it’s a song that always reminds me of what it takes to raise a family. you’ve done well in that department – your 2 kids are great.

    luv ya right back!
    jay

  18. hello po. i just want to tell u na addict na po ako magbasa ng mga blogs nyo and i really admire how you love your parents, family especially your wife. un lng po.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.