I bit into the root of forbidden fruit

ang tawag ng mga mexicano sa singkamas ay jicama. sabi sa wiki, native daw ang singkamas sa central america. ibig sabihin, yung mga kastila ang nagdala sa pilipinas nito. malamang sinakay sa galleon para mayroong pagkain na mayaman sa tubig ang mga pasahero. may kalayuan din naman kasi ang distansya ng acapulco sa maynila at magandang pantawid uhaw at gutom ang singakamas. isa pa, kung ikaw yung kapitan ng galleon ay pwede mo rin ipalo yung matigas na singkamas sa ulo ng mga may balak mag abandon ship.

sabi ng mga kaibigan naming taga mexico, ang sawsawan daw nila sa singkamas ay pinaghalong asin, lime at chili powder. mukhang masarap ano? sa pilipinas naman, kadalasan ay suka at asin. kung titingnan mo, hindi rin nalalayo sa style ng mexicanong asim at alat. ang kaibahan ay walang anghang ang version ng mga pinoy.

nung bata ako, bagoong at asin ang paborito naming sawsawan sa singkamas. masarap ito kung igisa mo muna ang bagoong sa bawang at baboy pagtapos ay gawin mong toppings ang mainit na bagong lutong bagoong sa pinalamig na singkamas. putangina, iniisip ko pa lang, naglalaway na ako.

24 thoughts on “I bit into the root of forbidden fruit

  1. at hindi lang yun. ayun din sa kumare kong si Connie na misis ni Pareng David, dalawang version ang jicama sa mexico… yung maliliit na matatamis at yung gaya ng sa atin na malalaking neutral ang lasa. sana pagdalhan ako ni mareng Connie ng jicama dulce.

  2. singkamas at manggang hilaw ang peborit kong bilhin kapag uwian noong elementary at high school. lalagyan ng pagsarap sarap na bagoong (na kung minsan ay may bonus pang bangaw, kukutsarahin lang ni manong at itatapon na parang wala lang) at asin sa ibabaw.

    piso noon ang isang biyak ng singkamas, inuutang (hinihingi) ko pa ang pambili sa kaklase kong galante.

  3. naalala ko pa yung contrast ng puting singkamas at dark gray na bagoong. nakatusok sa barbeque stick at kinakain habang naglalakad sa kalsada. masarap talaga.

    yan maglalaway ka talaga.

  4. ako rin, masarap yan sa bagoong! πŸ˜€ mura lang ang singkamas sa pinas, 25 isang tali, at kung tutuusin e mahal na nga ito lalo na ngaung summer at ito ay nasa panahon. πŸ˜€

    kuya batjay, may pasok ako sa april 14 😦 pero wag kang magaalala, aabsent ako. hekhekhek :p

  5. maraming salamat. pagpunta mo sa launch, pakilala ka agad. gusto ko nga lagyan ng bagoong yung singkamas dito kaya lang di na ko pwede sa maalat.

    hoy kalbo – salamat sa dalaw. suka ba gusto ng misis mo? dalaw ka rin sa april 14 para makita kita ulit. sama mo si cynthia.

  6. gusto ko sa singkamas, pinaghalong patis, asukal at suka! Tapos, nasa may beach dapat ang lugar at puro lang tsismisan ang gagawin! .. kung may kasamang kamatis puwede rin!… para bang ensalada. Naglalaway na rin ako! πŸ™‚

  7. By sheer coincidence, kakabili ko lang ng singkamas nitong weekend. Hmmm…puwede palang gamiting sandata ang singkamas…masubukan nga sa ulo ni mister minsan…

    Seriously, tenk you at naalala ko tuloy na may singkamas pala ako; maibaon nga tuloy sa trabaho bukas…

    Ingat sila sa ‘yo!

  8. nakatikim ka na ba ng singkamas juice? sana may maka-imbento nun, nakakasawa na rin kasi tignan yung orange juice, pine apple juice, buko juice, at kung ano ano pang juice, juice ku po… lol…

    sana ikalat nila yung singkamas sa desyerto, para pag may naligaw na camel, instant tubeg… hmmmm….

    susubukan ko nga gumawa nung ice tubeg singkamas flavor, sarap siguro nun…

    napadalaw lang sir batjay! mabuhay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.