friday ng umaga, naglinis ako ng backyard na puno ng dahon dahil mahigit 2 weeks na akong hindi nagwawalis. proud na proud nga ako at binuhusan ko pa ang yard ng tubig para extra clean.
sabado, humangin ng malakas at pag gising ko ng umaga, puno na naman ng dahon ang backyard. ok lang, winalis ko ulit at binuhusan ng tubig kaya malinis na naman siya.
linggo ay humangin na naman at pag gising ko sa umaga, puno ulit ng dahon ang backyard. napamura ako ng mahina dahil parang walang silbi yung bwakanginang paglilinis ko. winalis ko ult at binuhusan ng tubig and if i may say so myself, i did a good job.
ngayong monday ay mas malakas ang hangin at… you guessed it right: puno na naman ng dahon ang backyard. mamayang gabi, ipapaputol ko yung tanginang puno sa likod ng bahay namin.
That’s the downside to fall weather, Pards. Nakakainis minsan talaga parang sayang ang pagod. I rake my leaves on weekends. Hinahayaan ko na lang mag-accumulate during the week.
Pards, give it time. Mag-e-evolve din ang mga puno na yan. Baka maging evergreen.
parang yung kanta ni barbra.
wala namang fall sa southern california. one day the leaves are green, the next day it’s brown and then the wind comes at puro kalat na sa paligid.
HAHAHAHA! ang cute mo Papa 😀
thank you mylab. dami ngang nagsasabi niyan. hehehe.
lab U.
jay
parang kahapon. naghugas ako ng tsekot, tapos kaninang umaga umulan. naputikan… putik na yan!!!
ang maganda naman ngayon sa pagpalit ng klima ay di na ako every other week nagpuputol ng damo sa bakuran. hehehe
hahaha…count your blessings, kapatid. Although, alam kong for literary effect lang yang pagrereklamo mo…:-) At least now, you own a tree, a piece of paradise rather than a cemented parking lot..remember that song?
Wag mo kasing araw-arawin ang paglilinis…sasakit likod mo, mapapamura ka nga..hahaha,,cheers! 😉
tol,
ingat sa plano mong pagputol ng puno. wala ka sa pilipinas. baka bawal diyan magputol ng puno ng walang permiso eh makalaboso ka pa. have a nice day brod!
regards….bong
of course, i remember the big yellow taxi song dahil isa ito sa mga paborito kong kanta – “they paved paradise and put up a parking lot.”
i am starting to find out that trees are like clouds. i look at them from both sides now.
Batjay,
Mukhang dahon lang sa backyard mo ang problem mo. Musta naman ang buhay diyan sa California ngayong may financial crisis daw diyan.
Regards,
Doc Mike
I totally agree with you about raking falling leaves. Not only you rake your own leaves but also leaves coming from your neighbors. Out here though, the compensating part of laborius raking is I enjoy the colorful autumn leaves before they fall on the ground; an awesome gift from Mother Nature.
hi unkyel! that is how i feel with the laundry in our house. i thought if i could only stay home and if i have more time, i will see the bottom of the laundry bins. i think that’s one of the reasons i felt really depressed the first month of being here in NC. i don’t have a job now, im now a sahm, and the friggin laundry bins are never empty, and i feel like a full time maid now as oppose to being part time in Napa. =P
hey mye: baka pagtagal, you’ll be able to get out of the house again. do you plan to work in NC?
hi carmela. buti nga diyan where you are, the leaves turn. dito, green to brown to kalbong puno. medyo delikado pa ngayon kasi may santa ana winds. maraming mga brush fires at mahirap mag drive dahil sa crosswinds.
financial crisis? malapit na sigurong tumama sa mga taga rito. actually, in full swing na yung housing slump kaya masama ang takbo ng economy ng california.
hahaha, nakuha mo rin ang solusyon ha. Actually, mas malaking linisan ata yun, kaya lang minsanan na lang ano?
ang usapan namin ni apach, to move here so i can spend more time with the kids, pero ganun pala yon, unkyel if you stop working for 20 something years, even if the last couple of years ive been crying to have more time with the kids, para talagang having the rug pulled from underneath me, why can’t i have this friggin cake and eat it, too? i feel really out of my elelment. so nadepress talaga ako. if im going to work, it will be part time – and when the kids are in school. if i can’t find work in couple of months, i may go back to school next sem, but i have to be able to drop off and pick up the kids in school.
oooh, and one thing more about shopping… apach hates to shop at w@lm@rt kasi daw they put his family out of business (they used to own 5 Steiners in NY back in the days). so we never shop at WM. i find that now that im poor, im loving the store, eff apach’s principles about not shopping there, im friggin poor now, and plus they actually have better produce than bi-lo’s or food lion’s. =P
oh, i meant when you stop working after having worked for 20 something years…=P argh..
lol, element….you know what i mean.
Pareho tayo magkaiba nga lang ng setting dahil nandito ako sa ‘pinas. Everyday nagwawalis din ako parati ng mga dahon at mga kalat ng mga patay-gutom na mga tambay dito sa aming barangay. Ang hirap talaga na ang bahay mo ay na sa tabi ng kalsada at may mga tindahan pa sa paligid.
Ang kalamangan ko lamang sa iyo may variation ang nililinis ko dahil minsa inaabangan ko rin ‘yung mga dumudura at umeebak na aso.
Hello Batjay ,
Been following your blogs. Nakakatuwa talaga…kaya napa blog na rin ako:)
Uso naman yata jan ang maraming dahon sa backyard. Maki uso ka na rin.
Yan ang nangyayari kapag napagod na sa “exercise in futility” – hahaha! 😆
Magandang araw, Mr BatJay!
exercise in futility. i love that term and i think filipinos love doing futile exercises as well. it’s counter productive sometimes but keeps us sane, i guess.
Dre, may article pala si Howlin Dave sa FHM Phil. October issue. Nabasa mo na ba?
hehehe ok lang yan, exercise din yun pagwawalis…..
hay naku, fafa.. kumuha ka ng leaf-blower, tapos iblow mong lahat sa kapitbahay yung dahon. hehehehe
oo nga, ibubuga ko doon sa kapitbahay kong lola na mahilig magreklamo.
ok na yan…wag lang snow… diba?
I knew that’s what you’re going to say!
Di bale, let it accumulate when it’s high enough pwede ka nang mag-dive in 🙂
hehehe. nagwalis na naman ako nung weekend. dalawang malaking plastic trash bags ng dahon.
oo nga ka junnie – dahon na lang. huwag nang snow.