pag tumama ako sa lotto, bibili ako ng dalawa.
ang tesla ay ang pinaka unang commercially available na electric sports car. mura lang ito, just slightly over $100,000. it runs on batteries and is really creepy dahil walang engine sound pag umaandar. pero sabi ko naman, wala yan sa lolo ko: yung makina ng kotse niya ay singer. natawa lang yung may-ari. tinanong ko nga kung pwedeng gamitan ng eveready flashlight battery. natawa lang yung may-ari. mabilis din siya, 0-60 miles in less than 4 seconds at ang top speed niya ay 125 MPH.
umaabot ng 244 miles (392 km) ang isang charge ng baterya. tinanong ko kung pwedeng gamitin ang cell phone charger sa pag charge ng kotse. natawa lang yung may-ari. tapos bigla kong naisip: hindi pala ito pwede sa long drive tulad ng trip from our place in irvine to san francisco, which is about 380 miles. tinanong ko kung pwedeng lagyan ng mahabang cable na may hook at ikabit sa poste ng meralco yung kotse, tulad ng ginawa ni dr. emmett brown sa back to the future part 1, para mas mahaba ang byahe. natawa lang yung may-ari.
yung pinagtatanungan ko na may-ari na parating natatawa, si martin eberhart, ay bisita namin sa conference sa vegas at dinala niya yung kotse para ipagyabang sa amin. hindi na siya kasali sa tesla motors ngayon dahil nagkaroon ata sila ng hindi pagkakaunawaan ng mga partner niya. yan ang hirap pag naging public ang isang kumpanya at isa ka sa mga founders pero ang background mo ay engineering. you tend to lose to the businessmen.
but i digress. gusto ko lang sabihin na naglaway ako nung nakita ko siya at nung sinakyan ko nga, feeling ko, para akong si aga mulach dahil sa extra pogi points.
Agreed. Gara ng kotse parang “girl magnet”. Hindi kagaya ng bisikleta na sinasakyan natin “car magnet”.
Musta na?
eto pogi pa rin, tulad mo.
car magnet. bwahaha. buti na lang makapad ang mga bike lanes dito sa amin. mayroon kasing section ng route ko na may 65 MPH speed limit. kala mo may karera parati tuwing uwian.
di mo naman kelangan ng pogi points e. pero sige, kung gusto mo ng pangdagdag, puwede na rin. $100,000 to drive a 125 MPH machine on the road? Err… on which road would that be again?
the boulevard of broken dreams. hehehe.
Bakit kaya hindi uso sa Pinas ang battery-powered vehicles? Halos lahat eh de gasolina?
may hybrd na ba sa pilipinas?
ano kayang feeling ng tumatakbo ng 125mph ng walang ‘vroom vroom’ sounds? para sigurong naubusan ka lang ng gasolina sa gitna ng hiway. hehehe.
isipin mo na lang na parang utot na walang tunog.
panalo boss!
not that you need the extra pogi points 🙂
Mga koolitz, huli na kayo sa balita. D2 sa pinas mayroon na rin niyang sinasabi ninyong ‘rechargable’ vehicles (hehe parang celpon! huh!). Name it mga bro…electric charge, battery charge, solar charge, and the latest gasul. Kung maubusan ka pwede mong gamitin ‘yung nasa kusina mo! Hehe… ipagpatuloy ninyo ang inyong simulain at paramihin ang disipulo!
Mas matindi ang utot pag walang tunog!
Okay yang kotse, ipinangalan pa sa inventor ng AC. Pero mayron na bang “battery-charging station” dyan kahit every 300km? Kung wala, parang “white elephant” yan, pangporma lang pero hindi practical.
cool!!!
sa taas ng singil sa kuryente ngayon ng Meralco, tiyak patok ang sasakyang ganto dito sa pinas. 🙂
pero sa baba din ng halaga ng peso…at sa bagsak na ekonomya ng pinas, parang sarcastic kng akoy isang mayaman to have this kind of luxury.hehe
baka pwedeng hybrid sa pilipinas tulad ng toyota prius.
nikola tesla kung saan galing ang pangalan ng kotse is one of my idols. very underrated pero sa tingin ko, katumbas niya o nahigitan si edison kung yung inventions ang pag-uusapan.
panalo talaga.
unkyel, i second anti’s motion, di mo na kelangan ng pogi points…riding your bike to work makes you even more fit and pogi….or what would p@ris hilt0n say, ‘that’s hot’. =p
wow, for slightly over 100k, there must be a kitchen and a master suite somewhere in those four wheels, nice! i hope they get to the point where they can mass produce so everyone can afford one.
did you hear about the blind and legally blind complaints about the prius in SF? they think prius cars are not safe because not only they can’t see them, they can’t hear them either. don’t they walk with contraptions that tell them they are about to hit something? and do you remember one of the reasons why uturn bought a fleet of prius so he and his gang can quietly do the drive bys, lol?
hahaha. you’re probably the only one who reads my blog outside of jet who remembers or knows about u-turn and his prius.
he was a great character and they shouldn’t have killed him in the show.
I’m not a car person but I think it’s amazing that what used to be sci-fi concepts are now reality (or at least close to it).
I remember reading a very old book of Tatay’s and this woman scientist was being chased by Oil giants’ goons. She discovered hydrogen as a viable alternative to oil for running not just cars but factories as well. Kailan kaya?
mayroon nang prototype ng mga hydrogen cars. i know may mga test na ginagawa dito sa california.
hindi lang nila ma release kasi raw square ang shape ng mga gulong. bwahaha, ang corny ko.
Pards, para kang si knight rider dyan sa photo!
dark knight
cool car..hindi pwede sa brown-out yan!!lol
aba mura lang. 😀 makabili nga ng dalawa.
kelan tayo magkikita? heheeh
kailan ka ba libre?
tawagan mo ako, kita tayo ng weekend.