pwede kayong bumili ng kaning lamig sa darating na international bookfair na gagawin sa bay area (sa pasay hindi sa san francisco). makikita rin ninyo roon yung mga kapamilya kong mga libro. kung gusto ninyo ng horror, naroon yung palalim ng palalim. kung gusto ninyo naman ng mga kwentong kalibugan, naroon yung personal favorite ko na dagta. mura lang ang mga ito, lalo na yung batang kaning lamig dahil alam naman ng lahat na cheap naman talaga ako.
nakabili na po ako ng second book mo sir. try ko nga silipin yang dagta na yan. hehe…
Idol, ‘yung first book mo kaya available din sa Book Fair? Merong naghahanap eh.
malamang naroon din ang first book – subukan mo sa PSICOM booth.
subukan mo yung dagta – naron din ang pamangkin kong si adam at ang partner niyang si sarah.
I was so much older then, I’m younger than that now… Saan ba sa Pasay para mahanap yang “Dagta” na yan? Kasi nung bata ako wala ako hilig sa bold, ngayon na lang, he-he-he!
yay! im in manila for a bit and i’ll be able to get your books from moa! more power unkyel!
Worry ko lang sa pagbili ng book na “Dagta” eh baka hindi ko ma flip ang mga pages dahil ma dagta siya… hehehehehe
Hahaha natawa ako bigla sa comment ni Gene. Muntik ko nang mabuga ‘yung iniinom kong kape. *LOLz*
kaya nga gusto ko yung libro. sa title pa lang puno na agad ng simbolo.
nakita ko nga ‘to sa MOA. makapunta nga sa weekend. hehe
unkyel, meron na ako nung dalawang libro mo. nakabili ako nung umuwi kami last May. yung KL sa fully booked ko nabili kung saan ka nag-book signing. naghanap ako ng KT sa fully booked kaso wala. Pero buti na lang meron nag-i-isang copy sa Powerbooks-Greenbelt.
Hinihintay ni KT at KL ang pirma mo.
hindi naman sa ayaw ko kayong magbiyahe pa, papuntang mall of asia, pero yung dalawang libro ni unkyel batjay ay pareho kong naiskor sa national book store.
ung first book mo dinala ko pa dito sa us nun pumunta ko para mabasa ng hubby ko. natuwa sya at nagustuhan nya. ung 2nd book mo ipapabili ko sa kapatid ko para maipadala dito.
san yung bay area? sa may baywalk? yung may sunset?? dun sa moa?? hakhak. hanggang kelan kau dun? waaaaaaaaah!!! sana makapunta aku. sana wala ng bagyo!!!
i have your 2 books when I went back to Manila, sobrang kwela and senti din. thank you for sharing your talent. sana may bookfair din sa canada. if you have time, pls check bob ong books kasi ganda din.