.flickr-photo { border: solid 2px #000000; } .flickr-yourcomment { } .flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; } .flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
pag ikaw lang mag-isa sa bahay, minsan nakakatamad magluto. gusto mo na lang kainin yung mga madaling ihanda. simula nang umuwi si jet 3 weeks ago, puro stir fry lang ang pagkain ko. either ginisang spinach, ginisang sitaw, ginisang broccoli o ginisang pechay. minsan sinasamahan ko ito ng tokwa. oo virginia, ginisang tokwa. nakabili ako ng masarap na sawsawan para sa tokwa – red curry sauce galing sa trader joes. tangina, ang sarap ng combination, subukan ninyo.
eto nga palang nasa picture ay ulam ko nung isang araw: boiled artichoke at tokwa. simple lang ihanda – nilagyan ko ng kaunting kikkoman at tubig yung artichoke at nilagay ko sa microwave. tapos, ipinirito ko yung tokwa. 10 minutes ihanda, 5 minutes kainin. bagay na bagay sa akin. pero last night ko na siguro ngayon sa simpleng pagkain. babalik na kasi si jet bukas. excited na nga ako.